#AskDok: Ano ang dapat gawin kapag nasugatan o nagalusan ang bata?

Takbo dito, takbo roon. Isa sa pinakamasayang parte ng pagiging bata ay ang paglalaro. Ngunit paano kapag siya ay nadapa? Narito ang mga dapat mong gawin kapag nakasugat ang iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagiging malikot, pagtatakbo-takbo, pakikipaglaro, at iba pang physical activities habang nag eexplore ang ating mga anak ay bahagi ng kanilang development at milestone habang lumalaki. Siyempre, kasabay nito, ay hindi maiiwasan na sila ay magkaroon ng sugat o gasgas.

Akala din natin, nagkaka sugat o gasgas ang bata ay dahil sa aksidente o iba pang may kaugnay sa aktibidad na hindi safe. Pero, ang clean surgical incisions (o paghiwa) ay maituturing ding sugat.

Ang ating balat ang pumoprotekta mula sa germs, bacteria, fungi, at viruses. Kung magkakaroon ang bata ng sugat, o kapag nahiwa o nabuksan ang balat, dito tataas ang risks ng pagpasok ng germs sa loob ng katawan. Pwede rin itong magdulot ng impeksyon.

Ayon sa Kids Health, may dalawang type ng sugat na maaaring mangyari sa bata. May clean wound at dirty o infected wound. Ito ang kanilang pagkakaiba:

  • Clean wounds – Hindi ito kontaminado ng bacteria at may pinakamababang risks ng impeksyon.
  • Dirty o infected wounds – tulad ito ng abscess, o malalim na hiwa at gasgas, o sa ibang delikadong sitwasyon ay tama ng bala. Kinakailangan na nito ng special treatment maliban sa first aid at gamot para sa sugat para maiwasan ang impeksyon.

Bilang paghahanda at pag-iwas sa paglala ng malalalim at infected wounds, may mga first aid para sa sugat ang pwedeng gawin ang mga magulang.

Sugat o Gasgas: Mga first aid para sa sugat

Mga sugat, gasgas, o post-surgical na sugat, ito ay mahalaga na subaybayan  dahil kailangan mo malaman kung ang sugat ba ng iyong anak ay may impeksyon. Kasama rito ang pamumula, pamamaga, madilaw-dilaw o maberde na kulay, masakit at mainit.

Ang mga punctured wound ay kadalasan walang impeksyon ngunit kung mananatili ang pamumula, pamamaga o pagdurugo, magpatingin sa iyong doktor.

Ang mga sugat sa mga paa ay isang partikular na parte ng katawan na dapat ipag-aalala. Magsuot ng sapatos upang mabawasan ang peligro ng isang sugat sa pagbutas mula sa isang pako o baso. Lalo na kung ang apektadong tao ay may diabetes.

Ayon kay Dr. Angelica Tomas isang pediatrician mulasa Makati Medical Center,

“Pakalmahin ang bata at i-observe kung malalin ba ang sugat kung malalim ipunta sa Emergency Room.”

Ngunit ito ang iilan sa mga pwede mong gawin sa  sugat o gasgas ng bata: 

Ilang first aid para sa sugat

Narito ang mga pwedeng gawin na first aid sa sugat ng bata. Nagsisilbing paunang lunas lamang ang mga first aid para sa sugat lalo na kung malalim o malala ang sugat bilang prevention sa paglala hanggang maipunta sa emergency ang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paghuhugas ng mga kamay bago gawin ang first aid sa sugat

  • Ito ay nakakatulong upang maiwasan ang impeksyon. 

Pagtigil sa pagdurugo bilang first aid sa sugat

  • Ang maliliit na gasgas o sugat ay kusang tumitigil ang pagdurugo. Ngunit kapag kinakailangan, maglagay ng banayad na pressure kasama ang malinis na damit hanggang tumigil ang pagdurugo. 

Linisin ang sugat bilang first aid para sa sugat

  • Lagyan ng tubig ang sugat. Panatilihin hugasan ng malinis na tubig para maiwasan ang impeksyon. Paglilinisin na ang sugat, gumamit ng sabon. Ngunit, huwag sabunin ang mismong sugat. Sa halip, sabunin ang paligid ng sugat. Huwag din gumamit ng Hydrogen Peroxide o iodine dahil pwedeng ma-irritate ang balat. 

