It’s a baby girl. Actress na si Sheena Halili, ganap nang celebrity mom! Hindi naman nakalimutan ng aktres ang magpasalamat sa lahat ng naging parte ng kaniyang pagbubuntis.
Mababasa sa article na ito ang:
- Pregnancy delivery ni Sheena Halili
- Maagang senyales ng pagbubuntis sa babae
LOOK: Sheena Halili, ipinanganak na ang BABY GIRL
Bago matapos ang taong 2020, ipinanganak na nito lamang December 12 ng aktres na si Sheena Halili ang kaniyang first baby sa asawang si Jeron Manzanero. Let’s welcome baby Martina!
Sa Instagram post ng aktres, makikita ang kanilang first family picture. Ito ay may caption na,
“December 12, 2020 First Family Picture. I would like to thank all the doctors and nurses that were part of my pregnancy journey. Most especially to my very maalagang OB, Dra. Marie Victoria Cruz-Javier. She was the reason why healthy at malakas ako sa pregnancy ko hanggang sa mag push ako kagabi.”
-Sheena Halili
Hindi niya nakalimutang humingi ng pasasalamat sa mga taong naging parte ng kaniyang healthy pregnancy. Kasama na rito ang kaniyang mga doctor at nurse na tumulong sa kaniyang successful delivery.
BASAHIN:
TAKE A GUESS: Andi Eigenmann, ni-reveal na ang gender ng kaniyang 3rd baby!
FIRST LOOK: Aicelle Santos, gives birth to baby girl!
LOOK: Coleen Garcia ibinahagi ang panganganak sa pamamagitan ng water birth kay Baby Amari
Gaya ng mga first time moms, hindi pa rin makapaniwala si Mommy Sheena na nahahawakan na niya ang kaniyang baby Martina.
“Hello, anak! Hanggang ngayon ‘di pa rin ako makapaniwala na nahahawakan at nayayakap na kita. Maraming salamat Lord at healthy kaming dalawa.”
Samantala, ganito rin ang eksena ng father-daughter bonding ni Jeron sa unang paghawak niya sa kanilang munting anghel. “I promise to hold your hand forever, Martina.”
Unang inanunsyo nina Sheena Halili at Jeron Manzanero ang kanilang engagement taong 2018 at ikinasal naman noon lamang February 23.
5 early signs ng pregnancy
1. Labis na pagkapagod
Maraming mga babae ang nag-aakalang buntis sila kapag lagi silang nakakatulog kapag 3:00 pm ng hapon. Kung ika’y puyat sa gabi, maaaring ito ang dahilan. Subalit kung ikaw nama’y may sapat na pahinga at dinadalaw ka na ng antok bago ang dinner time, maaaring ikaw nga’y buntis.
Payo ng NSW Health, ugaliing matulog ng mga buntis nang nakatagilid para maiwasan ang stillbirth dahil maraming ebidensya na “sleep position can halve the risk of a late-pregnancy stillbirth.”
2. Mood swings
Maraming babae ang nakakaranas ng mood swings sa unang mga araw ng kanilang pagbubuntis. Uulitin natin, ang pagbabago ng level ng hormones ng mga babae ang dahilan nito at natatagpuan na lang ang sarili na umiiyak sa pinapanood na basketball at nagagalit sa cooking show.
Ito’y isang sintomas ng buntis at masasabing normal. Ngunit kung ika’y nakakaranas na ng kakaiba, kailangan mo nang magpatingin sa eksperto.
Sheena Halili first pregnancy: Ipinanganak na ang kaniyang baby girl! | Image from Unsplash
3. Pagiging sensitibo ng nipples
Maraming babae ang nakakaranas ng pagiging sensitibo ang kanilang nipples dahil sa pagtaas ng kanilang hormones, estrogen at progesterone. Sa early pregnancy, ang suso ng babae’y nagsisimulang magkaroon ng extra fat at milk ducts dahilan para lumaki ito at nagiging sensitibo. Ang areolas ay nagiging maitim na nakikita sa unang linggo nito.
4. Cramps
Ito naman ay mahirap na sintomas. Maaari kasing ito ay pagkamalan na padating na ang iyong period. Ang ibang babae ay nakakaranas ng mahinang cramps sa unang week ng conception. Maaaring ito’y dahil sa implantation, paglaki ng uterus, o kaya naman sa corpus luteum cyst na naglalabas ng progesterone hanggang ang placenta ay umabot ng 12 weeks. Kung ikaw ay nag-aalala, ‘wag mahiyang magpatingin sa eksperto.
5. Pagkahilo
Parte rin ng morning sickness and pagkahilo at pananakit ng ulo. Ngunit kung ikaw ay hindi nakakaranas ng nausea pero pakiramdam mo ay gumagaan ang iyong ulo? Baka ikaw ay buntis na. Ito’y may kaugnayan sa pagtaas ng blood supply at pagbabago ng takbo ng circulatory system nila. Kasama na rito ang pagbaba ng blood sugar bilang early sign ng pregnancy.
Ang pagkain ng kaunti subalit madalas at pagsusuot ng komportableng damit ay isang magandang paraan para mabawasan ang pagkahilo. Kung nakakaramdam ka na ikaw ay mawawalan ng malay, humiga lang at humingi ng tulong medikal.