Enterovirus, ito umano ang pangalan ng sakit na naging dahilan ng maagang pagkakasawi ng sanggol na si Baby Billie. Ang mga magulang ni Billie ay nagluluksa sa kaniyang pagkawala at nais magbigay babala sa panganib na dulot ng sakit sa mga newborn.
Candice with her newborn baby Billie and daughter Aubrey./Image from KidSpot
Sanggol na nasawi dahil sa enterovirus
Ayon sa kuwento ng ina ni Baby Billie na si Candice, ito’y ipinanganak sa pamamagitan ng C-section. Ito’y ganap na 39 weeks ng maipanganak ngunit base sa obserbasyon ng doktor ang kaniyang puso ay hindi nagpu-function ng normal. Sa una nitong gabi ay masyadong mababa ang temperatura ng katawan nito. Naninilaw din ang balat nito na palatandaan ng jaundice. Nagtagal ito ng 3 araw sa ospital bago tuluyang bigyan ng duktor ng go signal na maari na itong maiuwi sa kanilang bahay.
Pag-uwi sa kanilang bahay ay hindi nakakasuso at nakakatulog ng maayos si Baby Billie. Nang bisitahin ito ng kaniyang nurse makalipas ang 2 araw ay agad itong itinakbo pabalik sa ospital. Ito umano ay underweight at labis na ang paninilaw ng katawan.
Isinailalim sa mga test si Baby Billie. Unang inakala na ito ay meningitis. Ngunit ng lumabas ang mga resulta ng mga test natukoy na siya pala ay may sakit na kung tawagin ay enterovirus. Ang sakit na ito ay madalas na nakakaapekto o nabubuo sa ating tiyan. Ayon sa doktor hindi naman umano ito mapanganib. Maliban nalang kung aakyat sa puso ang virus na bihirang nangyayari.
Ang virus ay umakyat sa kaniyang puso.
Makalipas ang 2 araw na pagkaka-confine sa ospital ay pinauuwi na si Baby Billie. Ngunit bigla itong sumuka matapos dumede. Isang bagay na nagdulot ng labis na pag-alala sa kaniyang inang si Candice. Kaya imbis na iuwi ay nakiusap itong manatili na muna sa ospital ang anak upang ito ay mas mabantayan.
Hanggang sa mas lumala ang kondisyon ni Baby Billie. Tila hindi na ito humihinga dahilan upang lagyan ito ng tubo.
Dito na tila naging fast forward ang lahat. Nag-panick na ang lahat ng staff sa ospital at ang nasabi na lang sa kanila ng doktor ay umakyat na sa puso ni Baby Billie ang enterovirus.
Nagsagawa na ng heart compressions sa kaniya upang siya ay masagip. Ngunit nagsabi na ang doktor na kailangan na nilang ihanda ang kanilang sarili. Kinabukasan ay tuluyan ng sumuko ang batang katawan ni Baby Billie.
Nang magsagawa ng imbestigasyon sa kung paano nakuha ni Baby Billie ang sakit, natukoy na ito ay nakuha niya noong siya ay ipinagbubuntis pa lamang siya. Kuwento ng inang si Candice, ilang araw bago maipanganak si Baby Billie ay nagkasakit ang kaniyang nakakatandang kapatid. Maaaring nahawa raw siya nito at naipasa kay Baby Billie ang virus habang ito ay nasa kaniyang sinapupunan. Pagdadagdag pa ni Candice, masama ang kaniyang pakiramdam bago maipanganak si Baby Billie. Ngunit inakala niyang dahil lang ito sa labis na pagkapagod kaya hindi niya pinansin.
Photo by Jake Ryan from Pexels
Ano ang enterovirus?
Ayon sa CDC, maraming uri ng enterovirus. Ngunit madalas itong maiuugnay sa pangunahing sintomas nito na pagkakaroon ng sipon. Ito ay maaaring maranasan ng mga bata at matanda na hindi naman delikado. Ngunit sa oras na ito ay tumama sa may mahinang immune system o isang sanggol, maaari itong maging peligroso at banta sa mahina pa nitong katawan. Dahil maaari itong magdulot ng hirap sa paghinga at iba pang komplikasyon. Madalas ang sakit na ito ay nakukuha ng sanggol mula sa kanilang ina na na-infect ng virus bago sila maipanganak.
Ilan sa sintomas ng enterovirus ay ang pagkakaroon ng lagnat. Tumutulong sipon na 7-10 days na ang tagal na maaring sabayan ng pag-atsing at pag-ubo. Maaari ring makaramdam ng pananakit ng katawan.
Kung mapabayaan ang sakit na ito ay maaaring magdulot ng hirap sa paghinga. Lalo na sa mga batang may asthma o iba pang sakit sa respiratory system. Maaari rin itong magdulot ng bronchitis. O kaya naman ay mas seryosong kondisyon na muscle paralysis o pamamaga sa utak o puso.
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Paano nahahawa sa enterovirus at paano ito maiiwasan?
Ang enterovirus ay maihahawa ng tulad sa sipon. Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kontak sa taong infected nito. Maaaring ito ay maihawa sa tuwing siya ay umuubo, umaatsing o kaya naman ay humawak sa isang bagay na natalsikan ng kaniyang respiratory droplets. Kaya para maiwasan ito, isa sa pangunahing paraan na dapat gawin ay ang madalas na paghuhugas ng kamay. Paglilinis ng bahay. Pag-iwas sa mga taong may sakit at pag-iwas sa paghawak sa mata, bibig o ilong ng hindi pa naghuhugas ng kamay. Dapat ay panatilihin ding malakas ang pangangatawan sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansya at pagtulog sa tamang oras.
Paano malulunasan ang enterovirus?
Walang specific na gamot ang maaaring makalunas sa enterovirus. Maaaring uminom lang ng over-the-counter medicines para maibsan ang mga sintomas na dulot nito gaya ng pain reliever. Pero mas mainam na magpakonsulta agad sa doktor sa oras na makaramdam ng mga sintomas ng sakit. Lalo na kung nagbubuntis o may sanggol o maliit na bata kang kasama sa bahay.
Source:
KidSpot, WebMD, CDC
Photo:
Photo by Janko Ferlic from Pexels
BASAHIN:
STUDY: Mas matalino ang mga bata kapag mayroong sapat na Vitamin D ang ina habang nagbubuntis
Ano ang rotavirus at paano ito maiiwasan ng iyong sanggol?
How to free your clothes from germs and viruses, according to experts
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!