Mag-apply ng antibiotic o petroleum jelly

  • Magpahid ng manipis na antibiotic o petroleum jelly upang mapanatili na basa ito at maiwasan ang peklat. May mga ilan na ingredients ang mga ointment na nagdudulot  ng rashes sa balat. Kaya pag nangyari ito, itigil ang pagpahid ng ointment. 

Takpan ang sugat

  • Maglagay ng bendahe, gasa. Ang pagtakip sa sugat ay nakakatulong upang mapanatili itong malinis. 

Palitan ang mga bendahe o gasa

  • Gawin ito kahit isang beses kada araw o ‘pag madumi o basa na ito.

Mag-tetanus shot

  • Magpaturok ng tetanus shot kapag hindi ka pa nagpapaturok nito sa loon ng limang taon at ang sugat ay malalim at marumi.

Tignan kung may impeksyon

  • Tulad ng pamumula, sobrang pananakit, init o pamamaga.

Mula sa FreePik

Gamot sa sugat

Bilang pag gamot sa sugat, kadalasan ay gumagamit ng over-the-counter (OTC) na antibacterial ointment (tulad ng polysporin). Minsan, gumagamit din ng gauge at bandage upang maiwansan ang impeksyon, lalo na kung dirty wound ang natamo ng bata. Linisin kapag tumigil na sa pagdurugo ang sugat bilang first aid para dito.

Siyempre, kailangang ikonsulta din sa doktor ang mga gamot na pwede at safe para lunasan ang sugat ng iyong anak. Kailangan ding alamin kung saang area, gaano kalala, at ano ang sanhi ng sugat bago lagyan o bigyan ng gamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung mababaw na sugat o gasgas lamang, sapat na ang pagpapadugo dito. Kapag tumigil na ang pagdurugo, hugasan ang sugat o gasgas gamit ang running water at sabon. Laging hugasan ang sugat upang maiwasan ang impeksyon.

Sipatin din lagi kung may naiwang bubog at nausling hibla ng kahoy bago lagyan ng band-aid.

Gamot sa kirot ng sugat

Bilang paunang gamot sa kirot ng sugat, pagkatapos mahugasan ay pahiran ng antibiotic ointment o cream. Hindi advisable na painumin ng ibuprofen at aspirin ang batang nasa edad 19 taong gulang pababa.

Para matiyak ang gamot sa kirot ng sugat, pumunta sa doktor para sa safe na gamot sa iyong anak. Sikapin din na habang dinadala sa emergency, kunsakaling may sintomas ng kirot ng sugat, ay mabigyan ng first aid para sa sugat ang iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailan ka dapat tumawag ng doktor para sa mga sugat, gasgas o sa tinatawag na puncture wound?  

Ang anumang sugat na nagpapakita ng mga palatandaan ng impeksyon ay dapat makita ng isang doktor.

  • Kapag hindi mo mapigilan ang pagdurugo ng iyong sugat. 
  • Ano mang sugat na malalim. Ibig sabihin, kapag lagpas na siya sa top layer ng balat mo kinakailangan mo na magpatahi sa iyong doktor sa lalong madaling panahon.  
  • Mas maaga ang pagtahi ng sugat, mas mababa din ang impeksyon mula dito. Kadalasan, sa loob ng 6 oras ay dapat muna mapatahi ang iyong sugat,
  • Ang mga taong may diyabetis, cancer, sumasailalim sa chemotheraphy, mga taong umiinom ng steriods na gamot ay mas may taas na tiyansiya na magkaroon ng impeksyon. Kaya kinakailangan na magpakonsulta ka kaagad sa iyong doktor. 

Iba pang paraan upang mapabilis ang paggaling ng mga sugat

1. Ang mga pangunahing hakbang para mapabilis ay ang pag-aalaga sa sugat.

Karamihan sa mga sugat ay humihinto ang dugo sa direktang presyon ng malinis na tela o benda. Patuloy na hawakan ang presyon ng humigit-kumulang 10 hanggang 20 minuto.

Kung hindi nito napigilan ang pagdurugo o kung mabilis ang pagdurugo, humingi na ng tulong medikal.

2. Susunod, lubusang linisin ang sugat gamit ang sabon at tubig.

Alisin ang anumang dayuhang materyal sa sugat, tulad ng dumi, o mga piraso ng damo, na maaaring humantong sa impeksyon. Maaaring gamitin ang mga Tweezer (linisin muna ang mga ito sa alkohol) upang alisin ang mga materyal mula sa mga gilid ng sugat.

