Ang lactose ay sugar na karaniwang taglay ng mga dairy products, kasama na ang gatas ng ina. At bagamat ang mga ito ay kailangan ni baby sa kaniyang patuloy na paglaki, ang lactose intolerance ay maaaring makasama—at maging bangungot sa kaniyang digestive health. Alamin ang mga sintomas ng lactose intolerance at ilang mga lactose free milk na available sa Philippines.
Ano ang lactose intolerance?
Image from Freepik
Ang lactose intolerance ay isang disorder kung saan hirap tunawin ng tiyan ang anumang lactose na nasa dairy products. Ang lactose ay isang mahalagang carbohydrate para sa mga sanggol, at kailangan itong durugin ng enzyme na lactase.
Kaya’t kung ang katawan ng sanggol ay hindi nakakapag-produce ng sapat na lactase, hindi ito makakapagbigay ng lactose o sapat na lakas mula sa dairy products.
Magiging sanhi ito ng panghihina, colic at diarrhea kung hindi mapapansin.
May tatlong uri ng lactose intolerance:
- Congenital lactose intolerance: Ito ay uri na sanhi ng deficiency ng enzyme na lactase, na tumutunaw dapat sa lactose na kinakain o napupunta sa sistema ni baby.
- Primary lactose intolerance: Ito ang partikular na uri kung saan ang sanggol ay ipinanganak na may low lactase levels.
- Secondary lactose intolerance: Nangyayari ito kapag ang sanggol ay may sakit tulad ng constipation o diarrhea at nagkaro’n ng transient lactose intolerance.
Sa kabila ng kaalaman na ito, minsan ay mahirap malaman kung may lactose intolerance ang sanggol.
Tandaan na may mga senyales at sintomas ang sakit na ito.
Mga sintomas ng lactose intolerance
Ang senyales ng lactose intolerance sa bawat bata ay maaaring magkakaiba. Pero karaniwang makikita ang kondisyon na ito sa mga sumusunod:
- Flatulence
- Abdominal pain
- Diarrhea
- Trapped wind
- Matubig na pagdumi
- Colic
- Madalas na pag-iyak o di mapakali ang sanggol
- May ingay sa tiyan kapag dumudumi
- Pagsusuka
Alinman sa mga sintomas na ito ay maaaring mangyari sa loob ng ilang minuto hanggang ilang oras lamang pagkatapos ng pag-inom ng gatas o dairy products. Ngunit dahil nangyayari ito kasama ng ilang problema sa kalusugan ng bata, tulad ng lagnat, minsan ay mahirap malaman kung lactose intolerance nga ito.
Kung may suspetsa na may lactose intolerance si baby, dalhin siya sa pediatrician kaagad. Ang duktor lang ang makakapagbigay ng mga tests para malaman kung may lactose intolerance nga ang bata.
Mga Tests para malaman kung may Lactose Intolerance ang Bata
May tinatawag na Dimona test o hydrogen breath test para malaman kung may lactose intolerance ang bata. Minsan, hindi ito posible dahil masyado pang bata, kaya’t karaniwang stool tests ang ginagawa.
Kung ang stool o dumi ay masyadong acidic, ang ibig sabihin ay mababa sa 5.5 ang pH levels—at posibleng may lactose intolerant nga ang bata.
Sa kabilang banda, kung ang stools ay hindi masyadong acidic, ang bata ay maaaring may ibang sanhi ang mga sintomas na nakikita sa bata, at may ibang kondisyon o problema sa kalusugan ang bata.
Pag-gamot ng lactose intolerance sa bata
Huwag itigil ang pagpapasuso sa sanggol, hangga’t walang sinasabing partikular na kondisyon o sakit ang doktor. | Image courtesy: Pixabay
Karaniwang magbibigay ng diagnosis ng lactose intolerance ang duktor kung may higit sa dalawang sintomas ang bata, lalo na kung congenital lactose intolerance ito.
1. Congenital Lactose Intolerance
Kung hindi bumibigat ang timbang ni baby, palaging nagsusuka, may diarrhea at colic, maaaring ito ay sintomas ng lactose intolerance.
Itigil kaagad ang pagbibigay ng gatas at iba pang dairy products kapag positibo sa lactose intolerance ang resulta ng stool tests at hindi pa rin nawawala ang mga sintomas.
May mga lactose-free milk formulas na ngayon na mabibili. Huwag magbibigay ng anumang gatas o formula sa bata hangga’t hindi kumukunsulta sa paediatrician ng bata. Huwag ding itigil ang breastfeeding hangga’t hindi humihingi ng pag-apruba ng duktor. May mga pagkakataon—ngunit bihira—na magpapatigil ang doktor ng pagpapasuso mula sa ina, at ito ay para makita kung mawawala ang mga sintomas.
2. Primary Lactose Intolerance
Sa kasong ito, maaaring mag-rekumenda ng produktong lactose-free para sa bata, sa isang trial period lamang.
Maaaring ito ay ilang araw lang, hanggang ilang linggo, depende kung malala ang kondisyon ng bata.
3. Secondary Lactose Intolerance
Sa kasong ito, maaaring may malalang diarrhea o pagsusuka. Dito na maaaring ipatigil ng doktor ang anumang produktong may lactose, hanggang sa lubusang mawala ang mga sintomas at maka-recover ang katawan ng bata.
Kapag tuluyan nang nakabawi ang sistema, katawan at kalusugan ni baby, maaari nang unti-unting ibigay muli ang mga produktong dairy o dairy-based. Kailangan munang makabawi ng timbang at lakas ang bata, at masigurong kakayanin niyang makatunaw ng lactose-based products paglaon.
Anumang uri ng lactose intolerance mayron ang bata, tandaan na maaari itong mangyari sa kahit anong edad.
Kung ang bata ay may congenital at primary lactose intolerance, magkakaron ito ng problema at magpapakita ng sintomas mula sa pagkapanganak.
Image from Freepik
Para sa batang may secondary lactose intolerance, maaaring maging mas mabuti ang kalagayan niya pagtagal. Pero kailangan pa ding pagmasdan kung may sintomas at ugaliin ang regular na pagpapa-check up sa doktor para masuri kung bumubuti ba o hindi ang kondisyon ng bata.
Lactose-free milk Philippines
Narito ang ilang lactose-free milk sa Philippines na puwede sa mga baby na lactose intolerant.
1. Nestogen
2. Nido Lacto-Ease Whole Milk Powder
3. Earth’s Best Organic Low Lactose
4. Kolta Lactose Free Milk
Isinalin mula sa TheAsianParent Singapore
Source:
Healthline, Indian Express
Basahin:
Safe bang uminom ng sterilized milk ang buntis?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!