Nahuli mo bang may kausap na iba ang iyong partner? Pagtataksil ba itong maituturing? Alamin sa artikulong ito kung ano ang considered as emotional cheating.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Kailan nagiging cheating ang pag-PM sa iba? Heto ang sagot ng expert
- Signs of cheating in texting
Kailan nagiging cheating ang pag-PM sa iba? Heto ang sagot ng expert
Kailan nagiging cheating ang pag-PM sa iba? Heto ang sagot ng expert | Larawan mula sa Pexels
Sa lahat ng relasyon may sine-set na boundary ang isa’t isa. Ito ang pamantayan nila kung paanong maituturing na cheating na ang isang bagay. Maraming bagay ang maituturing na pagtatalsik sa relasyon, common diyan ay kung nakipagtalik siya sa iba na hindi alam ng isa at hindi kasama sa napagkasunduan niyo. Samantalang ang isa naman sa pinaka-confusing na cheating at mahirap mahuli ay ang emotional cheating.
What is emotional cheating?
Maituturing na emotional cheating daw ang ginagawa kung mayroong romantic connection daw ang iyong partner sa iba.
“An emotional affair is a grey area of relationships, but by and large, it can be defined as a person having a romantic connection with someone else outside of the marriage or long term relationship.”
Maraming ways daw para magawa ito. Halimbawa na lang ay kapag mayroong siyang simpleng crush o feelings sa isang tao. Ito raw ang cheating na hindi kinakailangang mag-act ang isang tao physically like kissing others.
“An emotional affair can develop into more than that too by two people strengthening a connection. While it may not include any physical signs of attraction – like kissing or sex – it can most definitely be a case that the connection is far more than a platonic friendship.”
Ang kadalasang maituturing na emotional cheating ay sa pamamagitan ng texting or personal messages. Karaniwan kasing nagsisimula sa akala mo ay pagkakaibigan lamang o kaya naman kung nag-away kayong dalawa. Unti-unti habang tumatagal na, nagkakaroon na ng emotional attachment sa isa’t isa. May pagkakaiba na sa usapan nila at nagiging intimate na ang topic parati.
Kung minsan, bago nila mapansin na ganito na pala sila ka-attached, nauuwi sa nai-in love na pala ang dalawa sa isa’t isa. Dahilan upang maging reason ito ng pagtataksil.
“Texting a person in a romantic or sexual sense may mean cheating to some, whereas it may not for others. By and large, though, it has the ability to hurt someone in the relationship. Bearing that in mind, a lot of people will consider texting someone in a romantic or sexual manner as cheating, even if the physical side wasn’t there. “
Signs of cheating
Kailan nagiging cheating ang messages ng iyong partner sa iba? | Larawan mula sa Pexels
Kung nahuli mong may kausap na iba ang iyong partner, ang unang dapat gawin ay mag-imbestiga. Alamin kung sino nga ba ang kanyang kausap at kung ano ang relasyon niya dito. Maaari mo kasing matukoy rito kung justifiable na nag-uusap sila parati. Pwede ring basahin kung anong klaseng conversation ba ang palitan nila sa isa’t isa.
Signs of cheating in texting
Signs of cheating in texting | Larawan mula sa Pexels
Maituturing nang cheating ang pagte-text o pagme-message sa iba kung ginagawa na niya ang mga sumusunod:
- Mula umaga hanggang gabi ay magkausap sila halos araw-araw kahit sa simpleng bagay.
- Mayroong flirty topics na ang conversation ng dalawa.
- Nagpaplano na magkita sila nang personal.
- Pagpapalitan ng pictures lalo na iyong mga sexy ones.
- Pagkakaroon ng dependency ng iyong partner sa kanyang kausap to make him/her feel better.
- Pagma-masturbate nilang dalawa sa palitan ng pictures.
- Nagiging routine na ang kausapin sila lalo kung nag-aaway kayo.
- Pagpapalit ng pin sa kanilang cellphone upang hindi mo mahuli.
- Mas nagiging maingat na sila sa pag-iiwan ng kanilang cellphone lalo kung nasa tabi mo.
- Nawawalan ng gana na makipag-usap sa iyo at hindi na rin gaanong ka-affectionate gaya ng dati.
- Mas marami nang atensyon na ibinibigay sa kanyang kausap.
Maituturing itong cheating lalo kung naghahanap sila ng validation at saya mula sa iba. Ibig sabihin hindi na sila masaya sa relasyon ninyong dalawa. Kung ganito ang nangyayari mauuwi lamang sa pagkasira ng iyong relalationship.
“Anyone sending inappropriate message will be leading a double life and trying to hide things from you. If you’re not ready to walk out on the relationship, give them a final warning. I’d also ask for proof that that they have cut off contact with the person they have been messaging.”
Ayon ito kay Jessica Leoni, isang sex and relationship expert.
Kung naiisip mo kung ano ang dapat gawin kung mahuhuli mo silang nag-cheat, mas mainam na kausapin ang iyong partner. Matapos siyang makausap isiping mabuti kung matatanggap mo ba ang mga rason. Sa huli’t huli nasa sa iyo ang desisyon kung patatawarin mo siya sa kanyang nagawang ito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!