X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#AskDok: Paano malalaman kung bukas na ang cervix?

7 min read
#AskDok: Paano malalaman kung bukas na ang cervix?#AskDok: Paano malalaman kung bukas na ang cervix?

Malapit na ba ang due date mo, Mommy? Narito ang mga senyales na bukas na ang cervix at malapit ka nang manganak!

Excited ka na bang makita si baby? Alamin kung nalalapit na ang araw na iyon. Narito ang sagot sa katanungang paano malalaman kung bukas na ang cervix ng buntis.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga senyales na malapit nang manganak
  • Paano malalaman kung bukas na ang cervix?
  • Mga paraan para mapabilis ang pagbukas ng cervix

Habang lumalapit ang iyong due date, napapansin mo na mayroong mga pagbabago sa iyong katawan na maaaring senyales na nalalapit na rin ang araw ng kapanganakan ni baby. Isa sa mga pangunahing senyales na nagsimula na ang labor ay kapag bumuka na ang iyong cervix.

Maraming mommies ang nagtanong sa ating TAP community, paano mo malalaman kung bukas na ang iyong cervix?

Bago natin sagutin ‘yan, alamin muna natin ang ilang senyales na nalalapit na ang labor.

Walang makapagsasabi ng ganap oras ng pagsisimula ng labor. Pero dahil naghahanda na ang katawan sa panganganak, maaari mong mapansin unti-unti ang mga senyales na malapit na itong dumating.

Mga senyales na malapit ka nang manganak

Mababa na ang iyong tiyan

paano malalaman kung bukas na ang cervix

Larawan mula sa Freepik

Tinatawag rin na ligtening, ito ang pagbaba ng ulo ng iyong anak papunta sa birth canal. Nangyayari ito sa ikatlong trimester o ilang linggo bago ang due date.

Karamihan ng mga nakakaramdam nito ay mga first-time moms at hindi na masyadong napapansin ng mga babaeng nanganak na dati. Isang teorya rito: maaaring dahil alam na ng iyong katawan kung ano ang gagawin nito sa panganganak, kaya hindi na kailangan ang mahabang panahon para maghanda.

Contractions o paghilab ng tiyan

Kung nakakaramdam ka ng paninikip o paninigas ng ibabang bahagi ng iyong tiyan, maaaring nagsisimula na ang labor.

Ang pagkakaroon ng contractions ay isa sa mga unang senyales na malapit ka nang manganak. Pero kailangan mong bantayan at bilangin ang mga ito para masiguro na ito ay totoong labor at hindi false labor o Braxton-Hicks.

Sa totoong labor, nagsisimula ang sakit sa iyong likuran at umaabot hanggang sa iyong tiyan. Tumitindi rin ang paghilab at lalong sumasakit habang tumatagal. Mapapansin mo ring mas madalas ang paghilab at umiiksi ang pagitan ng contractions.

Kapag 5 minuto na lang ang pagitan ng iyong contractions at tumatagal ito ng mahigit isang minuto, oras na para pumunta sa ospital.

Pumutok na ang panubigan mo

paano malalaman kung bukas na ang cervix

Larawan mula sa Freepik

Mararamdaman mo ang biglang pagbuhos ng tubig mula sa puwerta, na para bang naihi ka, pero sobrang dami o lakas ng agos, o ‘di kaya’y tuluy-tuloy lang ang pagdaloy ng tubig na hindi mo mapigilan.

Kadalasan, ang pagputok ng panubigan ang pinakamalinaw na palatandaan na manganganak na ang isang babae, subalit may mga pagkakataon ding hindi pumuputok ang panubigan.

Ang pagputok ng iyong amniotic sac o panubigan ang senyales na kailangan mo nang pumunta agad ng ospital.

Paano malalaman kung bukas na ang cervix?

Sa panahon ng iyong pagbubuntis, mahalaga na maging matigas at sarado ang iyong cervix dahil pinoprotektahan nito ang sanggol sa iyong uterus.

Habang tumatagal, unti-unti itong lalambot para paghandaan ang oras ng panganganak.

Ang pagbuka ng cervix ang pinakapangunahing sensyales na nagsisimula na ang labor. Kadalasan, hinihintay ng mga OB-GYN na maging fully-dilated ito at umabot ng 6 cm pataas bago magsimula ang pangalawang stage ng labor – ang paglabas ni baby sa iyong katawan.

Pero ano nga ba ang mabisang paraan para malaman kung bukas na ang cervix?

Ayon kay Dr. Maria Theresa Lopez, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, ang tanging paraan para makumpirma kung nakabukas na ang cervix ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng internal examination o IE. Tanging ang iyong OB o isang certified medical professional ang maaring gumawa nito.

 “You have to go to your OB to do that. It is only by doing a proper internal examination that you could check if your cervix is opening or not.” aniya.

Subalit kung matagal pa ang iyong due date at iniiwasan munang magsimula ang labor, nirerekomenda rin ng mga doktor na sumailalim sa vaginal ultrasound.

“Sometimes, for those who are in preterm labor, and then you dont want to induce- kasi when we do internal examination it induces labor, so some obstetricians would actually elect to do a vaginal ultrasound to look at that cervix. Para lang makita kung how long pa o kung bukas na ba.” paliwanag ng doktora.

Bagamat IE o ultrasound lang ang makakapagkumpirma na bukas na ang cervix ng buntis, mayroon namang senyales na pwedeng bantayan.

Mga senyales na bukas na ang cervix

Ayon kay Dr. Lopez, kapag lumakas ang nararamdamang contractions, at makaranas ng pagdurugo o vaginal bleeding, maaaring ibig sabihin nito na bukas na ang cervix.

