Ngayong tag-ulan, uso na naman ang pagkakaroon ng sipon. Bukod sa mahinang resistensya, ang malamig at pabago-bagong panahon ay ilan pa sa dahilan nito. Mabigat sa pakiramdam ang pagkakaroon ng sipon. Madalas ay magiging iritable ka pa dahil kakambal nito ang pagkakaroon ng baradong ilong.
Malaking tulong ang mga gamot sa sipon na maaari mong mabili sa market upang guminhawa ang iyong pakiramdam. At kung naghahanap ka ng brands na fast-acting at effective sa pagpapagaling ng sipon, tignan ang aming recommended brands!
Patuloy na magbasa at alamin kung ang aming tips upang malunasan ang sipon.
Talaan ng Nilalaman
Paano pumili ng gamot sa sipon
Ingredients
Bago bumili o uminom ng gamot sa sipon, ugaliing i-check ang ingredients nito. Maaari kasing may mga ingredients na bawal sa iyo o di kaya ay bawal na isabay sa iba pang iniinom na gamot.
Para kanino
May mga gamot sa sipon na specially formulated for babies, kids at adults. Mayroon ding puwede at bawal sa mga babaeng nagdadalang tao. Kaya naman bago bumili, mas makakabuting magresearch para malaman kung akma ba sa taong iinom ng gamot ang iyong bibilhin.
Kumonsulta sa doctor
Kung ang sipon ay tumagal na ng isang linggo o di kaya ito ay malubha na, mas mainam na kumonsulta sa doctor. Mainam na masuri ng espesyalista upang malaman kung ano ang sanhi ng matagal na sipon. Maaari kasing ito ay isang uri na ng infection. Sa pagkonsulta sa doctor, malalaman mo kung ano ang tamang gamot para sa iyong karamdaman.
Best brands ng gamot sa sipon
Neozep
Most Trusted
Isa sa pinaka kilala at pinagkakatiwalaang brands ng gamot sa sipon ang Neozep. Mula noon, hanggang ngayon, ito pa rin ang madalas binibili ng mga tao sa botika para lunasan ang kanilang sipon. Fast-acting kasi ito at sa loob ng 15 minuto ay kayang ibsan ang baradong ilong. Ito ay dahil sa mayroon itong Phenylephrine HCl na isang nasal decongestant.
Karagdagan, anti-allergy rin ang gamot na ito at kayang pakalmahin ang nangangating ilong, pagbahing at tuloy-tuloy na daloy ng sipon. Masasabi nga rin na complete relief din ito para sa iba pang sintomas ng sipon. Nakakatulong din kasi ang Neozep maibsan ang pananakit ng ulo at katawan. Mas lalo mo pa itong magugustuhan dahil non-drowsy na ang formulation nito.
Features we love:
- Most trusted brand ng gamot sa sipon
- Works in as fast as 15 minutes
- Non-drowsy
Disudrin Drops
Best for Babies
Napakahirap nga naman kapag sipon ang nagkakasipon. Palagi siyang iritable, iyak nang iyak at kung minsan ay nilalagnat pa. Kaya naman malaking tulong ang Disudrin para sa sipon ng iyong little one. Ang brand na ito ang kadalasang nirereseta ng mga Pediatricians para sa mga babies na may sipon at baradong ilong.
Hindi nakakapagtaka kung bakit trusted brand ito ng mga parents. Ang gamot kasi na ito ay epektibong nasal decongestant dahil sa Phenylephrine HCl content nito. Mayroon din itong Chlorphenamine Maleate na isang anti-allegy ingredient na kayang ibsan ang sintomas ng allergy gaya ng pagbahing, runny nose at watery eyes.
Higit pa riyan, specially formulated ito for babies kaya makakasigurado kang ligtas ito. May masarap na orange flavor din ito kaya naman hindi ka mahihirapan na ipainom nito sa iyong anak.
Features we love:
- Specially formulated for babies
- Recommended by Pediatricians
- Anti-allergy
- May masarap na orange flavor
Vicks Formula 44
Best Syrup for Kids and Adults
Kilala ang Vicks sa kanilang menthol ointment. Ngunit ngayon, nakagawa na rin sila ng gamot in syrup form na puwede para sa mga batang 6 years old pataas at matatanda. Ang Vicks Formula 44 ay magandang lunas para sa dry cough at sipon. Nagtataglay ito ng Dextromethorphan Hydrobromide na isang cough suppressant.
Bukod pa rito, kaya ng vicks lunasan ang makating lalamunan dulot ng ubo at sipon. Nagbibigay ito ng long-lasting relief na umaabot hanggang 8 hours.
Features we love:
- Lunas para sa sipon at dry cough
- Para sa bata at matanda
- Long-lasting relief
Tuseran Forte
Best for Cough and Colds
Isa pa sa trusted brands para sa gamot sa ubo’t sipon ay ang Tuseran. Ang Tuseran Forte ay mabisa sa pagpapagaling hindi lamang ng ubo at sipon kundi maging ng kakambal nitong sakit ng ulo. Naglalaman din kasi ito ng Paracetamol na epektibong panglunas ng lagnat at sakit ng katawan na dulot ng ubo at sipon.
Higit pa riyan, fast-acting din ito at kayang magbigay ng relief sa ubo, sipon at sakit ng ulo sa loob ng 15 minutes. At tumatagal ang epekto nito sa loob ng 6 na oras.
Features we love:
- Para sa ubo at sipon
- May paracetamol para sa sakit ng ulo, lagnat at body pain
- Fast-acting at long-lasting
Vicks Vaporub
Best Ointment
Subok na ng maraming parents ang Vicks Vaporub. Mula noon, hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong ginagamit upang maibsan ang baradong ilong dulot ng sipon. Malaking tulong din ito para sa ubo, pananakit ng katawan at ulo.
Karagdagan, ang ointment na ito ay naglalaman ng Camphor at Menthol na effective ingredients para maibsan ang baradong ilong at mapakalma ang ubo. Temporary relief lamang ang naibibigay ng Vicks Vaporub ngunit ito rin ay fast-acting at maaaring gamitin sa mga batang may edad 2 years old pataas.
Features we love:
- Topical relief for cough and colds
- Para sa body pain at headache
- Safe para sa bata na may edad 2 years old pataas
Axe Brand Universal Oil
Best Oil
Maganda rin ang Axe Brand Universal Oil para sa sipon at baradong ilong. Quick relief ito hindi lamang sa sipon kundi maging sa sakit ng ulo. Mayroon itong formulation na nagtataglay ng menthol at eucalyptus na kayang ibsan ang iba pang body discomfort gaya ng sakit sa tyan, insect bites at pananakit ng katawan.
Mild lamang ito at hindi matapang ang amoy. Naglalaman din ito ng lavender oil na gentle at moisturizing sa balat. Maaari itong gamitin sa mga bata na may edad 3 years old at pataas.
Features we love:
- Quick relief oil para sa sipon
- Effective rin gamitin para sa iba pang body discomfort
- Moisturizing sa balat
Price Comparison Table
Brand | Pack size | Price |
Neozep | 10 tablets | Php 70.00 |
Disudrin | 10 ml | Php 131.00 |
Vicks Formula 44 | 100 ml | Php 177.00 |
Vicks Vaporub | 50 g | Php 229.00 |
Tuseran | 12 tablets | Php 144.00 |
Axe Brand | 56 ml | Php 350.00 |
Tips para malunasan ang sipon
- Magkaroon ng sapat na pahinga at tulog.
- Uminom ng maraming tubig. Kung maaari, 10 hanggang 12 baso sa isang araw.
- Kumain ng masusustansyang pagkain.
- Humigop ng mainit na sabaw.
- Kung makati ang lalamunan o may dry cough, magmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Maaari ring gumamit ng mga gargle na specially formulated para sa makating lalamunan.
- Kapag barado ang ilong, maaaring gumamit ng saline sprays or nasal drops.
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng sipon, malaking tulong din ang pagpapalakas ng iyong resistensya sa tulong ng pag-eehersisyo at pag inom ng vitamins. Ugaliin ding magbaon ng payong o di kaya ay raincoat para maging handa kapag umulan.