Ang mga aso’y tinaguriang ‘man’s bestfriend’ marami sa atin ang may mga alagang aso pero alam niyo ba ang garapata ng aso ay maaaring magdulot ng panganib sa iyong anak? Ganito na lang ang nangyari sa isang 4 na taong gulang na bata na muntik nang mabingi dahil sa garapata sa bahay.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang panganib na dala ng garapata ng mga aso
- Mga sakit na pwedeng makuha sa mga garapata ng aso
- Paano ito maiiwasan na magkaroon ng garapata ang inyong alagang aso
Saan ba nanggaling ang garapata? Ito raw ay galing sa kaniyang best friend na aso. Paano kaya ito nangyari, at nasa panganib ba ang mga anak mo kung may alaga kayong aso?
Garapata ng aso, mapanganib ba ito?
Alam niyo ba na hindi insekto ang mga garapata? Ang mga garapata, o tick, ay kapamilya ng mga gagamba. Madalas silang nakikitang nakadikit sa balat ng mga hayop habang humihigop ng dugo. Ngunit paminsan, posible rin silang dumikit sa mga tao, at higupin ang dugo natin!
Ito na lang ang nangyari sa 4 na taong gulang na si AJ, nang pumasok sa tenga niya ang isang garapata mula sa kanilang alagang si Yuki.
Akala ni AJ ay gagamba ang pumasok sa tenga niya
Nagulat na lang umano ang ama ni AJ nang sinabi sa kaniya na tanggalin umano ang “spider” sa tenga niya. Akala ng nanay ni AJ na nagbibiro lang ang bata. Ngunit pagsilip nila sa tenga, nagulat silang mayroong garapata sa tenga ng bata.
Ang garapata pumunta sa tenga ng bata na galing sa alaga nilang aso na si Yuki. Sa tingin ng ina ni AJ, baka raw nakuha ng alaga sa ibang aso ang garapata dahil inilalabas umano nila ito sa bahay kapag dudumi o iihi.
Sa kabutihang palad, natanggal ng tatay ni AJ ang garapata sa tenga ng bata.
BASAHIN:
LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby
Ano ang epekto ng kagat ng garapata?
Kapag ang mga tao’y nakagat ng garapata, posible silang magkaroon ng pangangati, rashes, at minsan allergic reaction na posibleng maging nakamamatay.
Ang mga garapata ay nagiging sanhi rin ng lyme disease na sanhi ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, at matinding pagod. Bukod dito, sanhi rin ito ng babeosis, rocky mountain fever, at ehrlichiosis. May posibilidad din na magkaroon ng blood parasites kapag nakagat ng mga garapata.
Hinding-hindi rin dapat pinipisa ang mga garapata dahil lalo lang kakalat ang mga itlog ng garapata. Mas mabuti umano na kapag nakuha na ang garapata, ilagay ito sa fabric conditioner, bleach, o kaya gaas upang mapatay ang mga ito.
Mabuti ring bumili ng anti-tick soap at ng anti-tick medicine na ipinapahid sa balat ng aso. Upang matanggal ang mga garapata ng inyong alaga.
Importante ring panatilihing malinis ang paligid upang hindi kumalat ang mga garapata ng aso. Bukod dito, nakakatulong din na huwag masyadong ilabas ang iyong alagang aso upang hindi sila mahawa ng garapata mula sa ibang aso at hindi magkaroon ng garapata sa bahay niyo.
Mga sakit na maaaring makuha sa garapata ng aso
1. Lyme disease
Ito ang pinakakilalang sakit na maaari mong makuha sa kagat ng garapata. Ang sintomas nito’y mga rashes, lagnat, headache at fatigue. Kung hindi ito maaagapan agad maaari itong magdulot ng serious complication sa nervous system ng isang tao.
2. Ehrlichiosis
Ito ay sanhi rin ng garapata sa bahay at ng aso. Ang mga sintomas nito’y pananakit ng katawan hanggang sa magkaroon ng malalang lagnat.
3. Rocky Mountain spotted fever
4. Tularemia
Paano maiiwasan ang garapata?
Kung may alagang aso, panatilihin lamang ang kalinisan sa kanya. Paliguan araw-araw at makabubuti kung gagamit ng sabon na pang-iwas sa mga garapata. Iwasan din ang pagtambay ng mga aso sa malupa at maduming lugar. Dito kasi nakatira ang mga garapatang maaaring dumikit sa balahibo ng aso. Kung patatagalin at hindi paliliguan ang mga ito, maaaring dumami agad ito at mag sanhi ng galis sa aso.
Source: GMA News
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.