Nais natin na pinapanatiling malinis ang mga kabahayan. Ito ay hindi lang para sa atin kundi para na rin sa mga kasama sa bahay, bata man o matatanda. Ngunit, alam ba kung saan nakukuha ang germs sa mga bahay? Nalilinis ba nang maigi ang mga bahagi ng bahay na maraming germs?
Si Dr. Charles Gerba ay isang kilalang microbiologist at propesor sa University of Arizona. Siya ay kilala sa tawag na Dr. Germ dahil sa ginawang pag-aaral sa mga lugar na mapagkukunan ng germs. Isa sa mga pinaka-sikat na pag-aaral niya ay kung gaano kalayo ang pagkalat ng germs sa tuwing nagflu-flush ng inidoro. Alamin natin ang masasabi niya sa mga germs sa mga bahay.
Alam mo ba kung saan nakukuha ang germs sa bahay?
Banyo
Kapag sinabing germs sa bahay, malamang ay ang unang naiisip ay ang banyo. Subalit, ayon kay Dr. Germ, hindi ito ang pinaka-madumi. Ito man ang dinadaanan ng mga dumi, dahil sa maiging paglilinis dito dahil sa kaalaman na iyon, mayroon nang ibang masmaruming lugar sa bahay.
Sa kanyang pag-aaral sa germs mula inidoro matapos mag-flush, 6ft mula sa inidoro ang inaabot ng germs. Ibig sabihin, ang mga toothbrush, tuwalya at mga sabon na wala pang 6ft ang layo ay naaabot ng mga germs. Ayon kay Dr. Germ, kung saiyo din galing ang germs, walang kailangang alalahanin. Subalit, ibang usapan na kung may mga bisitang gumagamit ng banyo lalo na pagdating sa mga tuwalya.
Pinapayo ni Dr. Germ na palitan ang mga tuwalya sa loob ng 3 hanggang 4 na araw. Ito ay dahil sa E. coli na nadedevelop sa mga ito dala ng moisture, kapal at malamig na tubig na nananatili sa tuwalya. Makakabuting palitan ito nang madalas at gamitan ng mainit na tubig sa pag-linis.
Kung hindi na ang banyo ang may pinaka-maraming germs, saan nakukuha ang germs sa bahay?
Kusina
Sa pag-aaral ni Dr. Germ, ang mga kusina ay pinupugaran ng mga salmonella at E. coli. Nagmumula ang mga ito sa paghahanda ng mga hilaw na pagkain sa lababo na madalas ay nililinisan lamang gamit ang tubig. Dahil dito, lumalabas na mas-ligtas pang pag-handa ng pagkain sa banyo kumpara sa kusina.
Ipinapayo ni Dr. Germ na linisan nang maigi ang mga kusina at chopping boards gamit ang bleach. Maaaring gumawa nito sa pamamagitan ng paghalo ng isang kutsara ng bleach sa isang gallon ng tubig. Linisin din ang mga drain at disposal kada buwan gamit ang bleach na ito. Ang mga strainers naman ay kada-linggo huhugasan kasabay ng pagpunas sa mga handle ng gripo. Gamitin din ang bleach na ito sa mga countertops matapos maghanda ng pagkain.
Madalas man na hindi naiisip ang germs sa mga ito, mayroon pang gamit sa kusina na hindi naiisip ay maraming germs.
Sponge
Sa isang pag-aaral nuong 2017, natuklasan na ang mga sponge na panlinis ng mga nasa kusina ay pinupugaran ng nasa 362 na uri ng mga bacteria. Sa katunayan, ayon kay Dr. Gerba, sa daan daan ng sinuri niyang mga sponge, 15% ang natagpuan niya na may salmonella.
Kung iisipin, ito nga naman ang kumokolekta ng mga dumi mula sa mga hinuhugasan sa kusina. Ginagamit din ito panlinis ng mga countertops, chopping board, at maging ang lababo mismo. Kung isasaalang-alang ang mga ito, hindi na nakakagulat kung bakit ito ang pinaka-maduming bagay na matatagpuan sa mga kusina.
Subalit, paano ito lilinisin? Sa pag-aaral, hindi epektibo ang pag-microwave para linisin ang mga sponge. Hindi rin epektibo ang pagpapakulo nito o pagbabad sa sabon na panghugas ng mga plato. Paulit-ulit na bumabalik ang mga bacteria. Dahil dito, iminumungkahi ng pag-aaral na palitan ang mga sponge sa kusina matapos ang isang lingong paggamit nito.
Saan nakukuha ang germs? Sa kusina rin!
Ayon kay Dr. Germ, may ilan pang mga kagamitan sa kusina na dapat ay bantayan para sa mga germs. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Handle ng ref
Marami ang naiipon na germs sa mga hawakan ng ref nang hindi namamalayan. Kadalasan ito ay dahil sa pag-hawak sa mga hilaw na karne bago hawakan ang mga ref para muling kumuha ng bagay.
Kitchen towel
Kadalasan na nakasabit sa mga handle ng ref, naiipon sa mga kitchen towels ang mga dumi ng kusina kasama pa ng moisture at kapal nito. Ginagamit itong punasan ng kamay matapos humawak sa karne at hiindi papalitan o lalabhan nang ilang araw, lingo, o buwan.
Loob ng ref
Natuklasan ng National Safety Foundation (NSF) na nasa 36% ng mga lalagyan ng karne ay may E. coli at salmonella. Ang 36% naman ng mga lalagyan ng gulay ay natuklasan na pinamumugaran ng salmonella. 14% ng mga ito ay nagpositibo rin para sa listeria.
Ang maiging paglilinis sa mga lugar na ito ay hindi kasiguraduhan na magiging ligtas ang tao sa germs. Tayo ay lumalabas ng mga kabahayan at nae-expose din sa mga germs sa labas. Ngunit kung mapanatili ang kalinisan sa loob ng bahay, makakatulog nang mahimbing nang hindi inaalala na makakuha ng germs sa sariling tahanan.
Source: CNN
Lead photo source: Shutterstock
Basahin din: Good Germs, Bad Germs: Know the difference to protect your kids from falling sick