X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Gamot Sa Sipon: Best Fast-Acting Brands Na Mabibili Online

Malaking tulong ang mga gamot sa sipon upang malunasan ang baradong ilong. Alamin dito ang ilan sa mga best brands na mabibili online!

Ngayong tag-ulan, uso na naman ang pagkakaroon ng sipon. Bukod sa mahinang resistensya, ang malamig at pabago-bagong panahon ay ilan pa sa dahilan nito. Mabigat sa pakiramdam ang pagkakaroon ng sipon. Madalas ay magiging iritable ka pa dahil kakambal nito ang pagkakaroon ng baradong ilong.

Malaking tulong ang mga gamot sa sipon na maaari mong mabili sa market upang guminhawa ang iyong pakiramdam. At kung naghahanap ka ng brands na fast-acting at effective sa pagpapagaling ng sipon, tignan ang aming recommended brands!

Patuloy na magbasa at alamin kung ang aming tips upang malunasan ang sipon.

Talaan ng Nilalaman

  • How to choose
  • Best brands
  • Neozep
  • Disudrin Drops
  • Vicks Formula 44
  • Tuseran Forte
  • Vicks Vaporub
  • Axe Brand Universal Oil
  • Prices
  • Health tips

Paano pumili ng gamot sa sipon

gamot sa sipon

Gamot Sa Sipon: Best Fast-Acting Brands Na Mabibili Online

Ingredients

Bago bumili o uminom ng gamot sa sipon, ugaliing i-check ang ingredients nito. Maaari kasing may mga ingredients na bawal sa iyo o di kaya ay bawal na isabay sa iba pang iniinom na gamot.

Para kanino

May mga gamot sa sipon na specially formulated for babies, kids at adults. Mayroon ding puwede at bawal sa mga babaeng nagdadalang tao. Kaya naman bago bumili, mas makakabuting magresearch para malaman kung akma ba sa taong iinom ng gamot ang iyong bibilhin.

Kumonsulta sa doctor

Kung ang sipon ay tumagal na ng isang linggo o di kaya ito ay malubha na, mas mainam na kumonsulta sa doctor. Mainam na masuri ng espesyalista upang malaman kung ano ang sanhi ng matagal na sipon. Maaari kasing ito ay isang uri na ng infection. Sa pagkonsulta sa doctor, malalaman mo kung ano ang tamang gamot para sa iyong karamdaman.

Best brands ng gamot sa sipon

Gamot sa sipon
product image
Neozep
Most Trusted
more info icon
View Details
Buy Now
product image
Vicks Formula 44
Best Syrup for Kids and Adults
more info icon
View Details
Buy Now
product image
Tuseran Forte
Best for Cough and Colds
more info icon
View Details
Buy Now
product image
Vicks Vaporub
Best Oinment
more info icon
View Details
Buy Now
product image
Axe Brand Universal Oil
Best Oil
more info icon
View Details
Buy Now

Neozep

Most Trusted

Neozep - Most Trusted

Gamot Sa Sipon: Best Fast-Acting Brands Na Mabibili Online | Neozep

Isa sa pinaka kilala at pinagkakatiwalaang brands ng gamot sa sipon ang Neozep. Mula noon, hanggang ngayon, ito pa rin ang madalas binibili ng mga tao sa botika para lunasan ang kanilang sipon. Fast-acting kasi ito at sa loob ng 15 minuto ay kayang ibsan ang baradong ilong. Ito ay dahil sa mayroon itong Phenylephrine HCl na isang nasal decongestant.

Karagdagan, anti-allergy rin ang gamot na ito at kayang pakalmahin ang nangangating ilong, pagbahing at tuloy-tuloy na daloy ng sipon. Masasabi nga rin na complete relief din ito para sa iba pang sintomas ng sipon. Nakakatulong din kasi ang Neozep maibsan ang pananakit ng ulo at katawan. Mas lalo mo pa itong magugustuhan dahil non-drowsy na ang formulation nito.

Features we love:

  • Most trusted brand ng gamot sa sipon
  • Works in as fast as 15 minutes
  • Non-drowsy

Neozep - ₱70

product imageBuy Now
product imageBuy Now

Disudrin Drops

Best for Babies

Disudrin Drops - Best for Babies

Gamot Sa Sipon: Best Fast-Acting Brands Na Mabibili Online | Disudrin

Napakahirap nga naman kapag sipon ang nagkakasipon. Palagi siyang iritable, iyak nang iyak at kung minsan ay nilalagnat pa. Kaya naman malaking tulong ang Disudrin para sa sipon ng iyong little one. Ang brand na ito ang kadalasang nirereseta ng mga Pediatricians para sa mga babies na may sipon at baradong ilong.

Hindi nakakapagtaka kung bakit trusted brand ito ng mga parents. Ang gamot kasi na ito ay epektibong nasal decongestant dahil sa Phenylephrine HCl content nito. Mayroon din itong Chlorphenamine Maleate na isang anti-allegy ingredient na kayang ibsan ang sintomas ng allergy gaya ng pagbahing, runny nose at watery eyes.

Higit pa riyan, specially formulated ito for babies kaya makakasigurado kang ligtas ito. May masarap na orange flavor din ito kaya naman hindi ka mahihirapan na ipainom nito sa iyong anak.

Features we love:

  • Specially formulated for babies
  • Recommended by Pediatricians
  • Anti-allergy
  • May masarap na orange flavor

Vicks Formula 44

Best Syrup for Kids and Adults

Vicks Formula 44 - Best Syrup for Kids and Adults

Gamot Sa Sipon: Best Fast-Acting Brands Na Mabibili Online | Vicks Formula 44

Kilala ang Vicks sa kanilang menthol ointment. Ngunit ngayon, nakagawa na rin sila ng gamot in syrup form na puwede para sa mga batang 6 years old pataas at matatanda. Ang Vicks Formula 44 ay magandang lunas para sa dry cough at sipon. Nagtataglay ito ng Dextromethorphan Hydrobromide na isang cough suppressant.

Bukod pa rito, kaya ng vicks lunasan ang makating lalamunan dulot ng ubo at sipon. Nagbibigay ito ng long-lasting relief na umaabot hanggang 8 hours.

Features we love:

  • Lunas para sa sipon at dry cough
  • Para sa bata at matanda
  • Long-lasting relief

Vicks Formula 44 - ₱177

product imageBuy Now
product imageBuy Now

Tuseran Forte

Best for Cough and Colds

Tuseran Forte - Best for Cough and Colds

Gamot Sa Sipon: Best Fast-Acting Brands Na Mabibili Online | Tuseran

Isa pa sa trusted brands para sa gamot sa ubo’t sipon ay ang Tuseran. Ang Tuseran Forte ay mabisa sa pagpapagaling hindi lamang ng ubo at sipon kundi maging ng kakambal nitong sakit ng ulo. Naglalaman din kasi ito ng Paracetamol na epektibong panglunas ng lagnat at sakit ng katawan na dulot ng ubo at sipon.

Higit pa riyan, fast-acting din ito at kayang magbigay ng relief sa ubo, sipon at sakit ng ulo sa loob ng 15 minutes. At tumatagal ang epekto nito sa loob ng 6 na oras.

Features we love:

  • Para sa ubo at sipon
  • May paracetamol para sa sakit ng ulo, lagnat at body pain
  • Fast-acting at long-lasting

Tuseran Forte - ₱144

product imageBuy Now
product imageBuy Now

Vicks Vaporub

Best Ointment

Vicks Vaporub - Best ointment

Gamot Sa Sipon: Best Fast-Acting Brands Na Mabibili Online | Vicks

Subok na ng maraming parents ang Vicks Vaporub. Mula noon, hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong ginagamit upang maibsan ang baradong ilong dulot ng sipon. Malaking tulong din ito para sa ubo, pananakit ng katawan at ulo.

