X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

STUDY: Ito ang epekto sa relasyon kapag parating hawak mo ang phone mo

5 min read

“Alam niyo ba ang epekto sa relasyon ng parating hawak ang cellphone mo?”

Maiiwasan pa ba natin ang madalas na paghawak sa ating mga gadgets o cellphone? Dahil sa teknolohiya na tayo umaasa sa maraming pagkakataon sa ating panahon ngayon hindi madaling umiwas sa pagtingin sa ating mga cellphone.

Binago talaga ng mga smartphones ang buong mundo natin at kung paano tayo mabuhay. Kaya naman marami sa atin ngayon ang laging nakatutok sa ating mga phone at madalas hindi na talaga nakikisalamuha sa iba. Katulad na lamang sa ating mga kaibigan o sa ating mismong mga asawa.

Kung paano tayo lalong pinaghihiwalay sa paggamit ng ating cellphones

Sa isang ginawang pananaliksik noong 2016 sa US coffee shops. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang paggamit ng mobile device habang kasama mo ang inyong kaibigan, pamilya, o asawa ay nakakabawas sa pagkakaroon ng pag-uusap at koneksyon niyo sa isa’t isa.

Nagiging distraction ito sa mag-asawa. Halimbawa na lamang kapag kayo’y lalabas o magde-date na dalawa. Kung palagi niyong hawak ang inyong mga cellphone hindi kayo nagkakaroon ng quality time na dalawa.

Maaari ring maramdaman ng inyong partner na hindi mo pinapahalagan ang oras niyong dalawa na magkasama. Dahil mas inuuna mo ang paggamit ng cellphone kaysa ang pagba-bonding niyong dalawa. Magiging sanhi rin ito nang pagseselos at pagdududa mula sa inyong partner. Puwede niyang maisip na may iba kang kausap at hindi ka interasado sa kaniya. Isa ito sa epekto ng laging paggamit ng cellphone sa isang relasyon.

epekto ng cellphone sa relasyon

Image from Unsplash

Isa ito sa mga madadalas na pag-awayan ng mga makakarelasyon, magpa-partner, at mag-aasawa ngayon. Sabi pa ng isang propesor sa University of Arizona,

“It’s not use; it’s the psychological relationship to that device.” Sapagkat tila mas mahalaga pa ang iyong cellphone kaysa sa iyong karelasyon.

Dagdag pa rito nagiging sanhi ito ng pagkawala ng intimacy sa mag-aasawa o mag-partner dahil sa laging hawak nila ang kanilang mga cellphone. Maaaring palaging isipin ng inyong asawa o partner na “bakit ka niya laging hawak ang phone niya, ayaw niya ba akong kausap?”

Masakit na mas binibigyan umano sa inyong partner ang pagbibigay nito ng maraming atensyon sa kaniyang cellphone kaysa sa inyong relasyon. May pakiramdam ito na para bang “ignored” o hindi pinapansin at masakit naman talaga ito.

epekto ng cellphone sa relasyon

Image from Unsplash

5 tips para maiwasan at maayos ang mga ganitong conflict

  1. I-assess ang lalim ng problema

Kapag ikaw at inyong partner ay mas nagging aware sa isyu. May pagkakataon kayong maayos ang inyong problema upang makagawa kayo ng mga paraan upang maresolba ang labis na paggamit sa cellphone. Halimbawa na lamang kapag kumain, o kayo’y nasa date.

  1. I-acknowledge na ang paggamit ng cellphone ay hindi naman masama

Mahalaga talaga ang paggamit ng cellphone lalo na sa panahon ngayon. Dito tayo madalas nakakatanggap ng mga mahahalagang balita o mensahe mula sa trabaho. Isa rin ito sa pinagkukunan ng aliw at pampawala ng stress.

Pero kailangan huwag kalimutan na kung kayo’y kasama ng inyong asawa o pamilya ugaliing iwasan ang paggamit nito. Kung hindi naman maiiwasan maaaring magsabi sa inyong pamilya, o iparamdam na naroroon pa rin kayo kasama nila kahit na kailangan mong gamitin ang iyong cellphone.

  1. Magkaroon ng fair expectation

Pag-usapan niyo ng iyong asawa o partner kung paano kayo makakahanap ng mga paraan upang mabalanse ang paggamit niyo ng cellphone at pagkakaroon ng quality time magkasama. Ano ang mga inaasahan mo halimbawa sa kaniya kung kayo’y lalabas para mag-date. O kaya naman habang kumain kayo kasama ang inyong mga anak. Kahit bago o matapos niyo magtalik na dalawa.

epekto ng cellphone sa relasyon

Image from Woman photo created by pressfoto – www.freepik.com

  1. Lumikha ng technology free zones

Mag-set kayo ng mga lugar kung saan bawal ang paggamit ng cellphone o kahit anong technology. Katulad na lamang sa kuwarto, sala, o kusina. Mainam din umano pages-set ng oras kung hanggang anong oras lamang paghawak niyo sa inyong mga cellphone. Upang makapaglaan pa ng mas maraming oras sa isa’t isa.

  1. Sabihin ang inyong mga expectation sa inyong asawa o partner

Makakatulong ito upang madali niyong maresolba ang inyong mga isyu. Siguraduhin na ang mapapag-usapan ninyo ang mga potensyal na problema na maaari niyong pag-awayan. Sa gayon, makakagawa o makakaisip kayo ng mga solusyon upang maayos ito.

Halimbawa kung paano hindi niyo maiistorbo ang inyong asawa kapag kailangan niya talagang tumututok sa kaniyang cellphone o laptop dahil sa trabaho.

 

Tandaan na kahit isang must-have ang pagkakaroon ng cellphone o paggamit natin nito para sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Huwag kakalimutan ang pagbibigay ng oras sa pagba-bonding niyo mag-asawa o partner, idagdag niyo pa ang inyong mga anak at iba pang kapamilya.

Huwag magbigay ng anumang dahilan upang maisip ng inyong karelasyon, ka-partner o asawa na hindi niyo sila binibigyan ng atensyon. At hindi kayo interesado na magkaroon kayo ng quality time na magkasama. Ibalanse ng tama ang paggamit ng cellphone habang kasama ang inyong mga mahal sa buhay.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

 

Source:

theconversation, psychologytoday

BASAHIN:

6 na epekto ng stress na pumapatay sa relasyon ng mag-asawa

STUDY: 12 common mistakes na nakakasira sa relasyong mag-asawa

REAL STORIES: “Hindi ako satisfied sa sex life naming mag-asawa dahil mabilis natatapos si mister”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • STUDY: Ito ang epekto sa relasyon kapag parating hawak mo ang phone mo
Share:
  • Bakit hindi sapat ang PAG-IBIG para sa isang matatag na relasyon?

    Bakit hindi sapat ang PAG-IBIG para sa isang matatag na relasyon?

  • Ang rason kung bakit dapat CRUSH mo ang asawa mo

    Ang rason kung bakit dapat CRUSH mo ang asawa mo

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Bakit hindi sapat ang PAG-IBIG para sa isang matatag na relasyon?

    Bakit hindi sapat ang PAG-IBIG para sa isang matatag na relasyon?

  • Ang rason kung bakit dapat CRUSH mo ang asawa mo

    Ang rason kung bakit dapat CRUSH mo ang asawa mo

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.