Partner Stories
3 tips for helping your child in online learning: Tips from a long-time homeschooler
3 tips for helping your child in online learning: Tips from a long-time homeschooler
Alaska Milk Holds Alagang Alaska 10.10 Sale to Help Families Affected by Pandemic
Alaska Milk Holds Alagang Alaska 10.10 Sale to Help Families Affected by Pandemic
The Bonifacio Art Foundation Inc. (BAFI) launches the first science & art educational TV program amidst the pandemic
The Bonifacio Art Foundation Inc. (BAFI) launches the first science & art educational TV program amidst the pandemic
P&G Philippines’ Erica Cabayan shares why more women leaders and allies matter at work
P&G Philippines’ Erica Cabayan shares why more women leaders and allies matter at work

“The contractions o ‘yong pain, that’s one that can lead up to the opening of your cervix. There is also some bleeding kasi nagbi-bleed kasi ang cervix sometimes kapag iyan ay bumubuka.” aniya.

Isa pang senyales na pwedeng abangan ang pagkatanggal ng mucus plug, o tinatawag ring bloody show. Ang mucus plug ang pumoprotekta sa cervical canal kapag hindi pa panahon para mag-labor.

“Some moms would even notice the mucus plug na sinasabi natin. It’s a very thick mucus na parang sipon na yellowish pa siya ng konti saka madami siya.” paglalarawan ni Dr. Lopez.

Kapag malapit na ang iyong due date at naramdaman ang mga sintomas na ito, pumunta na sa ospital o tumawag sa iyong doktor.

Kung malayo pa naman ang due date pero nakaranas ng mga ganitong sintomas, tumawag agad sa iyong doktor dahil baka ikaw ay nakakaranas ng preterm labor.

BASAHIN:

Paano bilangin ang contractions? Mga kailangan mong tandaan

Paninigas ng tiyan ng buntis sa huling buwan: Senyales na ba ng panganganak?

#AskDok: Wala ba talaga akong mararamdaman kapag gumamit ako ng anesthesia sa panganganak?

 

paano malalaman kung bukas na ang cervix

Larawan mula sa Freepik

Mga paraan para mapabilis ang pagbukas ng cervix

Habang kasama sa labor ang paghihintay, may mga sitwasyon na kailangan nang makialam ng doktor para mapabilis ang proseso ng panganganak.

Masaring kailangan na ng medical intervention kung:

  • mayroong impeksyon sa uterus ng buntis.
  • lagpas na ng 2 linggo mula sa due date, at hindi pa nakakaranas ng sintomas ng active labor.
  • pumutok na ang panubigan, pero walang contractions.
  • iba pang medikal na kondisyon na maaring maglagay sa buhay ng mag-ina sa peligro.

Sa mga ganitong pagkakataon, maaaring maglagay ang iyong doktor ng gamot na mag prostaglandin para mapalambot ang cervix at bumuka ito.

Mayroon ding proseso na tinatawag na membrane stripping kung saan hinihimas ng doktor o midwife ang amniotic sac para maglabas ng prostaglandin ang uterus at matulungang bumukas ang cervix.

Mga natural na paraan na pwede mong subukan:

Kung gusto mo naman ng isang natural birth, maaring subukan ang ilang bagay na ito sa iyong bahay para bumuka ang iyong cervix.

  • Maglakad-lakad sa palibot ng iyong bahay

Pwede mo ring subukang magpalit ng posisyon. Ang bigat ni baby ay nagbibigay ng pressure sa cervix at nakakatulong para bumuka ito.

  • Umupo sa isang exercise ball o birthing ball

Siguruhin lang na may taong nakaalalay sa ‘yo para makaiwas sa aksidente.

  • Magrelax

Ang stress at muscle tension ay nakakasagabal sa pagbuka ng cervix. Subukan mong magpahinga o magpractice ng iyong breathing exercises. Pwede mo ring kausapin ang iyong partner para mapalagay ang iyong isip.

  • Sex

Makakatulong ang pakikipagtalik para ma-relax ang iyong katawan. Bukod dito, ang semilya ng isang lalaki ang mayroong prostaglandin, isang hormone na nakakatulong para bumuka ang cervix.

Subalit bago subukan ito, tanungin muna sa iyong doktor kung ligtas na makipagtalik sa estado ng iyong pagbubuntis.

Huwag mag-aalinlangang tumawag o magtanong sa iyong doktor, lalo kung nakakaramdam na ng mga nabanggit na sintomas sa ika-37 na linggo ng pagbubuntis.

Hayaan mo nang masabing makulit ka, basta’t sigurado ka na ligtas ang pagbubuntis mo. Ang isang magaling na doktor ay hindi nag-aatubiling sumagot sa mga tanong o magpayo sa kanyang pasyente.

Source:

LiveScience, Medical News Today

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

Inedit ni:

mayie

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • #AskDok: Paano malalaman kung bukas na ang cervix?
Share:
  • Bakit hindi pa ma-detect ng ultrasound ang heartbeat ni baby?

    Bakit hindi pa ma-detect ng ultrasound ang heartbeat ni baby?

  • Paano malalaman kung buntis sa unang linggo? Ito ang mga sintomas

    Paano malalaman kung buntis sa unang linggo? Ito ang mga sintomas

  • Ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa morning sickness ng buntis

    Ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa morning sickness ng buntis

app info
get app banner
  • Bakit hindi pa ma-detect ng ultrasound ang heartbeat ni baby?

    Bakit hindi pa ma-detect ng ultrasound ang heartbeat ni baby?

  • Paano malalaman kung buntis sa unang linggo? Ito ang mga sintomas

    Paano malalaman kung buntis sa unang linggo? Ito ang mga sintomas

  • Ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa morning sickness ng buntis

    Ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa morning sickness ng buntis

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.