X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Dr. Geraldine 'Ging' Zamora, ikinasal na!

4 min read
LOOK: Dr. Geraldine 'Ging' Zamora, ikinasal na!

Dr. Geraldine Zamora and Dr. Lauro "Sonny" Abrahan IV's wedding! Ikinasal na ang tanyag na rheumatologist sa kaniyang nobyong cardiologist.

Ikinasal na ang celebrity doktor na si Dr. Geraldine ‘Ging’ Zamora, sa kaniyang boyfriend na kapwa doktor din na si  Dr. Lauro ‘Sonny’ Abrahan IV! Silipin ang moments sa kanilang wedding.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Silip sa kasal nina Dr. Geraldine ‘Ging’ Zamora at Dr. Lauro ‘Sonny’ Abrahan IV
  • Love story nina Dr. Geraldine ‘Ging’ Zamora at Dr. Lauro ‘Sonny’ Abrahan IV
  • Engagement nina Dr. Geraldine ‘Ging’ Zamora at Dr. Lauro ‘Sonny’ Abrahan IV

Dr. Geraldine Zamora at Dr. Sonny Abrahan

Noong nakaraang taon, lumabas ang balita na engaged na sina Dr. Geraldine Zamora at Dr. Lauro “Sonny” Abrahan IV. 

Si Dr. Geraldine o mas kilala bilang Doc Ging ay isang rheumatologist.

Naging tanyag siya dahil sa kaniyang pagtulong sa mga lupus patients na hindi sapat ang pinansyal upang makapagpagamot. Dahil dito, pinarangalan siya bilang The Outstanding Young Men (TOYM) noong 2016. Madalas din siyang host ng Facebook health webinars dito sa theAsianparent.

Kagaya ni Doc Ging, nagtapos din ng medicine si Doc Sonny sa University of the Philippines. Pinili nito na mag-specialize sa interventional cardiology sa Philippine General Hospital (PGH). Advocate rin siya na magkaroon ng public awareness tungkol sa heart attack at congenital heart disease.

Sa isang post ni Doc Ging, pabiro nitong sinabi na hindi lamang gumagamot ng puso si Doc Sonny. Si Doc Sonny umano ang nag-hilom ng puso ni Doc Ging. (Nagkaroon ng unang asawa si Doc Ging kung saan mayroon siyang anak na babae.)

ging zamora and sonny abrahan

Photo: Nice Print Photography

Engagement shoot nina Doc Ging at Doc Sonny

Nito lamang nakaraang Valentine’s Day 2021, ibinahagi ng dalawa ang kanilang prenuptial photo shoot. Kinunan ito ng Nice Print Photography na siya ring nagsilbi na wedding photographer nila.

Napili nina Doc ang The Old Grove Farmstead sa Lipa, Batangas bilang kanilang engagement shoot location. Popular na wedding at events destination ang The Old Grove dahil sa kanilang farm-style setting. Mayroon itong maliit na pond, mga alagang sheeps, at isang malaking red barn. 

ging zamora husband

Photo: Nice Print Photography

Makikita sa mga litrato nina Doc Ging at Doc Sonny na na-enjoy nila ang mga amenities ng lugar katulad ng boating at sheep-feeding. Sa kaniyang post tungkol sa shoot, inilarawan ni Doc Sonny ang kaniyang misis.

“The antithesis of a bridezilla, maintaining her calm composure while paddling furiously beneath the water.” 

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Dr. Geraldine Zamora (@ging.md)

BASAHIN:

STUDY: 5 benepisyo ng pagpapakasal sa kalusugan

Marriage license at iba pang mga dapat mong ihanda bago magpakasal

Date Night: Reasons bakit kailangan niyong mag-date kahit kasal na

Wedding nina Dr. Geraldine ‘Ging’ Zamora at Dr. Lauro ‘Sonny’ Abrahan IV

geraldine zamora wedding

Photo: Nice Print Photography & Exige Weddings

Noong February 19, ginanap na ang wedding nina Dr. Geraldine Zamora at Dr. Lauro Abrahan IV. Sa harap ng kanilang pamilya at mga kaibigan, nag-“I do” ang dalawa sa San Pedro Calungsod Parish sa Antipolo Rizal.

Naging kakaiba ang wedding ng dalawa dahil naisipan nila Doc na imbis na tradisyunal na traje de boda sa babae at barong o Amerikana naman sa lalaki, puting PPE (personal protective equipement) suit ang napili nilang suotin! 

Ayon sa PPE designer ng kasal na si Adrian Pe (na isa ring nurse), ideya raw ng malapit na kaibigan ni Doc Ging na si Kris Aquino ang pag-gamit ng PPE bilang wedding garment ng dalawa.

“As suggested by Ms @krisaquino, they chose to wear scrubs as their wedding garments as it touches the very core of their service; doing God’s work in healing. As a cardiac nurse, I can only say that matters of the heart transcends the unconquerable.”

geraldine zamora wedding

Naka-embroider sa kanilang mga PPE ang kanilang mga pangalan.Photo: Nice Print Photography & Exige Weddings

At dahil na rin mayroon pa ring pandemya, mayroong mga kuha ang bagong kasal na may social distancing sa isa’t isa at nakasuot din ng mask! 

geraldine zamora wedding

Karaniwang sinusuot ng dalawa ang PPE kapag humaharap sa kanilang mga pasyente upang ma-protektahan sila sa COVID-19. Photo: Nice Print Photography & Exige Weddings

#maGingSonnykaman ang naging hashtag ng kanilang kasal. Ibinahagi ni Doc Ging na nakuha nila mula sa isang komento sa kaniyang Instagram account at suhestyon din ng isang kaibigang duktor ang pinanggalingan ng kanilang hashtag.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Dr. Geraldine Zamora (@ging.md)

Hindi rin siyempre nawala sa kasal ng dalawa ang anak ni Doc Ging. Ibinahagi niya ang kanilang unang litrato bilang pamilya sa kaniyang Instagram account.

Naging makahulugan naman ang naging caption nito na, “What matters most.”

geraldine zamora wedding

Photo: Nice Print Photography

Partner Stories
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
IKEA celebrates the joys of motherhood
IKEA celebrates the joys of motherhood
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items

Congratulations Doc Sonny at best wishes Doc Ging!

Wedding photos: Nice Print Photography & Exige Weddings

Source: Preview

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Candice Lim Venturanza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Dr. Geraldine 'Ging' Zamora, ikinasal na!
Share:
  • Raymond Racaza's wife was "anxious" and "sad" matapos ang annulment

    Raymond Racaza's wife was "anxious" and "sad" matapos ang annulment

  • Ospital, gumamit ng water bottles bilang oxygen hood, dahil sa kakulangan ng supply

    Ospital, gumamit ng water bottles bilang oxygen hood, dahil sa kakulangan ng supply

  • Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

    Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

  • Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

    Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

  • Raymond Racaza's wife was "anxious" and "sad" matapos ang annulment

    Raymond Racaza's wife was "anxious" and "sad" matapos ang annulment

  • Ospital, gumamit ng water bottles bilang oxygen hood, dahil sa kakulangan ng supply

    Ospital, gumamit ng water bottles bilang oxygen hood, dahil sa kakulangan ng supply

  • Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

    Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

  • Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

    Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko