Tuwing tag-ulan, dumarami ang mga insekto na madalas mamugad sa paligid ng ating mga kabahayan. Nariyan ang lamok, langaw, ipis, bubuyog, garapata, at kung anu-ano pa na madalas makita sa loob at labas ng bahay. Karaniwan sa mga kagat ng mga insektong ito ay nag-iiwan ng pantal sa balat. Kaya naman karamihan sa atin ay naghahanap ng gamot sa pantal para hindi mag-iwan ng marka o magsugat ang balat na kinagatan.
At kung wala ka pang nahanap na gamot na maaaring ipahid sa kagat ng insekto, kami na ang bahala sa’yo. Alamin ang aming recommended brands na perfect para sa buong pamilya. Plus, kumuha ng iba’t ibang tips at home remedies para sa mga pantal sa katawan.
Talaan ng Nilalaman
Mga sintomas ng pagkakaroon ng kagat at pantal ng mga insekto
Kapag kinagat ka ng insekto, madalas ito ay iyong maramdaman dahil sa sakit na dulot nito sa iyong balat. Ngunit, madalas na hindi tayo aware o hindi natin nabibigyan ng pansin kapag tayo ay nakakagat. Narito ang ilan sa mga sintomas na madalas makita o maramdaman pagkatapos makagat ng mga insekto.
- pamamaga ng balat
- pamumula at pagkakaroon ng pantal
- sakit sa parte na kinagatan
- pangangati sa balat
- mainit na pakiramdaman sa balat o mahapdi
- pamamanhid ng balat o muscle sa parte ng kinagatan
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga sintomas na nangangailangan ng agarang lunas:
- lagnat
- hirap sa paghinga
- pagkahilo at pagsusuka
- panlalambot ng katawan o trangkaso
- mabilis na tibok ng puso
- pamamantal ng labi at lalamunan
- pagkalito
- kawalan ng malay
Paunang gamot sa pantal na dala ng kagat ng insekto
Karaniwan sa kagat ng mga insekto ay nagbubunga lamang ng pamamantal, pamumula, at pangangati sa balat. Hindi ito gaanong nakakabahala. Gawin lamang ilang sa mga hakbang upang maibsan ang mga sintomas na nabanggit.
- Alisin ang stinger o iyong maliit na parte ng katawan ng insekto na iniiwan sa balat pagkatapos nila kumagat.
- Hugasan ang kinagatan ng maligamgam na tubig at mild na sabon.
- Patuyuin at lagyan ng yelo kung may pamamaga.
- Lagyan ng gamot sa pantal katulad ng anti-histamine, topical anti itch cream, o uminom ng oral pain reliever kung kinakailangan.
- Magpakonsulta sa espesyalista kung nakakaramdam ng kakaiba sa katawan.
Best brands ng gamot sa pantal
May mga over-the-counter na produkto ang nakakaalis ng kati at pamamaga sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto. Ang mga ito ay mabibili na hindi na nangangailangan ng prescription ng doktor, subalit, mas maiging magpakonsulta muna bago ito gamitin.
Mama's Choice Baby Skin Vitamin Lotion
|
Buy on Shopee |
Tiny Buds After Bites
Best for babies
|
Bumili sa Shopee |
Benadryl Extra Strength Itch Relief Stick
Best Easy-to-use
|
Bumili sa Shopee |
AVEENO Maximum Strength Anti-itch Cream
Best multipurpose
|
Bumili sa Shopee |
Aveeno Active Naturals, Anti-Itch Concentrated Lotion, 4 fl oz
Best lotion
|
Bumili sa Shopee |
Cortizone-10 Maximum Strength Aloe Anti-itch Creme
Best long-lasting
|
Bumili sa Shopee |
Natureplex Hydrocortisone Cream
Best cream with cooling effect
|
Bumili sa Shopee |
Mama’s Choice Baby Skin Vitamin Lotion
Best for bug bite scars
Bakit ito epektibo?
Ang Mama’s Choice Baby Skin Vitamin Lotion ay nakakatulong hindi lang sa pag-moisturize at pag-nourish ng balat ni baby, pero pati na rin sa pag-lighten ng peklat na naiiwan ng mga kagat ng lamok.
Gawa ito sa mga natural ingredients tulad ng avocado at olive. Meron din itong multivitamins para makatulong na mas maging healthy ang balat ni baby.
Ayon sa mga nanay na nakasubok na ng produktong ito, “nakaka-fade" ito ng scar at hindi malagkit sa balat.
Tiny Buds After Bites
Best for babies
Bakit ito epektibo?
Ang poduktong ito ay isa sa best seller at best recommended by Pediatricians na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto.
Trusted na ito ng karamihan sa ating mga mommy. Mayroon itong Australian Berries na nagtatanggal ng kati at pamumula sa balat. Safe itong gamitin ng buong pamilya.
Maaari rin itong ipahid sa gasgas sa balat, maliit na sugat, at iba pa. Safe ito kahit na ipahid sa mukha dahil ito ay walang parabens, walang petroleum, at anumang harsh chemical.
Benadryl Extra Strength
Best Easy-to-use
Bakit ito epektibo?
Ang Benadryl Extra Strength Itch Relief Stick ay napatunayang mabisa na nakakatanggal ng sakit at pangangati. Mayroon itong 2% na diphenhydramine HCI topical analgesic at 0.1% zinc acetate na pumprotekta sa balat.
Tinatanggal nito kati sa balat na dulot ng kagat ng mga insekto, sunburn, at iba na skin irritation. Ginagamot din nito ang rashes na dala ng poison ivy, poison oak, at poison sumac.
Ang kinagandahan nito ay madali itong dahil kahit saan. Magagamit ito ng mga taong madalas sa outing, hiking, at mountain climbing.
Aveeno Hydrocortisone Anti-itch Cream
Best multipurpose
Bakit ito epektibo?
Ang Aveeno Maximum-Strength ay gawa sa 1% Hydrocortisone Anti-Itch Cream na nagbibigay ng epektibo at matagal na gamot sa pantal na may matinding pangangati.
Ito ay ginawa para sa mga taong nakakaramdam ng pangangati dahil sa skin rashes kabilang na rito ang kagat ng mga insekto. Mayroon din itong aloe vera at Vitamin E para ibalik ang nasirang cells sa balat. Ito rin ay may Triple Oat Complex na epektibo sa dry at makating balat.
Ginagamit ito ng mga taong may eczema, seborrheic dermatitis, psoriasis, kinagat ng insekto, poison ivy, poison oak, poison sumac, soaps, mga may allergy sa detergents, mga allergic sa cosmetics at alahas.
Aveeno Anti-Itch Concentrated Lotion
Best lotion
Bakit ito epektibo?
Ang Aveeno ay trusted brand na ng mga dermatologist dahil sa husay nito. Ang Aveeno Active Naturals, Anti-Itch Concentrated Lotion ay may Calamine at Triple Oat Complex na mabisa sa pagtanggal ng kati.
Nagbibigay ito ng ginhawa sa mga taong nagkaroon ng skin rashes dahil sa poison ivy, poison oak, poison sumac, at kagat ng mga insekto. Ginagamot din nito ang mga taong may allergy sa balat at chicken pox o bulutong.
Cortizone-10 Maximum Strength Aloe Anti-itch Creme
Best long-lasting
Bakit ito epektibo?
Ang Cortizone-10 Maximum Strength Aloe Itch Crème ay nagbibigay na mabili na lunas sa pangangati dahil sa dry skin, skin irritation, rashes, eczema, psoriasis at kagat ng mga insekto.
Mayroon itong aloe vera, vitamin A at vitamin E para maiwasan ang pagkasirang cells sa balat. Ito ay non-greasy kaya naman mabilis itong maa-absorb ng balat. Safe itong gamitin ng bata, mga taong may diabetes, may eczema, psoriasis, at sa may feminine area.
Mayroon itong hydrocortisone na binabarahan ang enzyme na nagdudulot ng pangangati. Mabisa rin itong mag-alis ng pamamaga at pamumula ng balat.
Natureplex Hydrocortisone Cream
Best cream with cooling effect
Bakit ito epektibo?
Katulad ng ibang anti-itch na gamot, mayroon itong 1% na Hydrocortisone para sa pagtanggal ng kati at pamamaga na dulot ng iba’t ibang skin rashes at skin allergies. Ginagamot rin nito ang kati at pantal dahil sa kagat ng mga insekto sa katawan.
Nakakatulong din ang cooling effect na mayroon ito para madaliang maibsan ang pangangati ng balat. Naglalaman din ito ng aloe vera extract kaya naman ito ay nagdudulot ng moisturizing effect sa balat.
Price Comparison Table
Brands | Pack size | Price | Price per g or ml |
Tiny Buds | 20 g | Php 185.00 | Php 9.25 |
Benadryl | 14 ml | Php 399.00 | Php 28.50 |
Aveeno (cream) | 28 g | Php 480.00 | Php 17.14 |
Aveeno (lotion) | 118 ml | Php 549.00 | Php 4.65 |
Cortizone-10 | 56 g | Php 695.00 | Php 12.41 |
Natureplex | 28 g | Php 210.00 | Php 7.50 |
Tips para maiwasan ang kagat ng mga insekto
Maraming paraan para maiwasan natin ang pagkagat sa atin ng mga insekto. Gawin lamang ang mga sumusunod na para maiwasan natin pamugaran ang ating loob o labas ng bahay ng anumang insekto.
-
Paglilinis ng loob at labas ng bahay
Ugaliing linisin ang mga lugar na posibleng pamugaran ng mga insekto lalo na ang lamok. Alisin ang mga nakatambak na gamit sa paligid. Gumamit ng disinfectant na safe sa bata. Ang paglilinis ang isa sa mga paraan na epektibo sa pagpuksa ng mga insekto.
