Mga magulang, mag-ingat sa mga posibleng komplikasyon ng bulutong sa mga bata.
Mababasa sa artikulong ito:
- Isang sanggol, muntik nang mamatay dahil sa bulutong.
- Mga komplikasyon ng bulutong na dapat mong bantayan
- Paano makakaiwas ang bata sa bulutong?
Normal na sa mga bata ang magkaroon ng tinatawag na bulutong o chickenpox. Marami nga ang nagsasabi na mas mabuting magkaroon nito habang bata pa, upang magkaroon ng immunity sa ganitong sakit.
Ngunit karaniwan man, hindi pa rin ito dapat balewalain ng mga magulang dahil ang komplikasyon ng bulutong ay posibleng maging nakamamatay sa mga bata.
Komplikasyon ng bulutong, muntik nang ikamatay ng baby
Noong 2019, naiulat ang isang insidente sa United Kingdom kung saan muntik nang mamatay ang isang bata dahil sa komplikasyon ng bulutong.
Nahawa ng bulutong ang isang taong gulang na bata na si Edward Foxall sa kaniyang kuya na si Alife, 3-taong gulang. Ayon sa mga magulang ng bata na si Laura at Kieran, noong una ay hindi naman sila gaanong nag-alala dahil mabilis lang na gumaling mula sa bulutong si Alife.
When he first got chickenpox, I didn’t think anything much of it because Alfie’s had cleared up quite quickly. I’d thought he’d pick them up from Alfie, but never imagined it would get bad,” kwento ng ina na si Laura.
Subalit unti-unting napansin ng ina na parang nananamlay ang sanggol at hindi makatulog.
“But on the second day, Edward appeared grumpy and couldn’t sleep, which was the first cause for concern because Edward is a ‘good sleeper.”
Nang lumalala ang kondisyon ng baby kung saan tumaas ang lagnat nito at nahirapang huminga, nagdesisyon ang mag-asawa na dalhin na agad sa ospital ang kanilang bunso.
Larawan mula sa Pexels
Pagkarating sa ospital, napag-alaman mula sa chest x-ray na mayroon nang fluid sa baga ng bata na naging komplikasyon ng kaniyang bulutong.
Ayon sa mga doktor, si Edward ay nagkaroon ng isang malubhang bacterial infection na hindi nagtagal ay nagdulot ng sepsis.
‘The first chest x-ray didn’t show any signs of something more serious, but the doctor at hand wasn’t so sure so they advised us to stay overnight.
We had a second x-ray the following morning, and that’s when they told us that Edward had a serious bacterial infection, which turned out to be necrotizing pneumonia. They also told us the pneumonia had then led to sepsis,” kuwento ni Laura.
Inilagay siya agad sa ICU ng limang araw kung saan inalis agad ng mga doktor ang tubig sa baga ng sanggol. Nag-aalala ang mga doktor na baka hindi niya kayanin ang sakit. Ngunit matapos ang matinding gamutan, at pag-inom ng antibiotics ng 5 linggo, gumaling na rin si Edward.
Hindi talaga inasahan na ganoon ang kahihinatnan ng kanilang anak dahil lang sa bulutong. Mabuti na lang at naisipan agad nilang dalhin sa ospital ang bata upang maagapan agad ang kaniyang naging karamdaman.
“We might have been telling a different story if he hadn’t been in the hospital the night his lung filled with fluid and the infection really took hold,” sabi ni Laura.
“He’s been incredibly lucky, and we were incredibly lucky that staff all the way through recognized there was something more serious going on,” dagdag niya.
Ano ang bulutong?
Larawan mula sa iStock
Ayon kay Dr. Regina Rachelle Naguit, isang pediatrician mula sa Carmona Hospital and Medical Center, ang chickenpox o bulutong ay isang viral infection na sanhi ng isang virus.
“Bulutong is actually a viral infection caused by the Varicella virus,” aniya.
Ani ng doktora, mas karaniwan ang bulutong sa mga batang hindi pa nababakunahan ng Varicella vaccine dahil ito ay lubhang nakakahawa. Maari ring magkaroon ng bulutong ang matatanda, lalo na ang mga taong may mahinang immune system.
“Kapag na-expose ka sa bata na may chickenpox, 80 to 90 percent ang risk mo of getting the infection if you are not vaccinated.”