Subalit huwag tuklapin ang sugat dahil maaari nitong itulak ang bakterya nang mas malalim sa sugat o makakasugat ng mga istraktura ng ilalim ng balat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang sugat ay maaari ring marahang kuskusin ng isang telaupang matanggal ang dumi. Ang mga produkto ng hydrogen peroxide at povidone-iodine (Betadine) ay maaaring magamit upang linisin ang sugat sa una. Subalit maaaring hadlangan ang paggaling ng sugat kung ginamit pang pangmatagalan.

4. Takpan ng benda (tulad ng gasa o isang Band-Aid) upang makatulong na maiwasan ang impeksyon at dumi mula sa sugat.

First aid sa sugat. | Larawan mula sa iStock

Ang isang pangunang lunas ay ang paggamit ng antibiotic (Bacitracin, Neosporin, Polysporin) 

5. Ang patuloy na pag-aalaga ng sugat ay mahalaga rin.

Tatlong beses sa isang araw, hugasan nang malumanay ang lugar gamit ang sabon at tubig, maglagay ng pamahid na pang-antibiotiko, at muling takpan ng bendahe. Baguhin agad ang benda kung ito ay marumi o basa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng sugat?

Hindi natin mapipigilan mangyari ang isang aksidente. Ngunit may kakayahan tayo upang maiwasan ito at  maprotektahan ang ating mga anak.

Ito ang iilan sa mga ibang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng sugat o gasgas:

  • Maging alerto
  • Tignang mabuti kung may matutulis na mga bagay na nakakalat sa iyong tahanan
  • Turuan ang iyong anak na huwag tatakbo na may hawak na matulis na mga bagay
  • Sabihin sa kanila na huwag laruin ang mga babasagin at matutulis na bagay
  • Pasuotin sila ng mga protective gear kapag sila ay nagbibisekleta, nagbabasktball, volleyball o anumang sports.

Ani nga ni Dr. Angelica Tomas,

“Maging kalmado sa kahit anong sitwasyon upang makapag-isip nang maayos. Kasi kailangan ng bata ay parental supervisor.”

Kailangan ba magpaturok ng tetanus shot para sa mga sugat o gasgas?

Isa sa mga pangunahing tanong mga ina ay kung dapat ba magpaturok ang kanilang anak ng “tetanus shot” kapag ito ay nagkaroom mg sugat o gasgas sa kanilang katawan. Ang sagot ay depende kung gaano kalaki at kalalim.

Maaaring kailanganin mo ang isang tetanus jab kung ang pinsala ay sumira sa iyong balat at  kung hindi ka na nakakapaturok ng tetanus. Ang Tetanus ay isang seryoso ngunit bihirang kondisyon na maaaring nakamamatay kung hindi ginagamot.

Ang bakterya na maaaring maging sanhi ng tetanus ay maaaring pumasok sa iyong katawan sa pamamagitan ng isang sugat o hiwa sa iyong balat. Sila ay madalas na matatagpuan sa lupa at pataba.

Kailan dapat humingi ng payong medikal maliban sa first aid para sa sugat?

Dapat kang makipag-ugnayan sa iyong doktor kung nag-aalala ka tungkol sa sugat ng iyong anak, lalo na kung:

  • Malalim ang sugat
  • Ang sugat ay naglalaman ng dumi 
  • Wala ka pang tetanus shot o
  • Hindi ka sigurado kung ganap kang nabakunahan laban sa tetanus

Pag-aaral tungkol sa mga sugat at first aid para dito

Upang maayos na gumaling ang mga sugat, mahalaga na ang mga pasyente ay may wastong kaalaman at pag-aalaga ng sugat. Sa loob ng maraming taon, maraming mga indibidwal ang naniniwala na ang mga gasgas o sugat ay dapat iwanang walang takip upang mas mabilis na gumaling.

Gayunpaman, ipinakita ng pananaliksik na ang mga sugat na walang balot ay nagkakaroon ng pagkakapilat, posibleng impeksyon, at muling pagkakasakit. 

Mahalagang ipaalala sa mga pasyente na maayos na takpan ang mga gasgas o sugat tulad ng Band-Aid at iba pang produkto gaya nito. 

Ang Band-Aid ay produktong may isang pangkasalukuyan antibiotic para sa karagdagang kaginhawaan, atang antibiotic pamahid na Neosporin ay magagamit sa isang maliit na portable container para sa iyong sugat o gasgas. 

 

Karagdagang ulat na isinulat ni Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

reginedy