Bilang mga magulang, gusto nating lumaking malusog at maging successful ang ating mga anak. Ngunit alam mo bang ang location ng inyong tahanan ay may epekto sa kanyang paglaki physically, emotionally at mentally? Narito ang epekto ng kalikasan sa mga tao at sa ating mga anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pag-aaral tungkol sa epekto ng location ng bahay sa bata at epekto ng kalikasan sa mga tao
- Kahalagahan ng location ng bahay
- Magandang epekto ng green space environment
- Negatibong epekto ng home environment
Pag-aaral tungkol sa epekto ng location ng bahay sa bata at epekto ng kalikasan sa mga tao
Ayon sa research study ng University of British Columbia na pinamagatang Spending Time in Nature Promotes Early Childhood Development, ang high exposure ng bata sa green-space environment ay makakatulong sa kanila na maging successful sa buhay.
Ang pag-aaral ay sinuri ang 27,372 na mga bata na naninirahan sa Metro Vancouver na nasa kindergarten mula taong 2005-2011. In-estimate ang green-space exposure, traffic-related air pollution, at community noise ng bawat bata mula 0-5 years old.
Ang resulta ng pag-aaral ayon sa mga mananaliksik ay may kahalagahan at epekto sa mga bata ang mataas na green-space environment tulad ng mga puno sa kalye, parke, at hardin sa komunidad.
Ayon kay Ingrid Jarvis,
“Most of the children were doing well in their development, in terms of language skills, cognitive capacity, socialization and other outcomes.
But what’s interesting is that those children living in a residential location with more vegetation and richer natural environments showed better overall development than their peers with less greenspace.”
Ang kahalagahan ng location ng tahanan
Ayon naman sa Boston College’s Rebekah Levine Coley and Tufts University’s Tama Leventhal,
“By building and restoring safe, clean and healthy housing, Habitat works to eliminate children’s experiences of substandard housing, thereby supporting their growth and development.”
Gusto nating lumaking malusog at successful sa buhay ang ating mga anak. Bukod sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit at tirahan, may epekto sa paglaki ng isang bata ang area kung saan nakatira ang inyong pamilya.
Ayon kay senior author and University of British Columbia research associate Matilda Van den Bosch,
“More research is needed, but our findings suggest that urban planning efforts to increase greenspace in residential neighbourhoods and around schools are beneficial for early childhood development, with potential health benefits throughout life
Time in nature can benefit everyone, but if we want our children to have a good head start, it’s important to provide an enriching environment through nature contact.
Access to green space from a very young age can help ensure good social, emotional and mental development among children.”
Magandang epekto ng green-space environment sa mga bata
-
Nababawasan ang air pollution at community noise
Ang polluted free environment ay may magandang epekto sa bata sa kanilang paglaki. Una, ang malinis na kapaligiran ay nakakapagpabawas ng stress.
Ang paglaki ng bata sa paligid na may malinis na hangin at sapat na katahimikan ng paligid ay makakapag-boost ng kanyang performance sa loob o labas man ng school.
-
Meet age-appropriate developmental expectations
Ang mga kasanayan tulad ng unang pag-hakbang, pag-ngiti, at pag-wave ng “bye bye” ay tinatawag na developmental milestones. Naabot ng mga bata ang mga milestone sa kung paano sila naglalaro, natututo, nagsasalita, kumikilos, at gumagalaw (paggapang, paglalakad, atbp).
Ayon sa pag-aaral ay may impluwensya ang kapaligiran upang maabot ang mga developmental milestone na ito. Bukod dito, habang sila ay lumalaki ay mas maayos at maagang nami-meet ng bata ang physical and mental development na kaniyang kailangan.
-
Enhanced Physical Health
Ipinapakita ng mga research sa Netherland at Japan na ang mga taong may access sa green space environment ay may magandang kalusugan at mababang mortality rates.
Ang pagtanaw sa kalikasan at exposure dito ay nakakapagpababa ng blood pressure at anxiety level.
-
High intelligence and lower behavioral problems
Ayon sa key findings ng pag-aaral na Residential green space and child intelligence and behavior across urban, suburban, and rural areas in Belgium, na ang mataas na percentage ng residential green space ay may kaugnayan sa higher intelligence at lower behavioural problems.
May impluwensya sa bata edad 7-15 year old ang urban green space sa kanilang mentalidad at pag-uugali.
-
Mas magandang intellectual, behavioral, at psychomotor development
Ayon naman sa research study na Residential exposure sa green space at early childhood neurodevelopment, na ang exposure sa residential green space ay may kaugnayan sa early improvement ng neurodevelopment ng isang bata.
BASAHIN:
Ito ang epekto sa bata kapag binu-bully siya ng kaniyang kapatid, ayon sa study
Gustong maiwasan ang mental health problems sa bata? Ito ang dapat kinakain niya, ayon sa study
STUDY: Gustong gumaling sa language ang anak? Ito raw ang dapat gawin
Negatibong epekto ng home environment sa bata
Ang kapaligiran ng isang bata ay may malaking epekto sa kanyang well-being. May mga pag-aaral din na nagsasabi na maaaring may masamang epekto sa bata ang bahay na kanyang tinitirhan.
-
Poor brain development
Ayon din sa pag-aaral na may kinalaman sa brain imaging ay nagsasabing ang paglaki sa poor o disadvantaged environment ay pwedeng maging sanhi ng hindi maayos na development ng utak ng bata.
-
Poor performance sa neurobehavioral test
Ang neurobehavioral test sumusukat sa kakayahan ng bata na may kinalaman sa psychomotor, motor at sensory functions.
Sa nakitang pag-aaral ng Association of Traffic-Related Air Pollution with Children’s Neurobehavioral Functions in Quanzhou, China, ang traffic-related air pollution exposure ay may kinalaman sa poor performance ng mga bata neurobehavioral test.
-
Self-reported psychosocial stress sa mga bata
Mas mataas naman ang risk ng mga bata sa psychosocial stress. Ayon sa pag-aaral na Association of the Built Environment with Childhood Psychosocial Stress, ang kakulangan sa green-space environment ay may kinalaman sa pagtaas ng psychosocial stress ng mga bata.
Sa pag-aaral na ito ay sinuri ang 2,290 na bata sa Southern California. Nakitang ang bilang ng mga batang may psychosocial stress ay nakatira malapit sa kalsada na expose sa air pollution. Ganun din sa mga expose sa second-hand smoke.
Samantalang, ang bilang ng batang nakatira sa residential green environment ay mababa ang risk factor sa psychosocial stress.
-
Chronic Social Adversity
Ang immune system at endocrine system ay tumutulong para labanan ang stress. May mga pag-aaral na nagpapatunay na ang psychological and social adversities – simula fetal development – ay may panandalian at pangmatagalang epekto sa brain development ng mga bata.
“Disturbances or deficiencies before birth or in early childhood can interrupt or alter the growing brain.
Resulting in changes that range from subtle incapacities to generalized developmental disabilities.” – The National Academies of Science, Engineer, and Medicine
-
Chronic Respiratory Tract
Maaaring ang lokasyon ng inyong bahay ay malapit sa highway kung saan maraming sasakyan na dumadaan. Ang usok mula sa mga sasakyan na ito ay maaaring malanghap ng mga bata. Kung ito’y mapadalas, maaaring magkaroon siya ng chronic respiratory disease.
Ang chronic respiratory disease ay ang mga sakit na makikita sa airways at ibang bahagi ng baga. Ilan sa pangkaraniwang sakit ay chronic obstructive pulmonary disease, asthma, occupational lung disease at pulmonary hypertension.
Maaari ring makakuha ng ganitong sakit mula sa kemikal at alikabok sa trabaho.
Nature at Nurture
Si Dr. Ming Kuo, isang researcher sa Landscape and Human Health Laboratory sa University of Illinois, ay pinatutunayan sa kanyang pananaliksik na may implikasyon ang healthy urban ecosystem sa malusog na pagkatao.
Sa artikulong Six Ways Nature Helps Children Learn, nagmungkahi siya ng anim na paraan kung paanong ang kalikasan ay makakatulong sa mga bata na matuto.
Nare-restore ng kalikasan ang atensyon ng mga bata
Ang paglalaan ng oras sa kalikasan tulad ng paglalakad, pagtanaw mula sa bintana, ay makakatulong na ma-restore ang atensyon ng mga bata. Ito rin ay nakakapag-boost ng concentration para sa development ng cognitive learning.
Nare-releive ng kalikasan ang stress ng mga bata
Tulad ng adults, ang pagpunta o pamamalagi sa green environment ay makakatulong sa bata na mapababa ang kanyang stress level.
Sabi rin sa mga pag-aaral, ang paglalaan ng outdoor activities para sa mga bata isang beses sa isang linggo ay nakakapagpababa ng stress. Kumpara sa mga batang hindi nabibigyan ng pagkakataon para sa mga outdoor activities na may green space.
Bukod dito, ang mga batang nasa rural environment ay nakitaang mas mabilis maka-recover mula sa stress.
Nakaktulong ang kalikasan para mag-develop ng self-disicpline sa mga bata.
Ang green space environment din ay makakatulong sa mga batang may attention deficit hyperactivity disorder (ADHD). Ito’y kondisyon kung saan ang bata ay hirap sa pag-focus sa ginagawa at mahina ang impulse control.
Dahil ang exposure sa nature ay nakakapag-boost ng focus, makakatulong ito sa mga batang makontrol ang kanilang impulse. At sa mga magulang na magabayan ang anak sa pag-aaral.
Ang outdoor instruction ang nakakatulong sa isang nag-aaral na bata para maging engage at mas intersted sa kaniyang pinag-aaralan.
Nakikita sa mga pag-aaral ng mga psychologist na ang outdoor activities ay makakatulong para ma-boost ang pakikisalamuha at interest ng mga bata sa pag-aaral.
Ang pagkakaroon ng oras sa labas ay makakapagpataas ng physical fitness sa bata.
Bukod sa social and cognitive development, may benepisyo lalo na sa pangangatawan ng bata ang paglalaro sa labas. Ang batang may higher fitness level ay mas maganda ang pinapakitang academic performance.
Nagpo-promote ang kalikasan ng social connection at creativity sa mga bata.
Mas uunlad ang creativity ng bata kung sya ay mae-expose sa kalikasan. Ito rin ay pwedeng i-enhance ang kanyang peer-to-peer relationship. Sa kalikasan ay pwede syang mag-explore at ma-boost ang problem solving skills
Source:
ScienceDaily, Berkeley, Simply Psychology