Momnesia, totoo nga bang nangyayari matapos manganak?
Image from Freepik
Namimiss ko na ang mga panahon na kahit maliliit na bagay ay natatandaan ko. Kahit pumupunta ako noon sa meetings, hindi ko na kinakailangang mag-notes dahil natatandaan ko lahat. Kahit nga sa pagpunta ko sa grocery, hindi ko na kinakailangan ng listahan ng mga bibilhin dahil kampante akong tanda ko ito. Lahat ng iyon ay nasa isip ko lang.
Hanggang ako ay nagbuntis at dumaan sa 9 na buwan na postnatal experience. Iyong pagkatalas ng isip ko noon ay memorya na lang para sa akin ngayon. Dahil ngayon, lahat ay nakakaligtaan ko na. Mula sa pag-iiwan ng mga mahahalagang gamit ni baby tuwing kami ay aalis hanggang sa pag-aasikaso sa aking sarili. Daig ko pa ang may short-term memory loss.
Marahil ay ginagawa kong katatawanan ito sa ilang pagkakataon, pero aaminin ko. Naaapektuhan na nitong momnesia o mommy brain ang aking productivity at kumpyansa sa sarili.
Ano ang sanhi ng momnesia?
Para malaman kung normal ba ang momnesia, nagbasa-basa ako tungkol dito. Isa sa mga nabasa kong article ay nagsasabi na ang pagbubuntis nga raw ay nakakaapekto sa pag-iisip ng isang babae. Binabago nito sa iba’t ibang paraan ang utak ng babae at nangyayari ito kahit pagkatapos niyang manganak.
Ang research team ng Universitat Autònoma de Barcelona’s Elseline Hoekzema ay ipinagkumpara ang mga brains scans ng mga babae. Simula sila ay hindi pa buntis hanggang sila ay nagbubuntis. Sa kanilang pag-aaral napag-alaman nilang nagkakaroon ng reduction sa volume ng grey matter sa utak ng babae na naglalaman ng nerve cells. Sa madaling sabi, mayroon nga talagang physical transformation na nangyayari sa utak ng babae kapag siya ay nabuntis.
Mayroon din daw apat na bagay na maaring nakaka-contribute sa momnesia, ito ang hormones, pain, priorities at fatigue.
Paano masosolusyunan ito
Dahil hindi maiiwasan ang postpartum forgetfulness, mas gusto kong solusyonan ito kaysa maging malungkot dahil dito. Narito ang ilang bagay na nakatulong sa akin:
1. Don’t be too hard on yourself
Hindi mo na dapat pakinggan ang sinasabi ng ibang tao. Marami ka na masyadong iniintindi para sa iyong pamilya at sarili para pagtuonan pa ng pansin ang mga hindi naman mahalagang opinyon ng iba.
2. Magsulat ng notes
Dahil hindi mo na masyadong mapagkatiwalaan ang memory mo, maaring matulungan ka na ngayon ng pagno-notes. Pwede mong gamitin ang iyong cellphone para mas madali mong ma-acess ang iyong mga notes.
3. Gumawa ng daily calendar
Mag-download ng calendar app sa iyong phone o di naman kaya ay gumamit ng planner. Sa ganitong paraan, hindi mo na makakalimutan kapag ikaw ay may importanteng mga appointment.
4. Ilagay sa isang lugar ang mahahalagang bagay
Importanteng mayroon kang palatandaan kung saan mo nilalagay ang mga bagay bagay. Dapat ay mag-assign ka ng lugar kung saan mo palaging ilalagay ang mga gamit mo. Sa ganitong paraan, masasanay ka na dito ito hahanapin.
5. Gumawa ng mnemonics
Malaking tulong ang mnemonics kung may gusto kang matandaan na mga salita. Tulad ng ROYGBIV na itinuro sa atin noong tayo’y mga bata pa. Kung mayroon kang kailangang kabisaduhin, makakatulong sa’yo ang paggamit nito.
6. Kumuha ng mga litrato
Bukod sa mga selfie na halos araw-araw nating tine-take, pwede mo ring gamitin ang mga pictures para paalalahanan ka ng ilang bagay. Halimbawa, sa parking. Pwede mong kuhanan ng picture kung saan kayo nag-park para hindi mo ito makalimutan.
7. Humingi ng tulong
Image from Freepik
Oo, likas na sa atin ang pag-multitask, pero kailangan mong tanggapin na may limit din ang iyong isip at katawan. Wala namang masama sa paghingi ng tulong sa mga nakakasama mo sa bahay.
Ang post-natal forgetfulness ay isang challenge lamang para sa mga bagong mommies katulad mo. Pero kapag hinarap mo ito ng may tamang mindset at disiplina, siguradong makakaya mo ito!
To read the English version of this article, click here.
BASAHIN: How depression in mom affects her child’s IQ
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!