Ilan sa mga karaniwang sintomas ng bulutong ay ang mga sumusunod:
- Lagnat (mild o low-grade fever)
- Kaunting ubo at sipon
- Pagsusuka at pagtatae
- Pananamlay
- Sa mga sanggol, pagiging iritable
- Rashes o mga mapupula at makakating butlig na tutubo sa katawan
Kung dati ay hinihintay na lang na matapos ang bulutong, ayon kay Dr. Naguit, ngayon ay mayroon nang gamot o antiviral drug na pwedeng ibigay sa pasyente bilang lunas ng sakit na ito. Pero dagdag ng doktora, dapat ay maibigay ito sa loob ng ikalawa o ikatlong araw pagkatapos lumabas ng mga rashes para maagapan ang chickenpox at iba pang komplikasyon nito.
BASAHIN:
Bulutong: Sanhi, sintomas, gamot, at mga paraan para maka-iwas sa sakit na ito
Chickenpox in adults: A Comprehensive guide for parents
Booster shots for kids and why a vaccine schedule for toddlers is essential
Komplikasyon ng bulutong
Bagamat karaniwan ang sakit na ito sa mga bata, pinapayuhan pa rin ang mga magulang na huwag itong balewalain. Dahil gaya ng kuwento sa itaas, ang simpleng kaso ng chickenpox ay maaring humantong sa mga seryosong komplikasyon.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), narito ang ilang posibleng maging komplikasyon ng bulutong:
Ayon kay Dr. Naguit, dahil hindi mapigilan ng bata na kamutin ang kaniyang rashes, maaring magkaroon ng secondary bacterial infections mula sa bulutong, lalo na kung marumi ang kaniyang mga kamay na ginamit.
“Very common ang secondary bacterial infection of the lesions,” aniya.
Larawan mula sa iStock
Isa ring posibleng komplikasyon ng bulutong ay ang pulmonya. Kaya naman paalala ni Dr. Naguit,
“Kapag biglang nagka-high grade fever, naging prominent ‘yong coughing, you have to watch out for pneumonia.”
-
Infection o pamamaga ng utak (encephalitis, cerebellar ataxia)
-
Problema sa pagdaloy ng dugo (hemorrhagic complications)
-
Bloodstream infections (sepsis)
Kagaya ng kuwento sa itaas, nagkaroon ng tubig sa baga ng bata at ang bacterial infection ay nauwi sa sepsis na kapag hindi naagapan ay nakamamatay. Ito ang dahilan kung bakit mapanganib ang mga komplikasyon ng bulutong.
Kapag ang bata ay may sakit, kadalasan ay nawawalan siya ng ganang kumain. Kapag tumaas ang lagnat niya, tumataas rin ang posibilidad ng dehydration o kawalan ng tubig sa katawan na lubhang delikado sa mga bata.
Ayon kay Dr. Naguit, ang virus mula sa bulutong ang maaring manatili sa katawan ng isang tao. Kaya parang mauulit ang bulutong pero hindi naman kasing-lala ng naunang sakit.
“Ito ‘yong mga pasyente na nagkaroon ng chickenpox in the past, kaso unfortunately, the virus stayed in their nerves. So kapag bumagsak ‘yong immune system, naa-activate ‘yong virus doon sa distribution ng nerves,” paliwanag niya.
Paano makakaiwas sa bulutong?
Ang pangunahing paraan upang makaiwas sa bulutong at mga komplikasyon nito ay ang siguruhin na may bakuna ang iyong anak laban sa chickenpox. Kung magkaroon man, hindi ito magiging ganoon kalala at mas mabilis ang paggaling kung ikukumpara sa mga bata na walang bakuna.
“Pwede pa rin magka-bulutong pero very minimal lang,” ani Dr. Naguit.
Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa bahay:
- Panatalihing malinis ang katawan. Maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos gumamit ng banyo.
- Ihiwalay agad ang batang may bulutong mula sa ibang tao sa bahay.
- Hikayatin ang mga nag-aalaga na gumamit ng face mask at maghugas ng kamay palagi.
Bagama’t ang bulutong ay isang pangkaraniwang sakit sa mga bata, may mga paraan upang maiwasan ito. Kapag napansin ang mga sintomas ng bulutong sa iyong anak, huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa kaniyang doktor.
Karagdagang ulat ni Camille Eusebio
Source:
Daily Mail UK, CDC
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!