Pagmasdan ang mga larawan sa plantito/jungle themed first birthday ni Baby Amari Crawford.
Mababasa sa artikulong ito:
- Detalye sa plantito themed first birthday ni Baby Amari Crawford.
- Mensahe ni Billy at Coleen sa first birthday ng anak nilang si Amari.
First birthday ni Baby Amari Crawford
Image screenshot from Coleen Garcia’s Instagram account
Full of greens ang naging pagdiriwang ng first birthday ng anak nila Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari nitong September 10.
Ayon sa post ni Coleen sa Instagram, alinsunod ito sa hinanda nilang plantito/jungle themed party para sa anak. Ang set-up nilang ito ay sobrang na-enjoy umano ni Amari ayon kay Coleen.
Sa katunayan, sa sobrang pagod nito sa paglalaro sa kaniyang birthday party ay naging mahimbing ang tulog nito pagkatapos.
“We got to bring this little plantito’s dreams to life during his special day! His setup was full of real plants. 🌱 He had so much fun playing and going around! When it was finally bed time, he didn’t fight it (he usually does) and slept so well right away. 😌”
Ito ang unang bahagi ng pahayag ni Coleen sa kaniyang IG post tungkol sa first birthday celebration ni Amari.
Dagdag pa niya, hindi lang naman daw si Amari ang nag-enjoy sa birthday party nito. Pati ang mga bisita niyang kaibigan at kapamilya ay aliw na aliw sa selebrasyon ng kaarawan ng unico hijo nila Coleen at Billy Crawford.
Makikita sa larawan na inupload ni Coleen sa Instagram na present sa birthday ni Amari ang aktor at host na si KC Montero kasama ang misis nitong si Stephanie Dods at anak nilang si Wyatt Cody. Sa post ni Coleen ay sinabi nitong best friends by default sina Amari at Wyatt tulad ng kanilang mga ama.
Image screenshot from Coleen Garcia’s Instagram account
BASAHIN:
Billy Crawford posts photo of Coleen: “I want Amari to realize how much mommy sacrificed for him…”
Coleen Garcia to Baby Amari: “Nakakaiba ng mood when he’s around.”
Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari
Mensahe ni Billy at Coleen sa anak na si Amari
Samantala, hiwalay namang nagbigay ng mensahe sina Coleen at Billy para sa unang taong kaarawan ng anak nilang si Amari.
Sa mensahe ni Billy para sa first birthday ng anak ay ipinaabot ito na kahit anumang mangyari ay lagi lang silang nakasuporta dito ng misis niyang si Coleen.
“To my little man, Happy 1st Birthday! You probably won’t remember this or just not pay any attention to our messages cause you’re still young.
But I want you to know that no matter what the circumstances are, your mom and I will always lift you up when you’re down, comfort you when you’re uneasy, and love you until the world ends.”
Ito ang mensahe ni Billy sa birthday ng anak na si Amari.
Samantala, sa mensahe naman ni Coleen para sa anak ay sinabi nito kung paano nabigyang liwanag at kulay ng anak ang buhay nilang mag-asawa sa ngayon.
“There are a lot of scary and negative things still going on in the world, but you have been our sunshine and ray of hope.”
Tulad rin ng mensahe ni Billy ay sinabi rin ni Coleen na ang lahat ng kailangan ni Amari ay abot-kamay lang nito sa pamamagitan nilang mag-asawa. Ito ay susubukan nilang iparamdam lahat sa anak lalo na ngayon na kung saan ang oras at atensyon nila ay nakatutok lang sa kaniya.
Coleen to Amari: “Be reminded that you are surrounded by people who love you!”
“One day you’ll realize that there’s a whole world out there, but I hope these moments when it was just us will always stay in your very core. Be reminded that you are surrounded by people who love you, that you are appreciated, cherished and valued, and that all you really need is within reach.”
Hiling ni Coleen sa anak ay sana matupad ang mga pangarap nito kapag siya ay malaki na. Habang sila naman ng mister na si Billy ay ini-enjoy ang bawat milestones ng anak.
“I look forward to watching you make all your dreams come true, and seeing the wonderful person you’ll become one day. But for now, you’re our little baby boy. And we will savor every minute of it. 🌟”
Ito ang sabi pa ni Coleen.
Samantala, dahil sa hindi pa puwede ang mga gatherings ay ipinaabot nalang ng mga celebrities ang pagbati sa birthday ni Amari online.
victoria_belo
Believe you can fly Amari especially your wonderful parents behind you every step of the way . Happy birthday Amari
rissamananquiltrillo
Happiest Birthday, Amari!❤️❤️❤️✨
Happy birthday baby Amari! So cute cute baby! ❤️👏
Source:
Image screenshot from Coleen Garcia’s Instagram account