Namamaga ang bakuna ni baby, normal ba ito?

Namamaga ang bakuna ni baby, normal ba ito?

Narito ang mga mahahalagang impormasyong dapat mong malaman tungkol sa pagbabakuna ng iyong anak.

Pamamaga ng bakuna ng sanggol, paano nga ba masasabing normal lang o nakababahala?

Pamamaga ng bakuna ng sanggol

Image from Freepik

Pagbabakuna sa mga sanggol

Ayon sa WHO o World Health Organization, ang immunization o pagbabakuna ay isang proseso na kung saan binibigyan ng immunity o resistance ang isang tao mula sa mga infectious diseases. Ito rin ang napatunayang pinakamurang paraan para makontrol at ma-eliminate ang mga life-threatening diseases. Kaya naman isinusulong ng ahensya na mabakunahan ang bawat tao sa mundo laban sa mga sakit na nagsisimula sa pagkasilang pa lang ng isang indibidwal.

Ang ibinibigay ngang bakuna sa sanggol mula siya ay isilang habang lumalaki ayon sa DOH ay ang sumusunod:

  • BCG (Anti-tuberculosis vaccine)
  • Hepatitis B vaccine
  • DPT-Hib-Hep B Vaccine (5-in-1 vaccine laban sa Diphtheria, Tetanus, Pertussis, Polio at Hib disease)
  • Polio vaccine
  • PCV (Pneumococcal conjugate vaccine o anti-pneumonia vaccine)
  • MMR (Measles-Mumps-Rubella vaccine)
  • Rotavirus vaccine
  • Varicella vaccine
  • Flu vaccine
  • Hepatitis A vaccine

Dahilan kung bakit hindi maaring makatanggap ng bakuna ang isang bata

Mahalagang mabigyan ng mga bakunang ito ang isang lumalaking bata. Ito ay kanyang magsisilbing proteksyon sa mga sakit na maaring dumapo sa kaniyang murang katawan. Ngunit dapat mong tandaan na hindi sa lahat ng oras ay maaring mabakunahan ang isang bata. May mga pagkakataon o sitwasyon na siya ay hindi maaring tumanggap ng bakuna. Ang mga dahilang ito ay ang sumusunod:

  • Ang batang may malubhang karamdaman ay hindi maaring mabakunahan. Siya ay papayuhang bumalik na lamang sa ibang araw kapag siya ay magaling na.

Ayon naman sa CDC o Center for Disease Control and Prevention, ang isang bata ay maaring makatanggap pa rin ng bakuna kahit na siya ay may ubo at sipon basta’t ito ay hindi malala. Ganoon din kapag siya ay may mahinang lagnat (38.3 degree Celsius pababa), mild diarrhea at impeksyon sa tenga o otitis media. Ang mga hindi malalang sakit na ito ay hindi naman daw makaka-apekto sa reaksyon ng vaccine sa katawan ng isang tao.

  • Hindi na dapat makatanggap ng parehong bakuna ang batang nakaranas ng nakamamatay na allergic reaction. Mahalagang ipaalam ito sa nagbibigay ng bakuna upang maiwasang maulit ang negatibong reaksyon.
  • Kung ang isang bata ay nakakaranas ng allergic reaction sa substance na taglay ng isang bakuna ay hindi siya dapat mabigyan nito. Mahalagang ipaalam din ito sa nagbibigay ng bakuna.
Pamamaga ng bakuna ng sanggol

Image from Freepik

Mga dapat asahan matapos ang pagbabakuna

Mild reactions matapos mabakunahan

Dahil ang isang vaccine ay gawa sa weakened version ng isang sakit, ito ay maaring magdulot ng pagbabago o reaksyon sa katawan ng isang sanggol. Ngunit ito naman ay pangkaraniwan at kusang nawawala. Ilan nga sa mga reaksyong mararanasan ng isang sanggol matapos mabakunahan ay ang mga sumusunod:

  • Pagsakit ng kalamnan lalo na sa parte ng katawan na nabakunahan
  • Pamumula o pamamaga sa parte ng katawan na nabakunahan
  • Mababa o banayad na lagnat

Ang mga reaskyong ito ay kadalasang nagtatagal ng isa o dalawang araw. At palatandaan na kumikilos o umeepekto na ang vaccine sa katawan ng isang sanggol. Ngunit hindi lahat ng sanggol ay nagpapakita ng ganitong reaksyon kapag nabakunahan.

Serious reactions matapos mabakunahan

Maliban sa mga mild reactions na nabanggit ay nakakaranas din ng seryosong reaksyon sa bakuna ang ilang sanggol bagama’t ito ay bibihira. Ang mga reaksyong ito ay ang sumusunod:

  • Pagkaalibadbad
  • Pagkapagod o walang gana kumain
  • Pagsusuka
  • Pamamaga ng buong braso o hita na pinagbakunahan
  • Walang patid na pag-iyak
  • Lagnat na mahigit 105°F o 40°C
  • Seizures o kombulsyon
  • Palatandaan ng severe allergic reaction tulad ng hirap sa paghinga, pagkahilo, pamamaga ng lalamunan, mabilis na tibok ng puso at hives o pamamantal ng katawan.

Ang mga nabanggit na reaksyon ay itinuturing na seryoso kaya naman kung makaranas ng mga nabanggit ang iyong anak matapos mabakunahan ay mabuting dalhin siya sa doktor upang masuri at makasigurado sa kaniyang nararamdaman.

Pamamaga ng bakuna ng sanggol

Image from Freepik

Pamamaga ng bakuna ng sanggol

Samantala, ayon sa UK health website na NHS, ang pamamaga ng bakuna ng sanggol ay normal lang. Lalo na kung ito ay dulot ng BGC vaccine na itinuturok sa ilalim ng balat sa taas na bahagi ng kaliwang braso.

Usual expected reaction na umano kung maituturing ang pamumula o pagkakaroon ng maliit na bukol sa injection site o tinurukan ng bakuna. Susundan ito ng pagkakaroon ng ulcer sa injection site o bukas na sugat na maaring gumaling sa loob ng ilang linggo.

Hindi rin dapat mag-alala kung makikitaan ng konting nana ang sugat na dulot ng pagbabakuna.

Pero kung ang nana ay marami na at namumuo na sa buong sugat o injection site ay dapat na itong ipatingin sa doktor. Lalo na kung sinabayan na ito ng pamamaga ng kaliwang braso ng isang sanggol.

Samantala, upang maiwasang ma-impeksyon at lumala ang pamamaga ng bakuna ng sanggol ay dapat maalagaan ito nang maayos. Dapat ay lagi itong panatiling malinis at tuyo. Makakatulong rin ang paglalagay ng temporary dry dressing o gauze sa sugat. Ngunit dapat iwasang lagyan ito ng ointment, anti-septic creams, sticking plaster o band aids na maaring dumikit sa bukas na sugat at magpapalala pa rito.

Asahan ding ang sugat na ito ng sanggol ay maaring magpeklat o keloid kapag ito ay magaling na.

Tandaang ang pamamaga ng bakuna ng sanggol ay normal lang. Ngunit kung ito ay nagdudulot na ng discomfort sa kanya ay mabuting patignan na ito sa doktor upang makasigurado.

 

SOURCES: WHO, TheAsianParent, CDC, Immunize Org, CDC, NHS, RCH

BASAHIN: 7 bakuna na kailangang ulitin kapag malaki na ang bata, Listahan ng mga bakunang kailangan ni baby, 13 ospital sa Maynila na namimigay ng libreng bakuna kontra polio

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner