Gaano kadalas dapat paliguan si baby? Alamin ang sagot ng isang doktor dito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Gaano kadalas paliguan si baby?
- Tips sa tamang pagpapaligo kay baby
Ang pagpapaligo ng sanggol ang isa sa pinaka mahirap na gawain ng isang bagong nanay. Marahil marami sa ating mga nanay ang nakaranas ng takot at pag-aalala. Paano nga ba at gaano dapat kadalas paliguan si baby?
Sinagot ni Dr. Marivi Dizon, isang pediatric dermatologist, ang mga katanungan tungkol sa pagpapaligo kay baby sa kakatapos lang na Johnson’s Milk + Rice Powerville Media Round Table event.
Pagpapaligo kay baby
Magkaiba ba ang balat ng isang bagong panganak kaysa sa toddler?
Ayon kay Dr. Dizon, malaki ang pagkakaiba nito.
“Infants’ skin is immature from the get go. Those skin cells are just trying to mature themselves”
Paliwanag ng doktora, ang balat ng isang bagong panganak na sanggol ay nagsisimula lamang na mapalakas ang skin cells nito. Paalala rin niya na ang paglalagay ng lotion, cleanser o iba’t ibang sabon sa balat ng bagong panganak ay maaaring maging sanhi ng infection sa balat.
Payo ni Dr. Dizon, laging gumamit ng mga gentle cleansers o baby wash sa pagpapaligo sa sanggol para masigurong hindi maiirita ang kaniyang balak.
Huwag na huwag gagamit ng adult soap para kay baby
Gaya ng nabanggit, lubhang sensitibo pa ang balat ni baby, kaya ang paggamit ng ordinaryong sabon o adult soap ay maaring makasira sa kaniyang balat.
Makakabuti kung aalamin mo ang mga ingredients na nakapaloob sa gagamiting sabon o baby wash ni baby.
“I will add on, aside from the PH, take to heart the components, the items, the ingredients, that is incorporated in that soap. Aside from the PH that can potentially destroy or drive the skin ph to become abnormal”
Dagdag rin niya na kapag naging prone ang balat sa alkaline, maaring masira ang natural moisturizer sa ating balat.
“From a slightly acidic skin ph, it will become more alkaline, if it becomes more akaline, those natural moisturizers that is innate on our skin can get depleted.”
Gaano dapat kadalas paliguan si baby?
Pagdating sa pagligo sa isang sanggol, isa sa mga bagay na dapat isaalang-alang ng mga magulang ay ang klima o panahon kung saan sila nakatira. Ipinaliwanag ni Dr. Dizon na tayo ay nasa tropical country, kung saan init at lamig ang nararamdaman.
Sa normal na adult, maaring maligo nang dalawang beses sa isang araw ngunit sa mga bagong panganak na sanggol, pwede na ang isang beses.
Dahil sa init ng panahon, maaring magpawis ng sobra si baby kaya pwede rin naman siyang paliguan o hilamusan para maging maaliwalas ang kaniyang pakiramdam.
Dagdag pa niya, makaka-apekto rin sa dalas ng pagligo ni baby kung anu-ano na ang mga bagay na nagagawa niya sa loob ng isang araw.
“Since they are still in their crib world, or inside the house depending on how clean the house. As soon as they [start] crawling on the floor, and they go outside playing with soil, or out of the garden running, its best that you take a shower twice a day.”
Isa pang bagay na kailangan tandaan ay ang mga pollutants sa labas ng ating mga bahay.
Ngayong madalas tayong nasa bahay lang, dapat mas maging masinop tayo sa paglilinis ng ating paligid lalo na habang lumalaki si baby. Dahil mayroong particles sa ating kapaligiran (tulad ng alikabok) na maaring maka-irita sa balat ng sanggol. Paalala ni Dr. Dizon,
“All of us are practically confined in our house. Inside our house we have VOC or volatile organic compounds, things that can create an eczema on the skin. So its best that you keep our house clean.”
Dagdag pa ng doktora, hindi sapat ang paglilinis ng ating katawan o katawan ni baby gamit ang tubig lang. Kailangan pa ring gumamit ng mild cleansers upang matanggal ang dumi sa ating balat.
“Dirt cannot go away from the skin not unless there’s a vehicle, and we need the cleansers, not water alone. It needs to have the cleanser to effectively grab that dirt and drive it away from the skin. Dirt in general can create eczema.”
Bukod sa pagligo, importante din ang pagmo-moisturize. Ang mga moisturizer ang nagre-repair ng mga regiments at pinprotektahan ang ating balat.
BASAHIN:
6 karaniwang sakit sa balat at mga panandaliang gamot dito
#AskDok: Ilang araw puwede maligo pagkatapos manganak?
Benepisyo ng hindi agad pagpapaligo sa newborn
7 bagay na dapat ninyong tandaan sa pagpapaligo kay baby
Larawan mula sa iStock
Ngayong nasagot na ang iyong katanungan kung gaano kadalas dapat paliguan si baby, narito naman ang ilang mga paalala sa tama at ligtas na pagligo sa iyong sanggol.
Ang pagiging handa at alerto ni mommy ay importante sa pagpapaligo kay baby upang maiwasan ang mga ‘di inaasahang aksidente.
1. Huwag iwanan ang sanggol
Siguraduhin na hindi mo iiwan si baby sa tubig nang mag-isa lamang. Ito ay delikado para sa mga sanggol.
Kung sakali ikaw lamang mag isa bahay at biglang may kumatok sa pintuan, siguraduhin huwag maiiwan mag isa ang sanggol. Isama na lamang ito at balutan ng towel palabas ng banyo.
Ito rin ang dahilan kung bakit dapat ay handa na lahat ng kagamitan ni baby sa pagligo at abot-kamay mo lang ang mga ito para hindi maalis ang iyong tingin sa iyong anak.
2. Hawakan ng mabuti si baby
Dahil sa tubig at sabon, maaring madulas ang iyong hawak kay baby. Kailangan ng labis na pag iingat upang hindi mahulog si baby sa iyong pagkakahawak o pagpapaligo.
Huwag mag panic at siguraduhing mahigpit ang hawak kay baby. Nakakatakot talaga sa umpisa, pero habang tumatagal ay makakasanayan mo ring gawin ito.
Larawan mula sa iStock
3. Gumamit lamang ng maliit na tub
Maaring maging mahirap ang pagpapaligo ng sanggol sa malaking tub para sa bagong ina. Mas magiging madali ito kung gagamit ka lamang ng mas maliit dahil mako-kontrol mo rin ang temperatura ng tubig.
Bago maglagay ng tubig, suriin munang mabuti ang init ng tubig. Marahil ito ay ayos lamang para sayo ngunit hindi ito kaya ng iyong baby. Huwag masyadong punuin ang tub dahil maaring malunod o masuffocate ang iyong baby.
Sensitibo ang katawan ng mga sanggol kaya’t siguraduhin na tama ang temperatura nito. Kung kayo ay mayroong baby bath thermometer, ang temperatura ng tubig ay hindi dapat lalampas sa 90 degree F.
4. Paliguan lang ng mabilis si baby
Kaugnay nga ng tanong na gaano kadalas dapat palinguan si baby, marami ring nagtatanong kung anong oras dapat naliligo ang sanggol. Pero ayon kay Dr. Jennifer Tiglao, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center, mas mahalaga ang bilis o iksi ng oras na inilalagi ni baby sa pagpapaligo.
“Ang importante lang not the the time of the day, like I mentioned earlier iyong hamog at rain, it is not the water, it’s how fast you gonna do the bathing of your baby and at the same time dapat bibiihisan agad.
Kasi iyong sudden shift of temperature doon puwedeng magkaroon ng problem ang baby sa kaniyang nervous system. Masama sa bata iyong from mainit biglang malamig tapos hindi ninyo pa binihisan doon siya magkakasakit,” paliwanag niya.
Siguruhin na mabilis lang ang pagligo ng iyong sanggol. Para sa mga newborn, hindi tatagal ng 10 minuto ang pagligo niya. Pagkatapos ay patuyuin agad ang kaniyang ulo at katawan.
5. Patuyuin agad si babay gamit ang towel
Ugaliin na patuyuin agad si baby pagkatapos maligo. Takpan o i-cover ang ulo ni baby para hindi ito lamigin. Importante itong tandaan dahil ang buhok sa ulo ni baby ay manipis kung kaya’t madali silang makakakuha ng sipon.
Tandaan din na unahin muna ang katawan ng sanggol at pagkatapos nito, isunod naman ang ulo para hindi ito matagal na nakababad sa tubig.
6. Iwasan na makainom o makalunok ng tubig si baby
Laging tingnan kung nakabuka ang bunganga ni baby habang pinapaliguan ito dahil maari itong pasukan ng tubig. Iwasan ang tuloy tuloy na pagbubuhos ng tubig sa ulo ng sanggol.
Ang paghihilamos rin ang isa sa mga sanhi kung bakit nakakainom ng tubig si baby. Maaring magkaaron ng diarrhea o amoebiasis ang iyong baby dahil sa tubig na maiinom nito. Ayon kay Dr. Tiglao,
“Isang reason pa kung bakit nagiging problem ang paliligo kapag iniinom ng bata ang tubig. Kapag madalas na naliligo, nagkaka-diarrhea sila o amoebiasis kasi naiinom nila iyong tubig sa sobrang dalas nilang maghilamos.
Kaya iwasan na lang na makainom ng tubig ang bata kung mahilig siya maligo.”
7. Ihanda lahat ng kailangan ni baby
Bago magpaligo, siguruhing handa lahat ng gamit nito. Ito ay para abot-kamay mo na lang ang mga gagamitin sa pagligo at hindi ka malilingat habang pinaliliguan si baby. May mga pagkakataon rin na mayroon tayong nakakalimutan at tumatagal na basa si baby.
Kaya naman bago magsimula na paliguan ito, ihanda na ito sa isang lalagyan para kukuhanin na lamang ito at mabilis na makaahon sa tubig ang iyong baby. Ang kadalasan na kailangan ni baby ay ang kanyang mga toiletries tulad ng baby shampoo at baby soap. Kailangan rin handa na ang towel, diaper o lampin, pulbos, at damit.
Tandaan na natural lamang na matakot at mag-alala ang mga magulang sa mga unang beses, ngunit sa darating na panahon ay inyong matutunan ang tamang pagpapaligo at mae-enjoy ang gawaing ito kasama ang inyong baby.
Source:
theAsianparent Singapore, Healthline, Johnson’s Milk+Rice Powerville Media Round Table
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!