#AskDok: Ano ang kaibahan ng gatas na pang baby, toddler, at pre-schooler?

Ayon sa experts dapat na painumin ang iyong anak ng gatas na angkop sa kaniyang edad. Bakit nga ba ito mahalaga? Alamin dito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gatas para sa baby, ano nga ba ang angkop na gatas para sa kaniya habang siya ay lumalaki?

Ayon sa WHO at UNICEF, ang breastfeeding ay inirerekumenda mula pagkasilang hanggang sa mag-dalawang taong gulang ang isang bata. Ngunit may mga pagkakataon na hindi ito naibibigay ng isang ina sa kaniyang anak. Sa ganitong pagkakataon ang ilan sa atin ay binibigyan na ng formula milk ang isang sanggol na tanggap at sinasang-ayunan naman ng mga doktor. Pero hindi ito nangahuhulugan na kahit anong formula milk ay pupuwede na. Dapat ito ay angkop sa edad o age-appropriate sa isang sanggol. Ngunit bakit nga ba mahalaga ito?

Ano ba ang kaibahan ng gatas na pang-baby, pang toddler at pang preschooler? Sa isang interview ng theAsianparent Philippines ay sinagot ang mga tanong na ito ni Dra. Ma. Theresa Jimenez sa ginanap na Lactum 3+ #Bibo Panalo Moments talk noong Oct. 27 sa Adventure Zone, Shangri-la at the Fort, Taguig. Si Dra. Jimenez ay isang pediatrician mula sa Delos Santos Medical Center.

Larawan mula sa Freepik

Pagpapainom ng age-appropriate na gatas para sa baby

“Yung age-appropriate kasi kaya siya sinabing age-appropriate kasi it is the nutrients needed by that particular age group. Halimbawa, iba yung levels of nutrients ng babies, actually 0-6 iba na, 6-12 iba na, 1-3 iba narin. Kasi yung mga levels ng nutrients doon, they make sure na ito yung sasagot sa pangangailangan ng body ng bata at that particular age.”

Ito ang paliwanag ni Dra. Jimenez na idiniin kung gaano kahalaga ang pagbibigay ng gatas para sa baby na tugma sa edad niya.

“We make sure that we supplement the right amount na kakailangan nila. That’s why stage milk is very important. Hindi puwedeng yung pang-1year old ibibigay mo sa 3 o yung pang 3 ibibigay mo sa baby. Hindi puwepwede yun kasi hindi kakayanin o immature pa yung organs ng baby kaya hindi pa kakayanin ng katawan niya yung nutrients ng pang-3. Iba yung kailangan niya.”

Dagdag pa niya, ang gatas para sa baby ay hindi lang basta ibinibigay para sila ay magka-energy kung hindi para masiguradong makukuha nila ang lahat ng nutrients para sila ay maging healthy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The milk per se lalo na ang mga stage milk they are made in such a way that the nutrients there are optimum para tulungang ma-improve yung full well-being ng bata. It is not just to give them the energy. It is also to improve their immunity. Meron diyang vitamin C, prebiotics, it also has iron that is very important to brain and immunity also.”

Gatas bilang supplement at hindi exclusive source of nutrients sa mga bata

Pero hindi ito nangangahulugan na gatas lang ang dapat ibigay sa mga lumalaking bata lalo na sa mga nakakain na. Dahil habang sila ay lumalaki ang gatas ay nagiging supplement nalang para maging balanced ang diet nila. Mahalagang sila ay bigyan ng tamang pagkain na may taglay na sustansyang kailangan nila tulad ng mga prutas at gulay.

“The vitamins and minerals were put there in such a way na i-susupplement niya yung kinakain na ng bata. That’s why hindi lang dapat tayo nagdedepend sa milk kasi hindi siya yung buong nutrition na naibibigay but they supplement the balanced diet that our children need. Kaya meron iyan for brain yung mga DHA, yung sabi ko nga coline, at iron. Calcium is not just what important for the bones kailangan rin ng vitamin D. And it has been found out that we don’t get enough vitamin D form the sun. Milk can give that also.”

Kaya paalala ni Dra. Jimenez, ibigay ang gatas na angkop sa edad ng iyong anak para masiguradong nakukuha niya ang vitamins at mineral na kailangan niya para maging healthy.

Bakit mahalaga na bigyan ang anak ng gatas na akma sa kaniyang edad?

Mahalaga ang pagbibigay ng age-appropriate na gatas sa iyong anak para sa kaniyang growth at development. Sa early stages ng buhay ng baby, nakadepende talaga ang kanilang buhay sa breast milk o formula milk. Dito kasi nila nakukuha ang mga essential nutrients na kailangan ng kanilang katawan.

Habang tumatanda ang iyong anak, ang uri ng gatas na dapat niyang inumin ay dapat na naka-align sa nutritional requirements ng kaniyang edad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

Kapag toddler na o young children na ang iyong anak, pwede na siyang mag-transition sa whole cow’s milk. Ang whole cow’s milk ay mayaman sa calcium at vitamin D na kailangan ng iyong anak para sa kaniyang bone development at overall growth.

Kung ang anak mo naman ay nasa school age na, pwede na itong unti-unting painumin ng low-fat o skim milk options upang mabawasan ang saturated fat intake at mapanatili ang healthy weight ng bata. Ang mga gatas na ito ay may essential nutrients pa rin tulad ng calcium at vitamin D pero mas mababa ang calories at mas kaunti ang fat content.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod sa pagbibigay ng sapat ng nutrients sa bata, importante rin na bigyan sila ng age-appropriate na gatas para maiwasan ang adverse reactions.

May mga bata kasi na may milk allergies o kaya naman ay lactose intolerance. Kapag ganito ang kondisyon ng bata, pwedeng magbigay ng alternative tulad ng lactose-free milk o kaya naman ay fortified plant-based alternatives tulad ng soy, almond, or oat milk.

Sa pangkalahatan, ang pagbibigay ng gatas na angkop sa edad ng bata ay mahalaga upang masiguro na naibibigay natin sa kanila ang mga nutrients na kailangan ng kanilang katawan depende sa stage ng kanilang development. Ito ay kasabay ng pagpapababa ng risk ng ano mang nutritional deficiencies at iba pang health complications.

Tandaan na mahalaga ring kumonsulta sa inyong pediatrician. Upang malaman kung ano ang most suitable milk choice para sa iyong anak, depende sa kaniyang individual needs at stage of development.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan

Basahin: Paano nga ba magkaroon ng sapat na gatas ng ina?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement