Gift ideas for bride ba ang hanap? Mukhang ito na ata ang regalong hinihiling ng lahat ng babaeng ikakasal.
Bride na niregaluhan ng isang milyong piso
Para sa mga babae ay napakaligayang araw na ang maikasal sa lalaking ating minamahal at pinapangarap. Pero sa kaso ng isang bride, parang may mas hihigit pa sa tagpong ito. Dahil maliban sa kasal at pagmamahal ay may espesyal na regalo pang ibinigay ang groom niya sa kaniya.
Ang regalo ng groom sa kaniyang bride? Tumatangingting na 1 million pesos cash sa kanilang mismong wedding day.
Ang nakaka-wow na kwentong ito ay ibinahagi ng wedding photography group na Team Benitez sa kanilang Facebook page. Sa larawan nga na kalakip ng post ay kitang-kita ang happiness ng bride habang hawak-hawak ang pera.
Reaksyon ng mga netizens
Syempre, hindi naman napigilan ng mga netizens na mag-react at i-share ng paulit-ulit ang post na ito na maituturing na isa sa perfect gift ideas for bride. Sa ngayon ay viral na ang post na nai-share na ng mahigit ng 9.2K times. At mayroon na rin itong mahigit sa 12k reactions at 6.4K comments mula ng mai-post ito kagabi.
Isa sa perfect gift ideas for bride
Karamihan nga sa na-komento ng mga netizens ay ang malaking “SANA ALL” makaranas at makatanggap ng ganitong regalo sa kanilang kasal. Ang iba nga sa mga babaeng netizens ay nagbiro na parang gusto na nilang magpakasal. Habang ang iba naman ay nag-shoutout na sa kanilang boyfriend para hindi na mahirapan pang mag-isip ng ireregalo sa kanila.
“Parang gusto ko na magpakasal. Tas maghanap ng ninong na mayaman ah 😂”
“😍 may bago na pala akong request na wedding gift!🤣🤣🤣”
“Tinatanong mo ko last time ano gift mo sa akin sa kasal diba. HAHAHA.😂😂😂”
“Love, ipon ka na ah. Hahahaha charot! Iloveyou!”
“Sana all makuha tong cash gift para masaya ang lahat ng mga ikakasal. 😊😊😊”
“Perfect wedding gift in the future 🤪”
Malaking bagay na ang maikasal sa mahal mo
Habang may iba namang sinabing ang mismong kasal palang ay napalaking bagay na regalo ng matatanggap ng isang babae. Bonus nalang ang pera.
“Sana all mkasuot ng wedding dress hahaha. Tas may wedding gift..”
“Sana all mabigyan ng chance maikasal sa taong nakalaan para sa kanila. Hindi mahalaga kung gaano kagarbo o kamahal ang gastos, ang importante nagmamahalan ang dalawang tao and ang pagmamahalang yun ang kitang-kita sa kanilang mga mata. That is sana all ❤️”
Mas espesyal na regalo kaysa sa pera
May ilang lalaking netizen naman ang nagbigay din ng side nila tungkol sa viral post na ito. Hirit ng mga boys may mas espesyal pa silang maibibigay sa kanilang bride higit sa isang milyong pera.
“We can still make our bride smile like this even without a single peso in their hands. LOVE, HONESTY, & LOYALTY are priceless and cheap.”
“Finish school get a job marry the right man its worth than a million.”
Masayang relasyon at buhay may asawa
Sinuportahan din ang pahayag na ito ng ilang babaeng netizen na sinabing kayang kitain ang pera. Ang mahalaga ay kasama mo ang lalaki ng iyong minamahal at kayo ay masaya.
“Kahit na di ako belong sa Sana ALL… basta you choose the right man and you’re the only one… ang 1M maiipon din yan ninyo together as husband and wife”
“Wow. Magandang panimula sa buhay mag asawa. Sana All. 😍”
“Sana all NG bride wud smile like this.. kahit di kasama cashhhh.”
“Humanap na tayo ng jowa pero sana may mabuting kalooban at masipag kahit di na nya ko bigyan ng 1m sa araw ng kasal.kahit after na lang hahaha”
Ikaw ang gift ideas for bride ang perfect para sayo?
Basahin: 10 pamahiin ng mga Pilipino tungkol sa kasal
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!