Gustong magtagal ang pagtatalik niyo ni mister? Alamin rito ang mga tips para sa mga may asawang mabilis labasan.
Mababasa sa artkulong ito:
- Hinaing ng isang mommy, mabilis labasan si mister
- Ano ang premature ejaculation at ang mga posibleng sanhi nito?
- Tips para mas tumagal ang pagtatalik ng mag-asawa
Isang misis ang nagbigay ng kanyang hinaing sa theAsianparent Community. Ayon sa kanya, siya ay hindi satisfied sa sex life nilang mag-asawa.
Ang dahilan? Mabilis labasan ang kanyang mister. Alamin ang mga payo ng ibang miyembro ng theAsianparent Community at kung ano nga ba ang premature ejaculation.
Hindi satisfied
Isang misis ang humihingi ng payo sa kung ano ang maaari niyang gawin upang maiparating sa kaniyang asawa ang pagkabitin sa kanilang sex life.
Ayon sa kanya, mabilis talagang labasan ang kaniyang asawa dahilan para siya ay mabitin. Kadalasan pa nga ay tapos na ito habang siya ay ginaganahan pa lamang. Ayaw niyang ma-offend ito kaya hindi niya alam kung papaano sasabihin ang totoo.
Mga sagot
Maraming natanggap na komento ang naibigay na katanungan. Makikita sa mga ito na marami ang nasa parehong posisyon niya kung saang mabilis labasan ang kanilang asawa. Gayunpaman, marami rin ang nagsabi na matapos nila itong pag-usapan, bumawi ang kanilang mga asawa at sila ngayon ay satisfied na.
Ayon sa isang miyembro, makakabuti kung idaan muna sa foreplay ang pagse-sex. Ang kanyang payo ay hayaan munang ma-satisfy ang misis sa foreplay para hindi na ito mabitin pagdating sa pagtatalik. Ayon pa sa kaniya, nakakadagdag ito sa init ng kanilang pagtatalik.
Sa isa pang komento, kanyang ipinayo ang pagpapalit ng posisyon kapag malapit nang labasan ang mister. Makakabuti rin ang pagkakaroon ng komunikasyon sa mismong pagtatalik. Sa ganitong paraan, maaaring siguraduhin ng mga mister na satisfied na ang kanilang mga asawa bago pa sila matapos.
Give and take naman ang naging payo ng isa pang nagbigay ng komento. Kanilang pinag-uusapan ng kanyang asawa kung ano ang mga nakakapagpasaya sa isa’t isa pagdating sa sex. Sa ganitong paraan, alam niya ang kailangan niyang gawin para labasan ang babae bago pa siya matapos.
Sa isa pang komento, kaniyang ipinayo na ang nagbigay ng katanungan ang mag-take kontrol sa pagtatalik. Makakabuti ito para kanyang masigurado na satisfied siya sa kanilang sex life.
Ayon sa kaniya, maaaring pumosisyon kung saan kontrolado ng misis ang paggalaw at kung saan masmadali siyang macli-climax. Makakatulong din ito para mapatibay ang stamina ng mister at mas tumagal pa sa susunod.
Premature ejaculation
Bakit nga ba may mga lalaki na sadyang mabilis labasan? Ayon sa medisina, ito ang tinatawag na premature ejaculation.
Ito ang nagiging dahilan kung bakit ang ilan ay isang minuto palang, tapos na sa pakikipagtalik. Wala man takdang oras talaga sa tagal ng pagtatalik, maaari pa rin makaapekto sa relasyon at pagsasama kapag hindi nasa-satisfy ang partner.
Sanhi ng premature ejaculation
Bagama’t hindi pa natutukoy kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit maagang nilalabasan ang isang lalaki, may mga pag-aaral na nagsasabing may kaugnayan ito sa kaniyang brain chemistry. Ang mga lalaking may mababang level ng chemical na serotonin ay mas mabilis daw mag-ejaculate.
Maaaring makaapekto ang iniisip ng isang lalaki sa kaniyang sexual stamina at performance. Ilan sa mga ito ay:
- Stress
- Depression
- Anxiety
- Guilt
- Problema sa kanilang relasyon
- Walang kumpiyansa sa sarili o nahihiya sa kaniyang katawan
- Nag-aalinlangan o masyadong nako-conscious sa kaniyang sexual performance
Pwede rin namang may kinalaman sa sakit o pisikal na kondisyon ang premature ejaculation gaya ng:
- hindi normal na hormone levels
- hindi regular na level ng neurotransmitters (hindi balanse ang mga kemikal sa utak kaya naman nagiging impulsive o biglaan ang pagkilos ng mga bahagi ng katawan
- Pamamaga o infection sa iyong prostate o urethra
Posible rin na mabilis labasan ang isang lalaking may erectile dysfunction. Maaari kasing habang nagtatalik ay manamlay ang ari ng lalaki kaya magkakaroon ng mabilisang ejaculation.
Kapag ganoon ang nangyari, maaari ngang mabitin ang kaniyang partner. Buti na lang, may mga maaaring gawin upang malampasan ito.
Larawan mula sa sa Freepik
Mga tips para tumagal ang pagtatalik ng mag-asawa
Kung nakaka-relate ka sa mommy na nagsabi ng kaniyang hinaing tungkol sa kaniyang asawa, huwag mawalan ng pag-asa. Mayroong mga paraan na pwedeng makatulong para hindi agad labasan si mister, at mas tumagal ang inyong pagtatalik.
Stop and start
Isang paraan para magamot ang premature ejaculation ay ang pagpigil na labasan ang lalaki. Kapag nararamdaman na malapit na siyang labasan, itigil ang ginagawa nang mga 30 segundo.
Matapos ang pag-aantay, maaari nang magpatuloy sa pakikipagtalik. Gawin ito nang 3 hanggang 4 na beses bawat pagtatalik upang siguradong mas tumibay ang stamina ng lalaki.
Squeeze
Isa rin itong paraan ng stop and start method. Kapag malapit nang labasan ang lalaki, pipisilin niya o ng kanyang partner ang ulo ng kanyang ari para hindi ito labasan. Antayin na mawala ang erection bago muling magpatuloy sa pagtatalik.
Makakabuting mag-isip ng ibang bagay sa mga oras na ito. Maaari itong gawin ilang beses sa pagtatalik para mas tumagal ang sex.
Medikasyon
Mayroon ding mga gamot na maaaring makatulong para hindi agad labasan ang mga lalaki. Ang anti-depressants ay maaaring magdulot ng pagbabago sa seratonin levels para mas matagal labasan ang mga lalaki. Subalit, maaari rin itong magdulot ng kawalan ng gana sa pagse-sex.
Anesthetic cream o spray
Maaari ring gumamit ng anesthetic na cream o spray upang hindi maging sobrang sensitibo pagdating sa pagtatalik. Inilalagay ito sa ulo ng ari 30 minuto bago magtalik. Siguruhin lamang na hugasan ito bago makipag-sex upang hindi maka-apekto sa erection at hindi rin maipasa ang bisa sa partner.
BASAHIN:
Mga dapat pag-usapan ng mag-asawa tungkol sa pagtatalik
Hubby, ito ang 6 na rason kung bakit hindi mo dapat pinipilit makipagtalik si wifey
7 dahilan kung bakit nawawalan ng gana makipagtalik ang iyong partner
Kegel exercise
Hindi lang mga babae ang puwedeng gumawa nito kundi pati mga lalaki.
Ang pagpapalakas ng pelvic floor muscles ay nakakatulong para mas tumagal sa sex. Isang halimbawa ng pagpapatibay nito ay ang pagpigil ng daloy ng ihi sa kalagitnaan ng pag-ihi.
Pipigilan ito nang 3 segundo at muling ipapadaloy nang 3 segundo bago muling pigilan. Makakabuting isagawa ito 3 hanggang 10 beses sa isang araw.
Gumamit ng condom
Bukod sa pagiging birth control, makakatulong din ang paggamit ng condom sa mga nakakaranas ng premature ejaculation. Nababawasan kasi nito ang pagiging sensitibo ng ari ng mga kalalakihan. Maaari nitong mabawasan ng sapat ang pakiramdam para mas tumagal pa ang pagtatalik.
Masturbation bago makipagtalik
Ang pag-ejaculate ilang oras bago makipagtalik ay nakakatulong sa iba para mas tumagal pagdating sa sex. Subalit, maaari itong maging dahilan para mawalan ng gana ang lalaki o kaya naman ay mahirapan nang mag-perform.
Counseling
Kung emotional factors ang maaaring dahilan ng premature ejaculation, makakabuting lumapit sa mga psychologists para masolusyunan ang ugat ng problema at mas mapabuti ang pagsasama.
Mag-exercise
Ang pag-eehersisyo ng pelvic floor muscles ay nakakatulong rin para mas magkaroon ng stamina at gumanda ang performance ni mister sa kama.
Hikayatin siyang mag-exercise para mas tumagal ang inyong pagtatalik at para magkaroon din siya ng kumpiyansa sa kaniyang katawan.
Mag-relax
Makakatulong kung hahayaan mong maging kalmado si mister sa kalagitnaan ng inyong pagtatalik. Iwasan ang pag-aalala sa kaniyang performance para hindi siya mabilis labasan.
Larawan mula sa Freepik
Hindi man ito ang sentro ng isang relasyon, ang sex ay isang mahalagang bahagi ng pagsasama. Makakabuti kung ang mag-asawa ay open at satisfied sa sex life upang hindi nito maapektuhan ang kanilang pagiging mag-aswa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!