Geoff Eigenmann at Maya Flores, ikinasal na!
Mababasa sa artikulong ito:
- Geoff Eigenmann at Maya Flores wedding
- Guide sa pagpaplano ng kasal sa taong 2022
Geoff Eigenmann at Maya Flores wedding
Abril taong 2019 nang magdesisyong magpakasal ang aktor na si Geoff Eigenmann at ang kaniyang girlfriend na si Maya Flores.
Ibinahagi ng dalawa sa pamamagitan ng kanilang Instagram stories ang ilan sa mga litrato at video kuha sa mismong wedding mula sa kanilang malalapit na kaibigan. Intimate Christian wedding lamang ang ninais ng dalawa sa kanilang pag-iisang dibdib.
Sa Instagram post din ng actor matatagpuan ang ilang mga litrato sa araw ng kanilang kasal. Pagbabahagi ng aktor,
“Mr & Mrs Eigenmann 2•22•22, 2,212 days (6years+22days) and 3 kids later finally sealed the deal.”
Maraming nagsasabi na espesyal ang araw na ito, dahil kailangan pa ulit mag-antay ng another 400 na taon bago maulit ang 2-22-22 sa kalendaryo. Subalit may mag espesyal pa ba sa ginawang pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan na tulad nina Geoff at Maya?
Samantala, makikita naman sa IG post ng pastor na si Bodie Cruz, anak ng beteranong aktor na si Tirso Cruz III, ang litrato nito kasama ang newley wed couple na sina Geoff at Maya.
Si Bodie Cruz ang nagkasal sa dalawa. Pagbabahagi pa niya,
“It was a privilege sharing this milestone with good family friends. Celebrating with you in your new season, Geoff and Geli! Declaring God’s abundant blessings for your marriage.”
Umani ng maraming likes at comment ang post na ito ng pastor. Marami ang natuwa at bumati ng congratulations para sa bagong kasal.
Hindi naman nakalimutang ipaabot ni Geoff ang kaniyang pasasalamat sa kaibigang pastor na si Brodie. Pasasalamat ni Geoff,
“Thank you brother! for sharing this day and making us an official family! wouldn’t have had it any other way!”
Makikita naman sa IG story ng kaniyang asawa na si Maya Flores ang maikling video kung saan pinapakita ang card na mayroong nakasulat na:
“Dear Mr. and Mrs. Eigenmenn, Congratulations on you Wedding!”
Ngayon ay opisyal na silang matatawag na mag-asawa at pamilya, kasama ang kanilang gwapo at naggagandahang mga anak, sina Arabella, Angus, at Pepper.
BASAHIN:
Civil wedding: Step-by-step guide kung paano ikasal sa huwes
Yasmien Kurdi only spent P20,000 sa wedding—ito ang pinagkagastusan nila instead
Guide sa pagpaplano ng kasal sa taong 2022
Malaking ang naging epekto ng pandemya padating sa pagpaplano ng kasal. Maraming mga nabagong nakagawian dahil ngayon, maraming bagay rin ang dapat i-consider.
Huwag mag-alala, dahil narito ang ilan sa mga guide na maaari mong magamit kung isa kayo sa mga couple na nagpaplanong magpakasal ngayung taon.
-
Mag-book ng vendors ng mas maaga
Bago pa man magkaroon ng pandemic, pinapayusan ng mga wedding suppliers ang mga couple na mag-book isang taon bago ang wedding date. Subalit sa dami ng mga kasal na na-postpone, mas maraming kasal ang nai-reschedule.
Dahil rito, mas mabuting asahan mo na medyo mahihirapan ka nang magpa-book. Kaya naman hanggat maaga, mas mabuti kung magsisimula na kayong makahanap ng tumpak na schedule para sa iyo at iyong dream team.
-
Pag-isipang mabuti kung sino-sino ang inyong magiging bisita
Dahil sa pandemya, mas nauso ang mga intimate weddings kung sa kakaunti at piling-pili lamang ang mga bisita sa kasal. Kaya naman mahalaga na pag-isipang mabuti at piliing mabuti kung sino lamang ang mga taong nais ninyong makasama sa espesyal na araw na ito.
-
Magkaroon ng plan B, C, D o kahit ilan pang options
Bago magkaroon ng pandemya, isang detalyado at kumpletong plano lamang para sa kasal ay okay na. Subalit dahil hindi pa rin natin nalalampasan ang pagsubok dulot ng pandemya, mas makakabuti kung mayroon din kayong back-up plans.
Mahalaga na kausapin agad ang inyong wedding suppliers at coordinator upang sila rin ay maging handa sa mga posibleng pagbabago.
-
Ipagawa o mag-order ng wedding outfit nang mas maaga
Sa kasalukuyan, nagkaroon ng paghihigpit sa mga bagay na maaaring gawin ng mga tao. Ito ay bilang pag-iingat na rin upang makaiwas sa kumakalat na sakit. Dahil rito, mas mahirap at masikip na rin ang schedule ng mga tao, kasama na rito ang iyong fashion designer.
Sa kasalukuyan, hindi ka makakapunta basta-basta sa isang lugar para sa regular fittings ng kasuotan. Kaya naman mabuting ipagawa ito ng mas maaga.
Kung nais mo naman mag-order lalo na abroad o mula pa sa ibang bansa, gawin ito anim na buwan bago ang iyong kasal.
-
Mag-decide kung nais ninyong dalawa na ipakita ang inyong kasal virtually
Limitado lamang ang bisita na maaaring dumalo sa kasal ninyo ng iyong soon-to-be husband or wife dahil sa mga pandemic restrictions. Bilang couple, mahalagga na pag-usapan ninyo kung komportable ba kayong dalawa na gawing available ang inyong kasal virtually.
Kung sakali man na Oo ang sagot ninyo sa bagay na ito, maaga pa lamang ay maghanap na ng supplier na makapag-aasikaso sa bagay na ito.
-
Stay in love anuman ang mangyari
Ang pagpaplano ng kasal ay hindi madali. Kakailangan nito ng maraming oras at effort mula sa dalawang tao. Bukod dito, marami ring challenges at mga bagay na maaaring magbago habang nasa proseso ng pagpaplano.
Kung sakaling magkarong ng frustration dulot ng delays at hindi inaasahang mga pagbabago, mag-pause at ipaalala sa inyong mga sarili ang pinaka-importanteng bagay. Anuman ang mangyari, tandaan at balikan ang inyong nabuong pagmamahalan.