Latest FDA advisories, kabilang ang ilang gamot, supplements at pain relief ointments na hindi umano rehistrado sa ahensya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga produktong kabilang sa pinakabagong mga FDA advisories.
- Bakit mahalagang gumamit ng mga produktong aprubado ng FDA.
Mga produktong kabilang sa pinakabagong FDA advisories
Ngayong Hulyo ay may ilang gamot, pain relief ointments at supplements ang kabilang sa pinakabagong FDA advisories. Babala ng ahensya na kung saan ipinost nila sa kanilang Facebook account ang mga nasabing produkto.
Ipinapayong itigil ang paggamit ng pagbili ng mga ito. Sapagkat hindi dumaan sa pagsusuri ng kanilang ahensya ang mga produkto at hindi pa napatunayan kung ligtas itong gamitin ng publiko.
Ang mga produktong kabilang sa latest FDA advisories ay ang sumusunod:
Gamot
Image from FDA Facebook account
- Perfalgan® Paracetamol 1 g in 100 mL Solution for Infusion 100 mL Vial
- Equaline® Cherry Cough Drops 30’s
- Lucky Super Soft® First Aid Triple Antibiotic Ointment 0.5 Oz (14 g)
- Lucky Super Soft® Antifungal Athlete’s foot Cream Clotrimazole 1% 1.5 Oz (42.5 g)
- Baineiting Pirenoxine Sodium Eye Drops-Binoukexinna Diyanye 15 mL [as reflected in the package insert]
- Chu Kiang Brand Kang Gu Zeng Sheng Pian Herbal Extractives 100 Tab
- DK® Liver and Gallbladder Stone Repellent 50 Film-Coated Pastilles
- Gingko Hypotensor Tablet Auth8tieation of National GMP Modern Natural Botanical Medicines 0.125 g
- Lady Guada Salicylic Acid 15 mL
- Blackmores Stress Relief Executive B Stress Formula Tablet
- OTC Si Ji Gan Mao Pian
- Natural Green Leaf 2 Ways Inhaler
- Mupirocin Mupizee
Pain relief ointments
Image from FDA Facebook account
- Ruex Herbal Ointment
- Methyl Salicylate Camphor Menthol + Eucalyptus Oil Ruex Herbal Miracle Liniment Oil
- Family™ Care Maximum Strenght Triple + Pain Relief Antibiotic Ointment 0.5 Oz (14 g)
- Lucky Super Soft® Diaper Rash & Skin Protectant Ointment with Vitamin A & D 1.25 Oz (35.4 g)
- Made Better Blumea Liniment Oil Mangosteen Turmeric & Salong “The Power of 49 Herb Extracts” with Eucalyptus and Peppermint 60 mL
- Coralite® Pain Relief Patch Extra Strength Medicated Patch 20’s
- Muhi Mopiko® Ointment 20 gSummer Oil Spa Essential Pain Relief Rub Oliva Organica With Beeswax Ginger Oil & Olive Oil 50 g
- Lady Guada Aceite De Manzanilla 15 mL
- Summer Oil Spa Essential Pain Relief Rub Oliva Organica With Beeswax Ginger Oil & Olive Oil 50 g
- Methyl Salicylate, Camphor, Menthol, Panyawan Extract, (Haplas Panyawan) 60 ml
- Maden™ Povidone-Iodine (Thetadine) 10% Solution 30 mL
- V-Moringa Superior Liniment Herb Oil with virgin Coconut Oil, Guyabano and Guava 60ml
- New MoringaTM Superior Massage Oil 60ml
- Electro Massage Oil 60ml
- Hannah Comfrey Liniment Oil 60ml
- CHRO-Plus Herbal Oil 60ml
- Medicare Vaporub 100 mL
- New Improved! Zzicianne Arolax Oil with Neem Tree Oil & Lavender 50 mL
- Petina Compound Tablets 50’s”
- Methyl Salicylate Camphor + Menthol (Amazing Herbal Oil) 250 mL
- Creations Spa Essentials Pain Relief Rub Sleep With Beeswax Ginger Oil & Olive Oil 50 g
- Grandma El’s Diaper Rash Remedy + Prevention 2 oz.
- Fusion Rub 16 g
- Nonglading Miracle Oil 70 mL
- Imada Red Flower Oil 25 mL
- Imada Red Flower Oil 50 mL
Supplements
Image from FDA Facebook account
- Ascorbic Acid Citruvit
- Non-Acidic Ester-C® 1000 mg with Citrus Bioflavonoids 180 Vegetarian Tablets
- Paracetamol Tablets USP 100mg
- Crude Medicinal Plant Binisayang Tambal Bugayana Genuine
- Potassium Alum Sodium Chloride Acetic Acid (Canker Mouth Sore Solution) 4 mL
- Tropictoral Herbal Syrup
- Yeye Chun 5000 mg Capsule
- Yilishen 2800 mg Capsule
- Turmeric 500 mg Capsule 100’s
- CCM New Hyundai Moolpas®-F
- CCM Bumooly®-S Carla Gan Leonidas Solo
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga produktong nadagdag sa listahan ng mga produktong hindi aprubado ng FDA.
BASAHIN:
11 na halamang gamot at home remedies para sa sakit ng tiyan
Pigilan ang matinding kati: Top 7 na epektibong gamot sa Bungang Araw
Bakit dapat FDA registered ang isang produkto?
Ayon sa FDA, ang pangunahing objective ng kanilang ahensya ay masiguro na ligtas at dekalidad ang mga produktong ginagamit ng publiko. Ito man ay mapapagkain, gamot, medical device, cosmetics at iba pang produktong pangkalusugan.
Sinisiguro nila ito sa pamamagitan ng pagbibigay sertipikasyon sa mga produktong dumaan sa kanilang pananaliksik o pagsusuri. Upang masiguro na ito ay epektibo at hindi magdudulot ng kahit anumang negatibong epekto sa kalusugan ng tao.
Ang mga food and drugs na produktong hindi rehistrado sa ahensiya ay itinuturing na illegal at hindi dapat maibenta sa mga pamilihan. Pahayag ng FDA sa kanilang website,
“Alinsunod sa Republic Act No. 9711, o ang Food and Drug Administration Act of 2009, ang paggawa, pag-angkat, pagbenta, pamamahagi, paglipat, promosyon, pagpapatalastas o sponsorship ng produktong pangkalusugan nang walang kaukulang awtorisasyon mula sa FDA ay ipinagbabawal.
Paano malalaman kung FDA approved ang isang produkto?
Para naman matukoy kung rehistrado sa FDA ang isang produkto ay maaaring hanapin sa label o packaging ang FDA registration number nito. Puwede ring bisitahin ang FDA website saka hanapin sa search feature ng ahensya kung ito ba ay nakarehistro sa kanila o hindi.
Kung sakali namang walang nakitang FDA registration number sa isang produkto na kinakain, iniinom o inilalagay sa katawan, pakiusap ng FDA ay i-report ito sa kanila. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-i-email sa report@fda.gov.ph o kaya naman ay deretsong i-report ito sa kanilang website.
Maaari ring tumawag sa Center for Drug Regulation and Research (CDRR) sa numerong (02) 809-5596 upang mai-report ang mga produktong hindi nakarehistro sa ahensya.
Kung may katanungan sa FDA ay maari rin silang tawagan sa mga sumusunod na numero mula 9AM-4PM mula Lunes hanggang Biyernes.
Landline: (8) 821-1177-76, ( 8 ) 821-1220 o 821-1162 at 821-1159
Mobile: 0961-6804447, 0961-7709691 at 0961-6845994