Ang pang-matagalang epekto ng pag-aaway ninyo ni mister sa harap ng inyong anak

Magulo na ang pagsasama ninyong mag-asawa? Bagamat mahirap ang magkaroon ng broken family sa isang bata, ayon sa pag-aaral mas mabuti ito kung kinakailangan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang pamatagalang epekto ng problema sa pamilya sa bata.
  • Ano ang dapat gawin para maiwasan ito?

Epekto ng problema sa pamilya sa bata

Nauna ng sinabi ng mga pag-aaral na ang mga batang mula sa magulong pamilya ay mas mataas ang tiyansang makaranas ng mental health issues.

Sapagkat sa loob ng tahanan ay doon nila makikita ang iba’t ibang klase ng problema na maaring makaapekto sa mental development nila. Tulad nalang ng kakulangan sa pera, hindi pagkaka-intindihan ng mga miyembro ng pamilya o kaya naman ang pag-aaway ng mga magulang nila.

Bagama’t pinaniniwalaan ng marami sa atin na ang paghihiwalay ng isang mag-asawa o magulang ay magdudulot ng mental health issues sa mga bata.

Hindi naman natin naiisip na mas malala ang maaaring maidulot sa kanila kung paulit-ulit nilang makikita na nag-aaway ang mga magulang nila. Ang resulta nito ayon sa mga pag-aaral, ay mas nakakaranas sila ng anxiety issues, mental health illnesses at substance abuse kapag sila ay lumaki na.

Hindi man pare-pareho ang epekto ng problema sa pamilya sa bata. Lalo pa’t may ibang ginagamit ito bilang kanilang inspirasyon para magtagumpay sa buhay. Hindi naman ibig sabihin na ligtas na sila mula sa negatibong epekto nito sa kanilang pagkatao.

Kailan ba nagiging alalahanin ang pagtatalo ng kaniyang magulang sa isang bata?

Kung maaari ay mas mainam sana na hindi na magkaroon ng pagtatalo o pag-aaway ang mga magulang. Subalit, hindi naman ito posible lalo pa’t sa bawat tahanan ay mayroon talagang hindi pagkakaintindihan o pagkakaunawaan. Siyempre hindi maiiwasan na hindi ito makikita ng mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa ay normal. Ito ay palatandaan rin na healthy ang pagsasama ng mag-asawa. Lalo pa’t kung ito ay nauuwi naman sa direksyon na kung saan nagtutulungan silang maisaayos ang kanilang problema.

Isang bagay na dapat makita ng kanilang anak. Sapagkat sa ito ay makakatulong sa kanilang conflict-resolution skills na kanilang magagamit kinalaunan. Maaaring habang sila ay lumalaki o sa oras na sila ay magkaroon narin ng sarili nilang pamilya.

Subalit kung ang parental conflict naman ay masyadong mainit o may kasama ng pang-iinsulto at pisikal na pang-aabuso ay ibang usapan na ito. Ito ay hindi kaaya-ayang sitwasyon na dapat matunghayan ng isang bata.

Sapagkat sa ito ay maaaring mauwi sa domestic violence o kaya naman ay child abuse kung hindi mapipigilan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

Ano ang negatibong epekto ng problema sa pamilya sa bata?

Ayon sa librong inilathala ng UK think-tank na One Plus One, ang mga batang nakaka-witness ng pag-aaway ng kanilang magulang ay maaaring magpakita ng signs ng distress.

Ang mga reaksyon kaugnay nito ay ang pagkatakot o fear, anxiety o pagkabalisa at kalungkutan na maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral.

  • Maaari ring maipakita ng isang bata ang distress na ito sa pamamagitan ng external traits. Tulad ng aggression, hostility, non-compliance, delinquency, o vandalism.
  • O kaya naman sa pag-i-internalize dito na kung saan makakaranas naman siya ng depression, anxiety, withdrawal, at dysphoria.
  • Ayon sa mga pag-aaral, ang depression na nararanasan ng mga batang nakakasaksi ng pag-aaway ng kanilang magulang ay mas malala at mas mataas ng tendency na magpabalik-balik.
  • Dagdag pa sila ay mas mahina o poor na interpersonal skills, personality development, problem-solving abilities at social competence.

Ang mga ito maaaring makaapekto sa kanilang future relationship sa kanilang kaibigan, katrabaho o partner sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga regular conflicts din na ito ay maaaring magbigay sa isang bata ng negatibong perception sa buhay at very pessimistic view sa kanilang family relationship.

BASAHIN:

20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon

Bakit mas mabuti pa rin ang maikasal, ayon sa mga pag-aaral

8 signs na hindi na healthy ang pagiging mahigpit mo sa anak mo

Paano naman naapektuhan ng mga conflicts na ito ang relasyon ng magulang sa kaniyang anak?

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

Tulad ng kanilang anak, ang mga magulang na hindi masosolusyonan ang conflicts na kanilang nararanasan ay maaari ring makaranas ng anxiety, depression, o labis na pagkagalit.

Minsan nga ay naibubuntong pa nila ang galit na ito sa kanilang anak. O kaya naman ay bigla na silang naiiyak sa harap ng anak na may permanenteng impact sa bata.

Ang paulit-ulit na pag-aaway rin ng mga magulang ay maaaring makaapekto sa paggawa nila ng kanilang tungkulin at responsibilidad sa kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May ibang magulang nga na hindi na napapansin ang development ng anak nila. Habang may ibang bata naman na lumalayo ang loob sa mga magulang nila katagalan.

May tendency rin na sisihin ng mga bata ang sarili nila sa nangyayaring gulo sa kanilang pamilya. Gumagawa sila ng mga mapanganib na paraan para makatakas sa mga problemang ito.

Ayon pa sa pag-aaral, ang mga batang nakakaranas ng psychological reactions tulad ng stress ay nakakaapekto sa maayos nilang brain development.

Iba pang epekto ng problema sa pamilya sa bata

Maaari ring maiba ang epekto ng problema sa pamilya sa bata depende sa kaniyang edad, kasarian o ugali. Sapagkat ang bawat bata ay may iba-ibang coping mechanism sa kung paano magre-react sa isang stressful na sitwasyon.

Maaari ring maiba ang kaniyang reaksyon base sa kung gaano siya kalapit o connected sa mga miyembro ng pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halimbawa, ang mga magulang na laging nag-aaway ay maaaring magkaroon ng mga anak na mas malapit sa mga kapatid nila. O kaya naman ay mas close siya sa isa sa mga magulang niya. Lalo na kung ito ay ang nakakaranas ng domestic violence.

Bagamat, isa rin sa factor na nakakaapekto sa mental health ng isang bata ay ang kakayahan sa buhay ng pamilya niya.

Mas mabuti ba ang magulang na magkahiwalay kaysa sa laging nag-aaway?

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

Bagamat ang paghihiwalay ang isang palatandaan ng hindi matagumpay na relasyon ng mag-asawa. May mga pagkakataon naman na ito ang kinakailangang gawin para sa ikabubuti ng bawat isa. Lalo pa kung iisipin ang epekto ng magulong tahanan sa mga anak nila.

Maaaring sa ngayon ay dapat mabago na ang perception natin tungkol sa divorce o paghihiwalay ng mag-asawa. Lalo na kung ang pagsasama nila ay mas magiging dahilan rin ng pagkakaroon ng mas “mentally” damaged na bata.

Kung sakali mang magpakita ng mga nasabing issues ang isang bata ay dapat na siyang agad na isailalim sa counseling. Mahalaga ring maintindihan na hindi lahat ng tahanan ay perpekto at ideal. Ang pagkakaroon ng safe space para lumaki at matututo ang isang bata ay responsibilidad ng kaniyang magulang.

Orihinal na inilathala sa the Asianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.