Ang pangunahing bahagi ng labanan ng mga kasarian ay ang matandang debate kung sino ang mas nasasaktan pagdating sa kirot. Gaano nga ba kasakit manganak? Mas masakit nga ba ito sa pagsipa sa bayag ng lalaki?
Ang katanungan kung alin sa panganganak o ang masipa sa bayag ang mas masakit ay nakapag-siklab ng malalakas na argumento sa pagitan ng mga lalake at babae, habang naglalaban ang parehong panig upang mapanalunan ang korona kung sino ang mas nasasaktan.
Isang bagong scientific video sa YouTube mula sa AsapSCIENCE, na sinusubukang usisain ang kontrobersyal na isyu, ang nakapagkamal ng higit sa 600,000 views sa loob ng isang linggo. Ang 4-minutong bidyong puno ng nakatutuwang cartoon illustrations ay nagpapakita ng nakahihimok na kaso para sa parehong panig at nakarating sa isang kasiya-siyang konklusyon.
Kung gusto mong malaman kung alin sa panganganak at ang ari sa bayag ang mas masakit, ipapaalam namin sa’yo!
Ano ang sakit?
Ang lohikal na panimulang punto para malutas ang debateng ito ay ang mahalagang tanong na “ano ang sakit?” Ayon sa mga may likha ng bidyo, ang sakit ay nararamdaman sa pamamagitan ng specialized nerve cells na tinatawag na nociceptors. Nagiging aktibo lang ang mga nerve cells na ito kapag ang hangganan sa sakit ay nalampasan. Pagkatapos, magpapadala ito ng mga senyales sa iyong utak at spinal cord, na dahilan upang makaramdam ka ng hindi kanais-nais na sakit.
Ang bayag ng lalaki ay nababalot ng maraming nociceptors, kaya ang sakit ay nararamdaman kapag ang pagsipa sa bayag ng lalaki ay talagang matindi.
At saka, ang nociceptors na pumapalibot sa bayag ay konektado sa tiyan at sa vomit center ng utak, kaya kadalasan, ang mga lalaki ay nakakaramdam ng pagkahilo at matinding sakit sa bahagi ng tiyan. Ang katotohanang kaunti lamang ang proteksyon ng bayag ay nagiging sanhi upang ang mga lalaki ay mas madaling masaktan at makaramdam ng mas malalang kirot.
Pero bago magdiwang ang mga lalaki, may malakas na laban din ang mga babae sa kanilang panig. Ang panganganak ay maihahalintulad sa matinding sakit na nararamdaman ng mga lalaki kapag natatamaan ang kanilang bayag.
Gaano kasakit manganak? Isipin mo na lang na ang sakit na nararamdaman ng lalaki, idagdag mo pa ang katunayang ang proseso ng panganganak ay napakahaba—karaniwang tumatagal nang walong oras at kadalasang may kaakibat na pagduduwal, panghihina, at tensyon, na nakapagpapatibay ng kaso ng mga babae.
Sino ang nanalo?
Nagtapos ang bidyo sa isang maingat na konklusyon na patas sa panahong ito ang labanan ng mga kasarian. Pinaliliwanag ng bidyo na ang sakit ay isang karanasang subjective, na nangangahulugang ang bawat isang tao ay nakadarama ng sakit sa iba-ibang paraan.
Ang sakit ay maaari ring maimpluwensiyahan ng ibang mga salik gaya ng mood, pagkaalerto, at mga nakaraang karanasaan, kaya mas nagiging mahirap ang sukatan kung sino ang mas nasasaktan.
Sa ngayon ay walang layunin at mapagkakatiwalaang paraan para sukatin ang sakit at ang kilalang mito na ang sakit ay nasusukat sa pamamagitan ng yunit na tinatawag na “del” ay tunay na mali. Sa pagtatapos, ang debateng ito ay isang debate kung saan walang malinaw na panalo.
Panganganak vs. masipa sa bayag: aral ng kuwento
Ang totoong katanungan na dapat nating itanong sa ating mga sarili ngayon ay kung bakit pa pinag-aawayan ng mga lalaki at babae ang isyung ito. Kung sino ang mas nasasaktan at alin man ang mas masakit sa panganganak at masipa sa bayag ay hindi makapagpapabago sa tindi ng sakit na iyong mararamdaman kung maranasan mo ito. Hindi rin nito mapapatunayang mas angat ang iyong kasarian kaysa sa isa pa.
Gayunpaman, ang bidyong ito ay nagpapakita ng isang interesanteng panig sa napakatandang debate sa isang bidyong nakaaaliw at kapupulutan ng aral, at ang mga babae at lalaki ay nararapat lang na maglaan ng oras para panoorin ang buong bidyong ito:
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Diona Valdez
Basahin:
4 Na yugto ng labor at panganganak – at mga payo para kay mommy
ALAMIN: Handa ka na ba sa panganganak?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!