Madalas mag-argue? Mabuti 'yan para sa inyong relasyon, ayon sa expert

May kinaiinisan sa asawa mo? Mas mabuting sabihin na ito sa kaniya at huwag ng itago.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng pagtatalo sa relasyon, ayon sa mga pag-aaral at eksperto ay nakakabuti rin umano. Alamin kung paano at bakit dito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang mabuting epekto ng pagtatalo sa relasyon.
  • Paano nakakasama ang hindi ninyo pagtatalo ni mister sa inyong pagsasama.

Epekto ng pagtatalo sa relasyon

People photo created by our-team – www.freepik.com 

Aminin marami sa atin ang pinipiling manahimik sa oras na may hindi tayo nagugustuhang ugali o kilos ng ating asawa. Madalas ito ay nangyayari sa mga unang buwan o taon ng pagsasama.

Iniisip natin na maliit na bagay lang ito at puwedeng palampasin. Tulad na lang ng pagiging late niya sa mga lakad ninyo na pagbibigyan mo kaysa bungangaan mo siya. Ito ay sa paniniwalaang baka ma-turnoff siya sa ‘yo, ayawan niya ang ugali mo at masira ang relasyon ninyo.

Ang mga ganitong sitwasyon sa isang relasyon ay hindi maiiwasan. Dahil walang taong perpekto tulad ng ating mga asawa na kahit gaano pa natin kamahal ay may isang ugali tayong hindi magugustuhan o kaiinisan.

O kaya naman may mga paniniwala kayong sadyang magkaiba at hindi pagkakasunduan. Dito nagsisimula ang pagtatalo na maraming nag-aakala sa atin na hindi mabuti sa isang relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero ayon sa mga eksperto at mga pag-aaral, ito ay hindi totoo. Hindi lang puro negatibo ang epekto ng pagtatalo sa relasyon. Ito ay mabuti na ring nagagawa sa pagsasama. Paano ito nasabi ng mga eksperto? Narito ang kanilang paliwanag.

Hindi lang puro negatibo ang epekto ng pagtatalo sa pagsasama, nakakabuti rin ito sa relasyon

Woman photo created by freepik – www.freepik.com 

Ayon sa author at psychology professor na si Dr. Gary W. Lewandowski Jr., maraming mga mag-asawa ang pinipiling isangtabi ang ilang maliliit na isyu sa pagsasama.

Ito ay para maiwasang makaapekto ito sa relasyon. Pero sa katagalan ang mga maliliit na isyu na ito ay madadagdagan at lalaki ng hindi natin napapansin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tulad na lang ng nauna nabanggit na halimbawa tungkol sa pagiging late ng asawa mo sa mga lakad ninyo na nauulit ng nauulit. Kung noong una ay ayos lang ito sayo sa pagdaan ng panahon ay nakakaapekto na ito sa mga lakad ninyo. Ito rin ay maaaring maging simula ng pagkukuwestyon mo kung mahalaga ka para sa asawa mo.

Isa pang halimbawa ay ang hindi niya pagtulong sa ‘yo sa gawaing-bahay na noong una ay pinapalampas mo dahil sa pag-aakalang baka naman makaramdam siya at magbago.

Pero hindi ito nangyari, at sa huli ang iniisip mo ay hindi niya nakikita ang mga paghihirap mo sa loob ng bahay. Mas maiinis o magagalit ka sa kaniya na pagsisimulan ng mas malaking away sa pagitan ninyo.

Kung tutuusin ay walang ideya ang asawa mo kung paano nagsimula at ganito na pala kalala. Bakit? Dahil hindi mo agad ito sinabi sa kaniya at umiwas kang magtalo kayo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

STUDY: Ito ang top 10 na pinag-aawayan ng mga mag-asawa

Bati na kayo? 10 things na HINDI dapat gawin after niyong mag-away ng asawa mo

Pagtatalo ng mag-asawa, maaaring maging sanhi ng sakit ayon sa mga eksperto

Ang pag-iisip na ito ay maaaring mauwi sa pagsira ng relasyon kung hahayaan

Woman photo created by freepik – www.freepik.com 

Ayon pa rin Dr. Lewandowski, ang phenomenon na ito sa pagsasama ay tinatawag na “kitchen thinking”. Ito ay ang pagpapalampas sa maliliit na bagay na ginagawa ng asawa mo na kinaiinisan mo para makaiwas sa pagtatalo.

Ang maliliit na bagay na ito sa pagdaan ng panahon ay naiipon, nagpapatong-patong na kung saan magpupuno sa ‘yo at sasabog na maaring magdulot ng “kitchen-sinking” o pagkasira ng inyong relasyon.

Ang pag-iwas sa pagtatalo ay hindi lang basta negatibong nakakaapekto sa relasyon. Ayon sa isang 2016 study, ang pag-prepretend na ayos ang lahat sa isang relasyon ay mas nagdudulot ng stress sa isang pagsasama.

Mas nagiging aggressive rin umano ang mag-asawang hindi nagtatalo at naitalang mas depress ang isang babaeng itinatago ang nararamdaman niya sa kaniyang asawa. Ito ay base naman sa isang hiwalay na pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gamitin ang mga pagtatalo ninyong mag-asawa para mas makilala ang isa’t isa

Paliwanag ni Dr. Lewandowski, hindi naman nangangahulugan ito na dapat ay palagi ng gumawa ng bagay o isyu na pagtatalunan ninyo ni mister.

Sa halip ang nais niyang iparating ay huwag iwasan ang pagtatalo. Ito ay dapat gamiting oportunidad para mas makikilala ninyo ang isa’t isa ng asawa mo.

Dahil hindi mo naman habang-buhay na maitatago ang mga nararamdaman mo. Darating din ang punto na ikaw ay mapupuno na maaaring magtulak sayo na makapagsabi ng masasakit na salita o aksyon na maari mong pagsisihan sa huli.

Napakahalaga ng komunikasyon sa relasyon. Ang mga hindi ninyo pagkakaintindihan ay hindi dapat agad na ituring na pag-aaway.

Dahil kung talagang mahal ninyo ang isa’t isa ay magiging honest ka sa iyong asawa. Ikaw ay kaniyang papakinggan at gagawa kayo ng paraan para magkasundo at mas patibayin pa ang inyong relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

Psychology Today