Isang severe genetic condition ang Edwards Syndrome na kung saan kadalasang hindi tumatagal higit sa isang taon ang buhay ng sanggol. Alamin dito ang mga symptoms at iba pang dapat mong malaman tungkol sa Edwards syndrome.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Edwards Syndrome causes, symptoms and treatment
- Paano mababawasan ang risk na magkaroon ng Edwards Syndrome ang anak?
Edwards syndrome causes, symptoms and treatment
Ano ang Edwards Syndrome?
Ibang sakit ang dala kung masasaksihan ng isang ina o ama na magkaroon ng sakit ang anak, lalo kung ito ay malala na at nakataya ang buhay niya.
Ang Edwards Syndrome o Trisomy 18 ay isa sa mga severe genetic condition na nakukuha ng mga sanggol. Naaapektuhan nito ang pag-develop ng katawan ng bata. Tinatayang nasa 13 lang sa 100 sanggol na may ganitong kondisyon ang nakakalapgpas sa kanilang first birthday.
Taong 1960 nang madiskubre ni John Hilton Edwards ang naturang sakit. sa kanyang pag-aaral sa isang newborn na may multiple congenital complications at may issue sa cognitive development.
Nangyayari raw ang kondisyon na ito kung ang isang tao ay may extra copy ng chromosome 18, dito nagkakaroon ng mataas na risk na magkaroon ng Edwards Syndrome kung magbubuntis ang isang babae.
Tinatayang isa sa 5,000 hanggang 6,000 live births ang maaaring magkaroon ng ganitong rare condition. Mas common naman ito sa kasagsagan ng pagbubuntis, nasa tinatayang 1 hanggang 2,500 sa mga pagbubuntis ang nagkakaroon nito.
Causes
Mayroong 46 chromosomes na dini-divide sa 23 na pares sa katawan ng isang tao na nakukuha mula sa kanyang mga magulang. Sa batang may sakit na Edwards Syndrome, mayroon siyang tatlong kopya ng chromosome 18 na dapat ay da;awa lamang. Mayroong DNA sa cells ang bawat chromosomes na nagdidikta sa katawan kung paano magpa-function.
Ang mga hindi tamang numero ng chromosomes ay random at walang kinalaman ang kung ano mang lifestyle o gawain bago at sa kasagsagan ng pagbubuntis.
Kung ang isang copy ng chromosomes ay sumama sa isa pang pares, doon nagkakaroon ng trisomy na nangangahulugang ‘three bodies’. Ganito ang nangyayari kaya nagkakaroon ng Edwards Syndrome o Trisomy 18.
Symptoms
Sa pagbubuntis, narito ang ilan sa mga sintomas ng Edwards Syndrome:
- Hindi madalas na pagdudumi
- Pagkakaroon ng single artery sa umbilical cord
- Birth defects
- Mayroong maliit na placenta
- Ang fetus ay napapaligiran ng labis na polyhydramnios o amniotic fluid
Habang makikita naman ang mga sumusunod na sintomas sa kapag ipinanganak na ang baby:
- Pagbaba ng muscle tone
- Low-set na mga tenga
- May kakaibang form at function ang internal organs na tulad ng heart at lungs
- Nag-ooverlap ang mga daliri
- Maliit na pangangatawan
- Minimal ang response sa tunog at mahinang pag-iyak
- Problema sa pagkatuto
- Developmental delays
Ang ilan naman sa mga malalang sintomas nito ay:
- Pagkakaroon ng congenital heart at kidney disease
- Respiratory failure
- Hernias
- Scoliosis
- Issues sa gastrointestinal tract
Treatment
Wala pang natutuklasang gamot para sa Edwards Syndrome, pero maaaring itong magkaroon ng iba’t ibang treatment upang mapahaba ang kanilang buhay depende sa severity ng kanilang diagnosis. Ang ilan sa treatment ng Edwards Syndrome ay:
- Assisted feeding – Dahil sa hirap kumain ang sanggol na may ganitong sitwasyon, kinakailangan ng feeding tube upang mabigyan sila ng sapat na pagkain.
- Orthopedic treatment – Mahihirapang gumalaw ang sanggol na may ganitong kondisyon dahil sa pagkakaroon ng spinal problems gaya ng scoliosis. Kasama sa treatment ang bracing at surgery upang matulungan silang gumalaw.
- Cardiac treatment – Maaaring sumasailalim ang ilan sa mga sanggol sa surgery dulot ng heart problems na dala ng Edwards syndrome.
- Psychosocial support – Dahil nga sa mabigat na sitwasyon ang magkaroon ng pamilyang may Edwards syndrome, maaaring sumama sa iba’t ibang suporta upang matulungan na mag-cope sa ganitong mga pangyayari.
BASAHIN:
17 mabisang halamang gamot sa Pilipinas para sa iba’t ibang sakit
Bulutong tubig: Sanhi, sintomas, gamot, at mga paraan para maka-iwas sa sakit na ito
Paano mababawasan ang risk ng naturang sakit sa inyong baby?
Muli, walang paraan upang magamot ang Edwards syndrome o ma-prevent ito dahil resulta ito ng genetic mutation. Maaaring subukan ang combination ng genetic testing at in vitro fertilization o preimplantation genetic testing para kahit papaano ay mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng anak ng ganitong malubhang kundisyon.
Maaari ring magtungo kaagad sa healthcare provider para sa genetic testing kung sakaling pinaplano ang pagbubuntis. Narito ang ilan sa maaaring itanong:
- Gaano kataas ang tyansang magkaroon ako ng anak na may genetic condition?
- Ano-ano ang treatment na makakapagpagaling sa sintomas ng aking anak?
- Ano ang mga dapat iwasan at gawin sa panahon ng pagbubuntis?
Bukod dito, maaaring panatilihing healthy ang pangangatawan bago, habang, at pagtapos magbuntis upang maiwasan ang ilang komplikasyon o sakit na maaaring maipasa sa iyong anak.