Karagdagan, ang ointment na ito ay naglalaman ng Camphor at Menthol na effective ingredients para maibsan ang baradong ilong at mapakalma ang ubo. Temporary relief lamang ang naibibigay ng Vicks Vaporub ngunit ito rin ay fast-acting at maaaring gamitin sa mga batang may edad 2 years old pataas.

Features we love:

  • Topical relief for cough and colds
  • Para sa body pain at headache
  • Safe para sa bata na may edad 2 years old pataas

Vicks Vaporub - ₱229

product imageBuy Now
product imageBuy Now

Axe Brand Universal Oil

Best Oil

Axe Brand Universal Oil - Best Oil

Gamot Sa Sipon: Best Fast-Acting Brands Na Mabibili Online | Axe Brand

Maganda rin ang Axe Brand Universal Oil para sa sipon at baradong ilong. Quick relief ito hindi lamang sa sipon kundi maging sa sakit ng ulo. Mayroon itong formulation na nagtataglay ng menthol at eucalyptus na kayang ibsan ang iba pang body discomfort gaya ng sakit sa tyan, insect bites at pananakit ng katawan.

Mild lamang ito at hindi matapang ang amoy. Naglalaman din ito ng lavender oil na gentle at moisturizing sa balat. Maaari itong gamitin sa mga bata na may edad 3 years old at pataas.

Features we love:

  • Quick relief oil para sa sipon
  • Effective rin gamitin para sa iba pang body discomfort
  • Moisturizing sa balat

Axe Brand Universal Oil - ₱350

product imageBuy Now
product imageBuy Now

Price Comparison Table

Brand Pack size Price
Neozep 10 tablets Php 70.00
Disudrin 10 ml Php 131.00
Vicks Formula 44 100 ml Php 177.00
Vicks Vaporub 50 g Php 229.00
Tuseran 12 tablets Php 144.00
Axe Brand 56 ml Php 350.00

Tips para malunasan ang sipon

  • Magkaroon ng sapat na pahinga at tulog.
  • Uminom ng maraming tubig. Kung maaari, 10 hanggang 12 baso sa isang araw.
  • Kumain ng masusustansyang pagkain.
  • Humigop ng mainit na sabaw.
  • Kung makati ang lalamunan o may dry cough, magmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Maaari ring gumamit ng mga gargle na specially formulated para sa makating lalamunan.
  • Kapag barado ang ilong, maaaring gumamit ng saline sprays or nasal drops.

 

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng sipon, malaking tulong din ang pagpapalakas ng iyong resistensya sa tulong ng pag-eehersisyo at pag inom ng vitamins. Ugaliin ding magbaon ng payong o di kaya ay raincoat para maging handa kapag umulan.

Editor's note: The product links provided here are aimed to help simplify product searches for our readers. Purchase the items at your own discretion. We do not take liability for any transaction issues and dispute. If you purchase an item from this post, theAsianparent may receive a small cut. Each item and price is up to date at the time of publication; however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
img

Sinulat ni

Jeremy Joyce Almario

I-share ang article

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community saiOS oAndroid!

  • 5 bagay na dapat mong malaman tungkol sa Japanese Encephalitis

    5 bagay na dapat mong malaman tungkol sa Japanese Encephalitis

  • Mamaso o Impetigo: Paano ba nakukuha ang sakit na ito?

    Mamaso o Impetigo: Paano ba nakukuha ang sakit na ito?

  • Warning ni Dok: "Puwedeng magkaroon ng pulmonya ang bata kahit masigla siya"

    Warning ni Dok: "Puwedeng magkaroon ng pulmonya ang bata kahit masigla siya"

  • 5 bagay na dapat mong malaman tungkol sa Japanese Encephalitis

    5 bagay na dapat mong malaman tungkol sa Japanese Encephalitis

  • Mamaso o Impetigo: Paano ba nakukuha ang sakit na ito?

    Mamaso o Impetigo: Paano ba nakukuha ang sakit na ito?

  • Warning ni Dok: "Puwedeng magkaroon ng pulmonya ang bata kahit masigla siya"

    Warning ni Dok: "Puwedeng magkaroon ng pulmonya ang bata kahit masigla siya"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko