Ginataang kalabasa recipe: A healthy and delicious meal for the family

Para sa mas masarap na kainan na siguradong healthy rin para sa buong family ay subukan ang dish o recipe na ito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naghahanap ng ulam na yummy at siguradong magugustuhan ng mga bagets? Subukan ang ginataang kalabasa recipe na ito sa siguradong papasa at magugustuhan ng kaniyang panlasa. Pati na ni mister na maaring baka humirit pa at magpaulit-ulit sayo ng pagpapahanda.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga sangkap ng ginataang kalabasa recipe.
  • Paano ito lutuin.

Ginataang kalabasa recipe

Tayong mga Pilipino ay mahilig kumain ng mga pagkaing may gata ng niyog. Mapa-dessert man niyan, kakanin o ulam ay siguradong patok yan sa ating panlasa. Dahil sa tulong ng gata ng niyog anumang pagkain ay nagiging malinamnam. Nagiging balanse rin ang tamis at alat ng isang putahe dahil sa gata na mas nagpapagana sa atin na kumain pa.

Larawan mula sa iStock

Isa na nga sa putaheng may gata ng niyog na hindi lang mabenta sa hapag-kainan kung hindi pati narin sa mga kainan at restaurant ay ang ginataang kalabasa. Dahil hindi lang ito masustansiya at mabuti sa katawan, abot kaya rin ito. Madali at simple rin ang paghahanda nito. Perfect rin itong ka-partner sa pritong isda, manok o kaya naman ay liempo. Sa pagpili ng tamang sangkap at tamang timpla ay siguradong magiging paborito ito ng iyong pamilya. Narito ang mga sangkap na kailangan mong ihanda. Pati na ang tamang paraan ng pagluluto nito at paghahanda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga sangkap o ingredients ng ginataang kalabasa recipe

  • 1/2 kilo ng kalabasa
  • 1/4 kilo ng pork belly liempo na pinaghihiwa sa kwadradong piraso o ¼ kilo ng hipon
  • 2 tasa ng gata ng niyog
  • 1 kutsarang bagoong alamang
  • 2 kutsarang mantika
  • 1 pirasong sibuyas
  • 2 butil ng bawang na pinitpit at hiniwa
  • 1 pirasong kamatis
  • 1 kutsarita ng pampanlasa o granulated seasoning

Tips sa pagpili ng sangkap ng iyong ginataang kalabasa recipe

Food photo created by jcomp – www.freepik.com 

Para sa dagdag na sarap sa iyong ginataang kalabasa recipe, gumamit ng kalabasa na bata at malambot pa. Malalaman kung bata pa ang isang kalabasa kung ito ay may kulay berde pang balat. At hindi yung dilaw o nagkukulay orange na. Ganoon rin dapat ang kulay ng laman nito, dapat ito may madilaw kapag hiniwa. Hindi kulay orange na indikasyon na ito ay magulang na.

Sa paghahanda naman ng gata ng niyog na gagamitin, mabuting siguraduhin na ito ay fresh. Makakabili ng fresh na gata ng niyog sa mga palengke. Dito ay makakapili ka ng niyog na maaring biyakin at kayurin. Saka na ikaw na mismo ang magpiga para makuha ang gata o katas nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa dagdag naman na kulay at sarap, maaring dagdagan ang iyong ginataang kalabasa recipe ng pinutol-putol na piraso ng sitaw. O kaya naman ay gawing mas meaty ito sa pamamagitan ng pagdadagdag ng karne ng baboy o hipon.

BASAHIN:

Adobong kangkong with tokwa recipe: Ang vegetarian adobo

Bangus Sisig Recipe: Ang healthier sisig!

Adobong manok: Iba’t ibang paraan para lutuin ang classic Filipino dish na ito

Paraan ng pagluluto o procedure ng ginataang kalabasa recipe

  • Hugasan at balatan ang kalabasa. Hiwain ito sa gitna at tanggalin ang mga buto nito sa tulong ng isang kutsara. Saka ito hiwain ng 1 ½ o 2-inch na kwadradong piraso.
  • Hugasan at ihanda ang karne ng baboy o hipon na isasahog sa iyong ginataang kalabasa recipe.
  • Magpainit ng kawali sa kalan. Lagyan ito ng isang kutsarang mantika kapag mainit na. Saka gisahin ang bawang at sibuyas.
  • Idagdag sa pagisa ang karne ng baboy o hipon kapag luto o lumalabas na ang aroma ng ginigisang bawang at sibuyas.
  • Kung luto na ang sahog na karne o hipon ay saka idagdag ang bagoong alamang.
  • Hayaan itong magisa rin sa loob ng ilang minuto.
  • Saka na ilagay ang mga nahiwang piraso ng kalabasa. Igisa ito hanggang sa mabago ang kulay nito o sa loob ng 3 hanggang 5 minuto. Kung ang kalabasa ay madilaw noong ito ay hilaw, mag-kukulay orange ito kapag nagisa o naluto na.
  • Kapag ang kalabasa ay luto na ilagay na ang gata ng niyog.
  • Saka ito timplahin gamit ang pampalasa o granulated seasoning. Maari ring gumamit lang ng asin at paminta hanggang sa ma-achieve mo ang timpla at lasa na nais mo.

Background photo created by valeria_aksakova – www.freepik.com 

Kapag nakuha na ang lasa at timpla na gusto mo ay luto na ang iyong ginataang kalabasa recipe. Maari mo na itong i-serve sa iyong family. Mas masarap kung i-seserve ito ng mainit-init pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Magiging perfect ulam rin ito kung i-papartner sa pritong isda, tuyo o kaya naman ay daing. Pupwede ring sa pritong manok o baboy, depende sa gusto o hilig ng pamilya mo.

Maari ring lagyan ito ng sili para may konting anghang. Huwag lang itong sosobrahan lalo na kung may kakain na bata.

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panlasang Pinoy