LOOK: Ellen Adarna ginupitan si Elias para sa kaniyang first haircut

Si Ellen ay kilig na kilig sa excitement habang ginugupitan ang buhok ni Elias for the first time.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

New look ngayon si Elias matapos ang kaniyang first haircut na ang mom niyang si Ellen Adarna ang mismong may gawa.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • New haircut ni Elias na gawa ng kaniyang inang si Ellen Adarna.
  • Co-parenting relationship ni Ellen Adarna at John Lloyd Cruz para sa anak nilang si Elias.

New haircut ni Elias na gawa ng kaniyang inang si Ellen Adarna

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Lalong lumabas ang ka-gwapuhan at ka-kyutan ng 4-years-old na anak ni Ellen Adarna na si Elias sa bago at first haircut nito. Ang unang gumupit ng buhok ni Elias ay walang iba kung hindi ang kaniyang inang si Ellen Adarna. Ang cute na tagpo na ito ay ibinahagi ni Ellen sa kaniyang Instagram account.

“First Hair cut by Mama.”

Ito ang caption ng IG video na pinost ni Ellen kung saan makikita ang naging first haircut ni Elias.

Sa video ay maririnig na kinakausap ni Ellen ang anak niyang si Elias na tinatawag niyang babi.

“Are you ready babi? ‘Yah’ sagot ni Elias.”

“Oh my goodness, we are really doing it. We are really cutting your hair.”

Ito ang maririnig na sabi ni Ellen sa anak na si Elias habang ginugupitan ang buhok nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maririnig rin na sabi ni Ellen sa anak na itatabi niya ang nagupit na buhok ni Elias sa first haircut nito. Disclaimer naman ni Ellen sa naturang IG video ay aayusin naman daw ng isang professional barber ang gupit ng buhok ni Elias.

“His first hair cut ever. Don’t worry the pro is coming to fix it tomorrow.”

Ito ang sabi pa ni Ellen.

Sa sumunod na IG post ni Ellen ay ibinahagi niya na ginugupitan na si Elias ng isang professional hair dresser. Si Elias ay makikitang relax na relax habang ginugupitan ang kaniyang buhok.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga netizens puring-puri ang ka-kyutan ni Elias sa new hair cut at look nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

“Ang Gwapo na Babi!!!!!!!!!”

“Len!! Mini-me mo talaga si Elias, Len!”

“Super gwapo ni Elias.”

Nito lamang Hunyo ay nagdiwang ng kaniyang 4th birthday si Elias. Sa IG post ni Ellen tungkol sa kaarawan ng anak ay makikitang naka-Spiderman costume ulit ito. Ito rin ang theme ng birthday party ni Elias ng mga nakaraang taon.

Sa mga larawang ibinahagi ni Ellen ay makikitang enjoy na enjoy si Elias sa naging 4th birthday niya. Ganoon rin si Ellen na nagbalik pagkabata sa paglalaro. Ang mister ni Ellen at aktor na si Derek Ramsay ay game na game rin na nakipaglaro kay Elias at mas ginawang meaningful ang birthday celebration ni Elias ngayong taon.

Co-parenting relationship ni Ellen at John Lloyd para sa kanilang anak

Samantala, kahit kasal na si Ellen kay Derek ay nagkasundo naman sila ni John Lloyd na magkaroon ng maayos na co-parenting relationship para sa anak nilang si Elias.

Base sa mga nauna ng pahayag ni Ellen at John Lloyd sila ay may maayos na relasyon pagdating sa pagpapalaki sa kanilang anak na si Elias. Ayon kay Ellen, nakikita niya kung gaano kasaya si Elias sa tuwing kasama si John Lloyd at hindi niya balak ipagkait ito sa anak.

“My son needs him as much as he needs me. I see their relationship and I see how happy my son is when he is around.”

Ito ang sabi ni Ellen sa isang panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si John Lloyd masaya rin para sa bagong buhay ngayon ni Ellen bilang misis ni Derek. Sabi pa ng aktor ay hiling niya ang maayos na pagsasama ng dalawa. Lalo pa’t naniniwala siya na mahalaga ito para sa maayos na paglaki ng anak niyang si Elias.

“Finally, she found the one. I have to put it in context and I have to be very careful because that’s her life. Nagsisimula at natatapos sa anak namin 'yong aking masasabi patungkol sa kaniya o sa buhay niya.”

Ito ang nasabi ni John Lloyd sa panayam sa kaniya ng veteran journalist na si Jessica Soho. May pahabol rin siyang mensahe para kay Ellen at sa mister na nito ngayong si Derek Ramsay.

“Sincerely I wish her all the happiness in the world. And I wish them both a strong and fun marriage. Kasi vital 'yon sa welfare at sa growth ng anak ko.”

Ito ang sabi pa ng aktor.

Si Derek naman makikitang nai-enjoy rin ang pagiging stepdad ni Elias. Sa mga post niya sa Instagram ay laging laman si Elias at ang ginagawa nilang dalawang pagbobonding. Sa naging bakasyon nila ni Ellen sa Cebu ay makikitang very close si Elias kay Derek. Dahil habang natutulog ay nakuha pa nitong yumakap sa kaniyang step dad.

Larawan mula sa Instagram account ni Derek Ramsay

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement