Ang pagkakaroon daw ng malaking pamilya ay may negatibong epekto sa mga anak. Napag-alaman ito sa isang pag-aaral sa Columbia University Mailman School of Public Health, Robert Butler Columbia Aging Center at Université Paris-Dauphine.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Pag-aaral ng mga eksperto tungkol sa malalaking pamilya
- Ano ang family planning?
Pag-aaral ng mga eksperto tungkol sa malalaking pamilya
Sa mga third world countries gaya ng Pilipinas, isa sa pangunahing suliranin ay ang populasyon. Sa bansa, malaking bahagi ng populasyon ay mayroong maraming bilang ng anak sa isang pamilya.
Ang mga ganitong pangyayari ay maaaring magbigay ng iba’t ibang negatibong epekto partikular na sa mga anak.
Sa Columbia University Mailman School of Public Health, Robert Butler Columbia Aging Center at Université Paris-Dauphine, nagsagawa ang mga researchers ng isang pag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng malaking pamilya upang makita ang epekto nito.
Sinubukan nilang tingnan ang data mula sa Survey of Health, Aging and Retirement in Europe (SHARE) kung saan kinuha ang impormasyon sa 20 bansa sa Europa at Israel.
Kabilang na ang Switzerland, Sweden, Spain, Slovenia, Portugal, Netherlands, Luxembourg, Italy, Hungary, Greece, Germany, France, Estonia, Denmark, Czech Republic, Croatia, Belgium, at Austria.
Mula sa data na nalikom nila dito sinubukan nilang ihamabing ang pamilyang may tatlo o mahigit na anak sa dalawa lamang ang anak.
Ito ang kanilang mga nakita sa pag-aaral:
- Pag-unti ng resources para sa pangangailangan ng anak – Ang pagkakaroon ng dagdag na anak at nangangahulugang dagdag din sa gastusin para sa basic needs niya tulad ng pagkain, damit, inumin, at maging sa kanyang pag-aaral.
Dahil sa tumataaas ang financial costs, bumababa naman ang income ng bawat pamilya. Kaya nagiging mas maliit ang portion ng resources para sa bawat anak.
Maaaring hindi na buong matustusan ang pangangailangan ng mga bata dahil kinakailangang hatiin para sa lahat. Ang ganitong pangyayari ay maaaring mag-ambag sa pagkakaroon ng cognitive deterioration o impairment.
Ayon sa Center for Disease Control and Prevention, ang cognitive impairment ay ang pagiging hirap sa pag-concentrate o paggawa ng desisyon sa buhay.
“Cognitive impairment is when a person has trouble remembering, learning new things, concentrating, or making decisions that affect their everyday life.”
- Pagkakaroon ng kaunting oras para sa anak – Nagdudulot ang pagkakaroon ng maraming anak ng paghahati sa oras at atensyon. Sa kababaihan, mas madalas na mahihirapan sila sa paglaki ng pamilya. Dahil kadalasang nasa kanila nakabinbin ang responsibilidad sa pag-aalaga sa anak.
Maaaring mahati ang panahon ng mga nanay sa trabaho at pagbabantay ng bata. Kaya maaaring magdulot din ng pagbaba sa participation sa labor market.
- Maaaring maipasa sa anak ang mga stress na dinadala – Stressful ang malaking pamilya dahil marami rin ang kailangang isipin at alalahanin. Maraming pagkakataon na ang stress ng magulang ay maaaring maipasa nila sa anak.
Kung sa loob ng tahanan, litaw na litaw ang problema ng pamilya. Malaki ang posibilidad na makaapekto ito sa learning ng bata.
Ayon sa mga mananaliksik, maaaring magdulot din ng epekto ito ng labis na pagtanda maging sa mga anak,
“The negative effect of having three or more children on cognitive functioning is not negligible, it is equivalent to 6.2 years of aging,”
Kaya nga mainam na magkaroon muna ng magandang family planning upang malaman kung gaano kalaking pamilya ang kaya sa income at lifestyle ninyo.
BASAHIN:
STUDY: Mga bata nababawasan ang stress kapag malapit sa garden, mapupunong lugar
5 reasons kung bakit kailangan bigyan ang bata ng panahon para maglaro
Lumulusog ang anak? 6 ways to open up healthy eating habits to your kids
Ano ang family planning?
Isa sa karapatan ng tao ang malinaw at magandang access sa family planning. Ayon sa Department of Health, ang family planning ay ang pagsagawa ng mga method para maabot ang gustong bilang ng anak ng isang couple.
“Family planning is having the desired number of children and when you want to have them by using safe and effective modern methods. Proper birth spacing is having children 3 to 5 years apart, which is best for the health of the mother and the family.”
Mahalaga ito upang maiwasan ang hindi sinasadyang pagbubuntis sa kababaihan. Magandang plano rin ito upang hindi lalong mahirapan sa gastusin ang bawat Pilipino. At mauwi pang lalo sa labis na kahirapan ang isang pamilya.
Layunin kasi nitong maihanda muna ang mga magulang sa maaaring gastusin kung sakaling gusto na ulit nilang magkaroon ng anak. Ang ilan sa mga serbisyo ng family planning ay ang mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng contraceptives
- Counseling at pregnancy testing
- Patient counseling at education
- Infertility services
- Breast at cervical cancer screening
- Sexually transmitted disease services
- Human immunodeficiency virus (HIV) education and testing