Kapuso Moms, ibinahagi ang kanilang "lutang moments" habang nag-aalaga ng baby

Ilang mommies ng GMA Artist Center, ibinahagi ang kanilang "lutang moments," basahin at alamin kung makakarelate ka, Mommy!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga nanay ng GMA Artist Center, ibinahagi ang kanilang “lutang moments!” Basahin ‘yan at tungkol sa mommy brain dito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • GMA Artist Center moms, nagkwento ng kanilang lutang moments.
  • Ano ang mommy brain, at may katotohanan ba ito?
  • Mga paraan para manatiling matalas ang pag-iisip habang nag-aalaga kay baby

Naranasan mo na bang ilagay ang laruan ng iyong anak sa freezer? O kaya naman hanapin ang iyong cellphone na nasa bulsa mo lang pala? Hindi ka nag-iisa, mommy!

Likas na sa mga nanay, lalo na ang mga first-time moms na walang sapat na tulog at pahinga na maging makakalimutin, o kaya naman mabilis magkamali sa mga bagay-bagay.

Lutang moments ang karaniwang tawag sa ganito. Pinagdadaanan ito ng kahit sinong ina, maging ang mga sikat na artista gaya ng Kapuso moms!

Noong isang linggo ay ginanap ang kauna-unahang online press event ng GMA Artist Center tampok ang ilang sa paboritong nating Kapuso moms. Naging makabuluhan ang Zoom event na ito dahil nakilala namin ang mga stars ng GMA hindi bilang artista kundi bilang mga ina.

Sa naganap na press event, nagkwento ang mga GMA Artist Center talents ng kanilang mga karanasan na may kinalaman sa pagiging ina – breastfeeding, panganganak at mga suliraning kinakaharap bilang ina ngayong may pandemya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naging parte rin ng nakakaaliw na kuwentuhan ang pagbabahagi ng Kapuso moms ng kanilang mga “lutang moments” o mga panahong may mga nagawa silang mali o kakaiba gawa ng matinding pagod sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Larawan mula sa Instagram account ni Sheena Halili

Lutang moments ng mga Kapuso moms

Narito ang ilang mga nakakatawang pangyayaring ibinahagi ng mga first-time moms mula sa GMA Artist Center:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sheena Halili

Mommy sa kaniyang baby girl na si Martina na ipinanganak noong December 2020

“Kapag madaling araw na tapos ‘yong phone dapat ‘yong kukunin ko, tapos ang nakuha ko ‘yong remote. Minsan naman pupunta dapat ako ng kitchen, nagpunta ako ng CR. At ‘yong diaper ni baby, minsan baliktad ang pagkakasuot. Minsan nalalagay ko ‘yong back part sa front.”

Max Collins

Mommy sa kaniyang anak na si Skye na ipinanganak noong July 2020

“Sa madaling araw, mga 3 a.m. Habang ginagawa ko ‘yong milk ni Skye, I end up not shooting the water in the bottle. It ends up spilling all over the floor, or it burns me rin. Or minsan naliligo ako with his baby wash, his shampoo, hindi ko napapansin na hindi ko pala shampoo ‘yon, kakamadali ko.”

Luanne Dy

Mommy sa kaniyang anak na si Christiano, na ipinanganak noong April 2020

“Minsan ‘yong remote hawak mo tapos bubuksan mo ‘yong ref, nilagay mo ‘yong remote sa freezer. Tapos hahanapin mo.”

Larawan mula sa Instagram account ni Luanne Dy
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinaliwanag naman ni Aicelle Santos, na kapapanganak lang noong December 2020 sa kaniyang baby girl na si Zandrine, kung bakit nagkakaroon ng lutang moments ang mga nanay.

“I guess nagiging sabaw ka talaga, diba? Ang hirap eh. ‘Yong mommy brain. Totoo po ‘yong mommy brain. Parang naubos na ata sa kakadede ni baby. So parang sabaw ka lang with all the puyat, pagod, tapos in the middle of the night nagising siya, umiiyak sia, tapos gigising ka, palit ng diaper. Iyon ‘yong nakakasabaw ka na, wala ka nang ginawang tama.” aniya.