-
Paggamit ng safe na insecticide
Gumamit ng insecticide na gawa sa natural na sangkap. May mga insecticide na binebenta sa merkado na safe at gawa sa citronella oil.
-
Linisan ang bintana at alulod ng bahay
Ang mga lugar na ito ang madalas ding pamugaran ng mga insekto. Linisan ito palagi at siguraduhing walang stock na tubig. Kung may sapat na budget, magpalagay ng screen sa bintana para hindi makapasok ang insekto na galing sa labas.
-
Takpan ang mga pagkain
Isa sa mga nakakaakit sa mga insekto ay ang amoy ng pagkain. Takpan o ilagay sa maayos lalagyan ang mga pagkain lalo na kung ito ay nabuksan na. Nakabubuting ilagay sa ref o gumamit ng air tight container ang mga pagkain na madalas gapangan ng insekto o pamugaran.
-
Magsuot ng light colors na damit
Ang mga dark colors na tela lalo na ang kulay black ay madaling makaakit sa mga insekto. Kaya pinapayuhan lalo na kapag summer ang pagsusuot ng light colors na damit kung lalabas ng bahay.
-
Iwasan ang paglalagay ng lotion o pabango na may matamis na amoy
Ang mga may sweet scent na mga pabango o lotion ay nakakaakit sa mga insekto lalo na ang bubuyog. Ang taong madalas gumamit nito, at pinagpawisan ay lapitin ng mga insekto.
-
Magsuot ng overall na damit kapag pupunta sa gubat o bundok
Dahil hindi maiwasan na kagatin ang mga insekto ang mga taong madalas maghiking o umakyat sa bundok. Makabubuting magsuot ng overall na damit upang maprotektahan ang iyong sarili.
-
Iwasan ang pagsusuot ng floral pattern na damit kung mamamasyal sa farm
Kadalasan ng mga farm ay may mga naninirahan na mga insekto lalo na mga bubuyog. Maiiwasan na makagat ng bubuyog kung hindi ka magsusuot ng floral na damit. Sapagkat nakakahalina ito sa kanilang mga mata.
-
Maglagay ng insect repellant
Kung hindi maiiwasan na pumunta sa isang lugar na tila alanganin, maglagay ng insect repellant na gawa sa natural ingredients. Maaari ring gumamit ng sticker na mayroong repellant oil.
-
Bumili ng electric bug killer
Kung hindi maiwasan ang mga insekto na pumasok sa loob ng bahay, may mga nabibiling electric bug killer. Siguraduhin lamang na ilagay ito sa mataas na bahagi at hindi naaabot ng bata. Attracted ang mga insekto sa ilaw nito kaya madali itong makakahuli at makakapatay ng mga insekto.
Home remedies bilang gamot sa pantal
May mga home remedies sa pantal na maaaring gamitin upang maibsan ito pansamantala. Madalas makita ang mga ito sa inyong mga bahay.
-
Oatmeal
Ang oatmeal ay kilala na pantanggal ng kati na dulot ng rashes. May anti-inflammatory properties din ito. Mabisa itong pangtanggal na pamamaga at pangangati sa pantal na dulot ng kagat ng insekto.
Maglagay lamang ng 1-part ng oatmeal at 1 part ng tubig. Haluin at ipahid sa parte na may pantal. Hayaan ito sa loon ng 10 minuto bago punasan.
-
Yelo
Ang malamig na temperature ay nakakaalis ng pamamaga ng pantal. Bukod pa rito, nagbibigay rin ito ng samantalang pamamanhid upang hindi maramdaman ang sakit at kati. Maglagay ng yelo sa isang malinis na towel, at ilagay ito sa parte ng pantal sa loob ng tatlong minute lamang.
-
Aloe vera
Ang aloe vera ay may anti-inflammatory properties na nakakagaling ng sugat at nakakatulong upang maiwasan ang impeksyon sa balat. Kaya naman mabisa rin ito na pantanggal ng pantal sa katawan. Maglagay lamang ng katas ng aloe vera sa parte ng pantal. Maglagay ng apat na beses sa magdamag.
-
Baking soda
Maraming gamit ang baking soda, hindi lamang sa pagluluto, maging sa paglilinis at pagtanggal ng pantal. Gumawa lamang ng paste gamit ang baking soda at tubig. Ipahid sa kagat ng insekto at hayaan sa loob ng sampung minute bago banlawan.
-
Vinegar
Ang vinegar o suka ay isang acid kaya naman nakakatanggal ito ng pangangati na dulot ng kagat ng mga insekto sa katawan. Maglagay ng suka sa isang malinis na cotton pad at ipahid sa pantal. Punasan makalipas ang 10 minuto. Kung nahahapdian ang balat, huwag gamitin.
-
Garlic
Ang garlic hindi lamang nagbibigay ng lasa sa ating mga lutuin, ito rin nakakagamot sa pantal sa balat. Paghaluin ang dinikdik na bawang at virgin coconut oil sa isang lalagyan. Ipahid ang katas nito sa pantal at punasan pagkatapos ng sampung minuto.