Gladys Reyes on married life: Mas mabuti ang first and last sa pag-ibig

Gladys Reyes on married life: Mas mabuti ang first and last sa pag-ibig

Para kay Gladys Reyes, mas mabuting magkaroon ng first and last sa pag-ibig katulad ng kanilang love story ng kanyang husband na si Christopher Roxas. | Lead Image from Gladys Reyes Instagram

Para sa aktres na si Gladys Reyes, mas mabuti nang magkaroon ng first and last sa usapang pag-ibig katulad ng kanilang love story ng kanyang husband na si Christopher Roxas.

Gladys Reyes and her husband Christopher Roxas

Noong 1993 nang magsimulang mag date ang aktres na si Gladys Reyes at ang kanyang husband na si Christopher Roxas. Unang tumunog ang kanilang pangalan sa hit TV series na Mara Clara. Kasama rin nila dito si Judy Ann Santos kung saan gumanap bilang Mara habang si Gladys ay si Clara.

Taong 2004 ay nagpakasal na rin ang dalawa.

Sa mahigit 25 years nilang pagsasama, naglabas ng saloobin ang aktres na si Gladys Reyes tungkol sa sikreto ng kanilang pagsasama ng kanyang husband na si Christopher Roxas.

gladys-reyes-husband

Gladys Reyes husband, Christopher Roxas | Image from Gladys Reyes Instagram

Sa press conference na ginanap para sa kanyang drama na “Madrasta” sa GMA, dito ibinahagi ni Gladys na hangad niya na magkaroon ang kanyang mga anak ng pagsasama na katulad sa kanila ng asawa niya.

Nang tinanong ng aktres kung payag ba siya na magkaroon ang kanyang anak na girlfriend na madrasta, ang sagot niya ay kung papipiliin siya, ayaw niyang mag end up dito ang kanilang relasyon.

“Hindi po sa nagsasalita ako ng tapos na ayoko mag-end up ang anak ko na may madrasta. Pero mas maganda iba kasi siyempre yung naging experience ko ‘di ba. Kami ni Christopher talagang first and last gano’n iba eh,”

Dagdag pa nito na sila ni Christopher ay talagang ‘first and last’ na.

gladys-reyes-husband

Gladys Reyes husband, Christopher Roxas | Image from Gladys Reyes Instagram

Sa kwento pa ng aktres, natanong na sa kanya ng 13 years old niyang anak kung paano kung ito ay magkakaroon ng girlfriend. Ang tanging sagot lang nito ay kailangang magkakilanlan sila ng kanyang girlfriend kung sakali.

“Tinatanong nga ako paano kapag may girlfriend eh 13 lang siya. Sabi ko kailangan makilala ko siya at makilala niya ako. So let’s see pero hindi naman po lalo na iba na panahon ngayon.”

Sa isa pang interview kay Gladys at Christopher sa Magandang Buhay, tatlong bagay lang ang masasabing sikreto ng kanilang long lasting na relationship. Ito ay patience, prayer at compact relationship.

Dagdag ng aktres na dapat ay hindi mawala ang mga ito kahit gaano pa kayo katagal sa isang relasyon.

gladys-reyes-husband

Gladys Reyes husband, Christopher Roxas | Image from Gladys Reyes Instagram

Ayon sa kwento ng kanyang matalik na kaibigang si Judy Ann Santos, saksi ito sa matinding pagmamahalan nina Gladys at Christopher simula pa lang noong sila ay bata hanggang ngayong may anak na sila. Inilarawan rin ni Judy Ann na sila ay #RelationshipGoals.

“Saksi ako sa matinding pagmamahalan niyo mula pa ng mga paslit tayo. Hanggang ngayon na may kanya kanya na tayong mga paslit. Kayo ang katunayan na totoo ang salitang “first love”

Sa ngayon, si Gladys at ang kanyang husband na si Christopher ay may apat na anak.

Noong January 2018 lamang nang muli silang ikasal upang ipagdiwang din ang kanilang 25th anniversary.

 

Source:

GMA News Online

BASAHIN:

WATCH: Solenn Heussaff nagbahagi ng kaniyang breastfeeding journey says;Every mom is different.


May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

app info
get app banner