Katumbas rin daw ng sexual at physical abuse ang masamang epekto ng psychological abuse ayon sa experts. Narito ang ilang dahilan.
Talaan ng Nilalaman
Sinasabihan parati ng masamang salita ang anak? Heto ang epekto ng psychological abuse sa kanya
Kahit gaano pa kamahal ng parents ang anak, may mga pagkakataong magkakaroon ng instance na posibleng sumobra ang pagsita sa kanila. Ang tingin ng iba na ang simpleng pangungurot, pagsasabi ng masasakit na salita, at unconscious na pamamahiya ay walang long lasting na epekto, nagkakamali sila.
Ayon sa experts, malaki raw ang maaaring epekto nito habang siya ay tumatanda.
Isa sa halimbawa ng pang-aabuso sa bata ang psychological abuse. Ilan sa halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
- Gaslighting – Pagmamanipula at pagkukuwestiyon sa isang tao.
- Isolation – Pagpaparamdam sa kanya na hindi siya kasali sa partikular na kaganapan.
- Criticism – Walang humpay na pagpapansin sa lahat ng kanyang ginagawa.
- Blame – Panininisi sa kanya sa tuwing may nangyayaring hindi maganda.
- Belittling – Pagmamaliit sa kanyang mga kayang gawin at pagkatao.
- Terrorizing – Pamimilit sa kanya na tumahimik sa pamamagitan ng pananakot.
- Undermining – Hindi pagtanggap sa kanyang nararamdaman at pagdi-dismiss ng kanyang hinaing gamit ang pangi-invalidate.
- Refusal to respond – Hindi pagpapansin o pagbibigay ng silent treatment.
Sa pag-aaral na published sa Journal of Global Ethics, ipinaliwanag ni Sarah Clark Miller ang epekto ng psychological abuse. Nakita niya ang ilang sa maaaring maging epekto ng ganitong abuse sa bata habang nagde-develop siya sa pagtanda. Hindi lang daw kasi internal o individual harms ang kaya nitong maapektuhan maging ang kakayahan na makipagrelasyon sa ibang tao.
3 types of relational harms cause by childhood psychological abuse
Agency in relationships.
Nawawala raw ng ganitong pang-aabuso ang ability na bumuo o mag-maintain ng relasyon na mayroong mutual respect sa values ng ibang tao. Naglalaho rin daw ang mutual concern para sa well-being ng ibang tao dahil sila ay naapektuhan psychologically. Maaari rin daw nito masagasaan ang kakayahan ng tao na magkaroon ng desire o willingness na magkaanak pa.
Relationships with others.
Unang-una sa lahat ng maaapektuhan ng psychological abuse na nagmula sa tahanan ay ang maapektuhan ang relasyon ng anak sa magulang. Irrevocable raw na maituturing ang damage na nagagawa nito. Sa katunayan pa nga raw, napipilitan daw ang anak na kumontak sa magulang dahil lang dini-demand nila ito at hindi dahil gusto niya. Ibig sabihin parang hindi pa rin siya nakaka-escape sa abusive niyang magulang.
Relationship with themselves.
Malaking part ng pakikipagrelasyon sa iba ay dahil sa relasyon sa sarili ng tao. Kung mayroong conflict within themselves, malaki ang posibilidad na hirap din siya sa relasyon sa ibang tao. Ang pang-aabusong natatanggap sa pagkabata ay nagsisimulang magkaroon ng masamang epekto sa sarili hanggang sa mailabas nila ito sa ibang tao rin.