Gamot sa pamamanas ng paa habang buntis na dapat mong malaman
Hindi pa rin natin maaalis ang katotohanang, uncomfortable ang pamamaga ng paa. Kaya naman, narito ang gamot sa pamamanas ng paa para sa mga buntis. | Lead image from iStock
Problema mo rin ba ngayon ang pamamaga ng paa habang ikaw ay buntis? Don’t worry mga moms dahil parte na ito ng pregnancy journey mo. Ngunit hindi pa rin natin maaalis ang katotohanang, uncomfortable ang pamamaga ng paa. Kaya naman, narito ang gamot sa pamamanas ng paa para sa mga buntis.
Ano ang dahilan ng pamamanas ng paa sa buntis?
Pagpasok ng isang babae sa kaniyang pregnancy journey, marami na ang kailangang asahan na pagbabago. Nangyayari ang pamamanas o pamamag ng paa dahil ang katawan ng buntis na babae ay naglalabas ng dobleng fluid na makakatulong sa paglaki ng sanggol. Habang ang circulation naman ay bumabagal.
Sa paglaki ng sanggol sa tiyan ng isang babae, tumitindi ang pressure na nararamdaman ng ina sa kaniyang binti at mga ugat dito. Kaya ito ang nagiging dahilan ng pamamaga ng kanilang mga paa.
Narito ang iba pang mapapansin habang namamaga ang paa:
- Mas namamaga ng todo kapag gabi o hapon
- Madalas na pamamaga
- Mas namamaga kapag mainit ang panahon
- Nawawala ang pressure kapag nakahiga o nakataas ang paa
Ito naman ang nakakapag padagdag ng pamamanas ng paa sa buntis:
- Hindi pag-inom ng sapat na tubig
- Pagtayo ng matagal na oras
- Mainit na panahon
- Pag-inom ng kape
- Hindi balanseng pagkain
8 gamot sa pamamanas ng paa ng buntis (home remedies)
Kung sakaling namamaga ang iyong paa, narito ang mga kailangang mong gawin sa bahay.
1. Pag-inom ng tubig
May isang buhay kana sa iyong tiyan ang pinapalaki. Kaya naman kinakailangan mong uminom ng at least sampung baso ng tubig araw-araw para na rin mabawasan ang pamamaga ng iyong paa. Makakatulong ito para mapanatili na ikaw ay hydrated.
Maaari ka ring maglagay ng lemon o berry sa iyong tubig para saa dagdag flavor.
2. Magsuot ng komportable at maluwag na damit
Kinakailangan mong magsuot ng maluwag at komportableng damit sa pang araw-araw. Dahil lumalaki na ang iyong tiyan, sumisikip na rin ang iyong mga damit. Ang masikip na damit sa bewang o bukong-bukong ay dahilan ng pagiging malala ng pamamanas. Napipigilan nito ang pagdaloy ng maayos ng dugo ng nanay.
3. Bawasan o ‘wag uminom ng kape
Hindi nirerekomenda ng mga doktor ang madalas na pag-inom ng buntis ng kape. Hindi kasi ito makabubuti sa baby at magiging grabe lang ang pamamanas ng iyong paa.
Uminom na lamang muna ng gatas o herbal tea bilang alternatibong inumin sa kape.
4. Kumain ng pagkain na mataas sa potassium
Nakakatulong ang potassium sa mga buntis bilang pang balanse ng mga fluid sa loob ng kanilang katawan. Maaaring makuha sa prenatal vitamin ang potassium o sa iba’t-ibang pagkain na mayaman dito katulad ng:
- Yogurt
- Saging
- Spinach
- Patatas na may abalat
- Kamote na may balat
- Beans
- Orange juice
- Carrot juice
5. Iwasan ang maaalat na pagkain
Makakatulong sa pamamanas ng paa ng buntis ang pagbabawas nito ng sodum na kinakain o maaalat na pagkain. Iwasan muna ang pagkain ng mga de lata o processed foods habang buntis.
Maaaring gumamit ng ibang alternatibong pampalasa katulad ng oregano, rosemary at iba imbes na asin.
6. Itaas ang iyong paa
Habang buntis, iwasan muna ang pagtayo ng matagal na oras. Makakatulong ang pagtaas ng paa habang naka-upo para mabawasan ang pamamaga nito.
7. Paglalakad
Kinakailangan mo ring maglakad-lakad habang ikaw ay buntis. Ugaliin na maglakad sa umaga ng lima hanggang sampung minuto. Makakatulong ito para mapaganda ang circulation ng dugo ng nanay.
8. Matulog sa iyong side
Kinakailangan na ugaliin ng mga nanay ang pagtulog sa kanilang kaliwang bahagi. Marami ang benepisyong taglay ng “sleep on side” sa iyong 3rd trimester. Ito rin ay may acronym na S.O.S na ibig sabihin ay Save Our Souls. Makakaiwas ito sa pagiging stilllbirth ni baby.
Source:
BASAHIN:
Ugat sa binti: Sanhi, sintomas at paraan para mawala ito
Safe sleeping positions ng buntis sa bawat trimester
14 na natural na solusyon para mawala ang pamamanas ng paa
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- Pamamanas ng paa ng buntis: 14 na natural na solusyon para mawala ito
- Pamamaga ng paa: Sanhi, gamot, at home remedy para dito
- Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."