Sa tingin ng marami, silent treatment ay harmless na way para maparusahan sa tuwing nagkakamali ang mga kids. Pero para sa expert, marami raw ang masamang epekto nito kaya kailangan iwasan.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Silent treatment sa kids, ano nga ba ang epekto?
- Mga dapat gawin sa panahong nagkakaroon kayo ng pagtatalo ng anak mo
Silent treatment sa kids, ano nga ba ang epekto?
Larawan mula sa Pexels
Hind naman talaga naiiwasan ang pag-aaway ng mga tao lalo kung mga mahal mo sa buhay. Karaniwan pa rin na magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan kaya maraming bagay ang pinagtatalunan. Normal ito sa maraming pagkakataon, pero paano nga ba madalas nagre-respond ang mga tao sa ilang hindi pagkakasunduan na ito?
Silent treatment
Minsan o kaya madalas sa buhay natin, nakatanggap o nakapagbigay na tayo ng silent treatment sa ibang tao. Tumutukoy ang silent treatment sa pag-respond sa isang pagtatalo nang hindi nagsasalita o hindi pagpansin sa kabilang panig.
Kung minsan pa ay ipararamdam na hindi siya nage-exist upang makaiwas sa kahit na anong form of discussion. Tinuturing din itong punishment upang ma-realize ng kabila ang kanyang maling nagawa.
Iniisip ng karamihan na ito raw ang most harmless na way ng hindi pagkakaunawaan. Ito nga ba?
Sa parenting, marami ang gumagawa ng ganitong istilo ng punishment. Ito kasi ang way nila upang hindi mauwi sa physical aggression o kaya naman verbal abuse dahil sa galit. Ang ganitong response raw ay pagiging immature sa part ng parents.
Ayon kasi sa eksperto, nagdudulot ito ng masamang epekto sa mga bata. Narito ang ilang bagay kung bakit kailangan iwasan ang silent treatment sa kids:
Larawan kuha mula sa Pexels
1. Harmful para sa brain and body ng bata
Nalaman ng researchers,tatlong dekada na ang nakararaan na malaki ang epekto nito sa utak at katawan ng bata. May long-lasting daw na impact ang pagkakaroon ng neglect of love and care sa bata later on sa kanilang life. Maiisip kasi nilang hindi sila mahal ng kanilang mga magulang kaya naman mayroong neglect o pag-iwas na nangyayari.
2. Feelings of abandonment and rejection
Sa ganitong pagkakataon nila labis na mararamdaman ang pag-abandona at rejection mula sa parents. Mararamdaman nila na iniiwan na sila ng parents nila dahil sa minsang mali na nagawa nila without explaining kung bakit nga ba ito hindi dapat ginagawa.
Tama naman na wala itong showcase ng kahit anong physical implications. Sa kabilang banda, matindi naman ang magiging balik nito sa emotional well-being ng isang tao. Nagkakaroon na sa kanilang isipan ng mental gymnastics kung saan hindi nila alam kung mahal ba sila kaya ginagawa ito o hindi kaya ganito ang pinararamdam ng kanilang parents.
May mga pagkakataon kasing nagiging manipulation tool na rin ito para sa bata dahil napipilitan sila harapin ang pagbabago kahit hindi pa sila handa.
Mga dapat gawin sa panahong nagkakaroon kayo ng pagtatalo ng anak mo
Larawan mula sa Pexels
Lahat naman talaga pagdadaanan ang hindi pagkakaunawaan ng parents at anak niya. Parte ito ng growth, development, at maturity both ng mga magulang at ng bata. Sa ganitong panahon, mahalagang iniiwasan na bigyan ng silent treatment ang isa’t isa. Ito ang ilang ways upang magkaroon kayo ng healthy discussion ng inyong kids:
Point out their mistake.
Una sa lahat, siguraduhing masasabi mo ang kanilang pagkakamali. Isa-isahan mula sa simula kung bakit ito maling ginagawa at kung bakit ka na-disappoint sa partikular na bagay na ito.
Explain the mistake.
Ipaliwanag kung bakit naging mali ito sa part mo. I-explain din ang iba’t ibang consequences ng kanyang ginagawa upang ma-realize nila ang kanilang mga nagawang pagkakamali.
Listen to their side.
Sa kabila ng pagpapaliwanag, mahalaga pa ring malaman ang side ng bata. Dapat malaman mo ang reason kung bakit niya ito ginawa at kung alam na niya bang mali ang ganitong gawain. Sa ganitong paraan ay malalaman mo ang dapat mong gawin para maitama ang iyong anak.
Solve the problem.
Matapos mapakinggan ang dalawang panig. Siguraduhing mag-iisip kayo ng iba’t ibang solusyon na magwo-work out para sa inyong dalawa. Tanungin mo siya kung ano ang pwedeng gawin upang hindi na muli ito maulit. I-share rin sa kanya ang iyong pwedeng gawin kung sakaling ulitin niya pa ito at kung sang-ayon siya sa napagkasunduan na punishment.
Communication is always the key. Kahit pa saang away ng iyong mga mahal sa buhay, mahalagang inuuna ang pakikipag-usap upang makapagbigay linaw sa mga bagay-bagay. Sa ganitong way kasi nalilinaw kung mali nga ba ang ginawa o nauna lang ang iyong judgement kaya nagalit agad.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!