Mommy brain, totoo ba ito?

Larawan mula sa Instagram ni Aicelle Santos

Tulad ng ikinuwento ng mga moms ng GMA Artist Center, ang pagiging makakalimutin at paminsang wala sa wisyo ay karaniwan sa mga ina. Tinatawag rin itong mommy brain.

Napakaraming kuwento ng mga first-time moms, lalo na iyong mga puyat at walang sapat na tulog ng mga pangyayari kung saan nagiging makakalimutin ang mali-mali sila. Pero mayroon bang katotohanan ang mommy brain?

Ayon sa isang pag-aaral, nababawasan ang gray matter sa brain ng isang babae kapag siya ay nagbubuntis. Ang bahaging ito ay may kinalaman sa ating memorya, pagsasalita at emosyon.

Subalit ayon naman sa mas bagong pag-aaral, hindi naman nababawasan ang kakayahang mag-isip ng isang babae kapag siya ay nagiging ina, at walang long-term effects ang pagbubuntis o pagiging ina sa isip ng isang babae.

Sa isinagawang pag-aaral, binigyan ng pagsusulit ang mga inang mahigit isang taon nang postpartum, at ikinumpara ang resulta ng kanilang pagsusulit sa resulta ng mga babaeng wala pang anak. Natuklasan na pareho lang o mas mataas pa ang performance ng mga ina kaysa sa mga babaeng hindi pa nagkakaanak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero gaya ng sinabi ni Mommy Aicelle, maaring nakakaapekto talaga sa pag-iisip ng isang babae ang kakulangan sa tulog, stress (sa pag-aalala kay baby) at pagbabago ng kaniyang hormones kapag nabubuntis at nanganganak.

BASAHIN:

Sanhi at lunas ng pagkalimot pagkatapos manganak dahil sa post-natal

LOOK: Sheena Halili, ipinanganak na ang BABY GIRL

FIRST LOOK: Aicelle Santos, gives birth to baby girl!

Mga paraan para manatiling matalas ang pag-iisip ni Mommy

Bagamat nararanasan ito ng maraming first-time moms, mayroon namang mga paraan para maiwasan ang mga “lutang moments” na ito.

  • Kumain ng mabuti at uminom ng vitamins

Pumili ng mga pagkaing mayaman sa Omega-3 fatty acids, gaya ng salmon at mga pagkaing nakakatulong sa utak gaya ng mani, itlog, at maging kape. Ugaliin ring uminom ng vitamins para mapanatiling malakas ang iyong immune system at makaiwas sa sakit.

  • Mag-ehersisyo

Mas masarap talagang matulog, subalit kailangan mo pa ring gumalaw-galaw para sa maayos ng pagdaloy ng dugo at oxygen sa iyong utak. Gayundin, nakakatulong ang exercise para maglabas ng hormones na endorphins na lumalaban sa stress at tinutulungan kang magrelax.

  • Umidlip kahit 20 minuto lang

Makakatulong ang cat nap o pag-idlip ng 20 para maging mas alerto at focused ka sa iyong paggising at pag-aalaga kay baby. Pwede mo ring sundin ang payo ng karamihan: sabayan mo ng tulog si baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaring totoo nga ang mommy brain, at mayroon talagang mga panahon na nagiging lutang o sabaw tayo dala ng sobrang puyat at pagod. Pero gaya ng nabanggit, hindi ito magtatagal kaya hindi dapat mabahala kapag nakakaranas ka ng mga lutang moments gaya ng GMA Artist Center moms. Kaya niyo yan, mga mars!

Pero kung nagiging madalas ang iyong pagiging makakalimutin at nakakaapekto ito sa iyong pag-aalaga sa iyong anak, maari ka ring kumonsulta sa iyong doktor.

Larawan mula sa Instagram account ni Max Collins

 

Source:

Healthline, Science Daily

Sinulat ni

Camille Eusebio