Tila mas gumaganda ang mommy kapag buntis? Ito ay pregnancy glow kung tawagin! Bakit nga ba ito nangyayari?
Mababasa sa artikulong ito:
- 6 rason kung bakit gumaganda ang buntis
- Mga bawal na pagkain sa buntis na maaaring maging dahilan ng miscarriage
- Mga dapat kainin ng buntis
6 rason kung bakit gumaganda ang buntis
“Mars, gumaganda ka ah! Buntis ka ‘no?”
Gumaganda ang buntis | Image from Shutterstock
Maaaring narinig mo na ang mga katagang ito sa una o pangalawang buwan ng pagbubuntis mo. Hindi mo muna sana ipapagsabi sa iba na ikaw ay buntis pero dahil sa paniniwalang gumaganda ang buntis kapag sila ay expecting, maaaring nahulaan na agad nila ang iyong sikreto!
Likas na rin sa mga pilipino ang mapamahiin. Isa na diyan ang ilang paniniwala tungkol sa pagbubuntis. Tipong kapag mabilis humaba ang buhok mo, lalaki ang magiging anak mo. Kapag naman ikaw ay blooming, girl si baby paglabas. Ngunit totoo nga ba ang pagiging blooming ni mommy o ‘yung tinatawag natin “pregnancy glow”?
May katotohanan nga ba ang ilang paniniwala o myth na ito?
1. Myth na babae ang magiging anak
“Blooming ka ngayon mamsh. Babae siguro ang magiging baby mo!” Kung hindi ito ang first time mong pagbubuntis, malamang ay hindi na bago sa pandinig mo ang mga salitang ito. Kadasalan ito ay naririnig sa mga matatandang paniniwala, na kapag ikaw ay gumaganda o blooming, paniguradong girl si baby paglabas.
BASAHIN:
Maliit magbuntis? Alamin kung bakit ito nangyayari
5 pregnancy myths na hindi mo dapat paniwalaan ayon sa mga doktor
11 harsh comments sa mga buntis:”Dapat matagal na kitang hiniwalayan. Nandito lang naman ako para sa bata.”
Subalit ang myth na ito ay walang kasiguraduhan. Kung nais na malaman ang kasarian ni baby, mas magandang dumaan sa ultrasound na nire-require ng iyong doktor. Sa pamamagitan ng ultrasound, hindi lang malalaman ang kasarian ni baby. Kundi pati na rin ang fetal abnormalities kung sakaling mayroon man ito.
Kaya naman mas mahalagang magpa-ultrasound kung nais na malaman ang gender ni baby imbes na maniwala sa mga sabi-sabi lamang.
2. Dahil sa hormonal changes
Pagpasok ng isang babae sa kaniyang pregnancy journey, asahan mo na ang maraming pagbabago. Naririyan ang kaniyang mood swings at physical changes. Ito ay dahil sa pabago-bagong sa hormones ng isang pregnant mom.
Ayon sa doktor na si Yvonne Butler Tobah mula sa Mayo Clinic, ang pregnancy glow na ito ay totoo. Kung napansin mong mas nag-glow siya, ito ay dahil hormonal changes.
Bukod dito, ang hormones ng isang babaeng buntis ay pabago-bago. Ang skin glands nila ay naglalabas ng madaming oil. Kaya naman mapapansin mong ito ay tila kumikinang.
“Changes in hormone levels might also cause the skin glands on the face to secrete more oil (sebum), which can make skin look slightly shinier.”
Dahil nga sa hormonal changes ng buntis na babae, maaaring tumaas ang risk nila sa pagkakaroon ng tigyawat. Kung sakaling may mapansing kakaiba at hindi na normal sa mga sintomas na ito, ‘wag mag dalawang isip na kumunsulta sa iyong doktor para mapaliwanag ito ng maayos.
3. Pamumula ng pisngi
Kapag buntis ang isang babae, ang dumadaloy na dugo sa kaniyang blood vessel ay dumodoble. Kaya naman ito ay nagreresulta ng tila pamumula ng mukha ng isang pregnant mom.
Ngunit ang mahalaga, healthy si baby at mommy. I-enjoy lang ang pregnancy glow at kumain ng healthy foods!
4. Maaaring madali ang pagbubuntis
Maaaring sinabihan ka na rin ng iyong kaibigan o kamag-anak na, “Blooming ka, parang hindi ka buntis.” at susundan pa ng famous line nilang “Babae siguro ang magiging anak mo.”
Lagi nating tatandaan, iba-iba ang pagbubuntis ng isang babae. May iba na madali lamang at hindi sila hirap sa pagbubuntis kahit na unang beses pa lang nila itong mararanasan. May iba rin na sobrang senstitibo ng kanilang journey sa pagbubuntis. Nakadepende ito kay mommy at sa kaniyang kondisyon.
5. Skin stretching
Sapagkat nga sa pagtaas ng blood flow ni mommy at pabago-bagong hormones, ang kaniyang balat ay nag-ii-stretch. Ito ang dahilan kung bakit tila blooming ang buntis.
6. Heat rashes
May ibang buntis na nakakaramdam ng dobleng init habang buntis. Isang factor din ng pagtaas ng temperatura ay dahil sa matinding pressure sa pagdadala ng sanggol sa kanilang tiyan.
Ang init na ito ay nagdadala ng heat rashes na tila blooming si mommy.
Mga bawal na pagkain sa buntis na maaaring maging dahilan ng miscarriage
Be mindful sa pagkain ng mga ito moms! Maging maaalam para maging safe ang pregnancy mo. Kung maaari, itanong sa iyong doktor kung ano ang kailangan mong kainin habang ikaw ay nagbubuntis.
Narito ang mga dapat iwasan na pagkain habang ikaw ay preggy:
1. Raw food
Kung nakasanayan mo na ang pagkain ng hilaw na pagkain katulad ng sushi, mas mabuting itigil mo muna ito ngayong nagbubuntis ka. Ang pagkain din ng sashimi o medium rare na karne ay sagana sa bacteria at toxins na maaaring makuha ng iyong baby. Mabuti kung itigil muna ang pagkain nito para maiwasan ang makunan.
Banta rin ito sa kalusugan ni baby. Matatagpuan sa hilaw na karne at isda ang iba’t ibang klase ng bacteria katulad ng Toxoplasma, E. coli, Listeria, at Salmonella.
2. Alak
Kung maaari, itigil muna ang pag-inom ng alak sa mga babaeng nagdadalang-tao.
Ayon sa pag-aaral, nakakapagpataas ito ng risk ng miscarriage at stillbirth kahit na kaunti lang ang iniinom mo. Bukod dito, ang pag-inom ng alak ng mga buntis ay dahilan ng facial deformity ng mga sanggol sa kanilang tiyan. Ito rin ay magkakaroon ng problema sa puso at may epekto sa intelektuwal na kakayahan ng bata.
3. Unpasteurized na dairy products
Healthy ang cheese, gatas at iba pang fruit juice sa ating katawan. Ngunit alam nating sensitibo ang katawan ng mga buntis at kailangang maging maingat sa mga kinakain nila dahil may pinapakain din silang sanggol sa sinapupunan.
Hindi nirerekomenda ng mga eksperto ang unpastreurize foods katulad ng gatas, keso at mga fruit juice. Matatagpuan kasi rito ang iba’t ibang klase ng bacteria katulad ng Listeria, Salmonella, E. coli, and Campylobacte. Ang mga bacteria na ito ay maaaring maging banta sa kalusugan ng iyong unborn child.
Gumaganda ang buntis | Image from Shutterstock
4. Junk foods
Mahalaga ang pagkain ng buntis ng mga healthy at sagana sa nutrients na pagkain. Kailangan ito para sa safe at magandang development ni baby sa kaniyang tiyan. Pagpatak ng sedong trimester ni mommy, kailangan niyang makakuha ng 350 calories sa isang araw ay 450 calories naman pagsapit ng third trimester niya.
Gaya ng payo ng mga magulang natin noong bata pa tayo, walang sustansiyang hatid ang mga junk food. Ito’y mataas sa calories, sugar at added fats. Bigo nitong punan ang pangangailangan ni baby. Ang mabilis na pagtaba ng buntis ay isang dahilan din ng komplikasyon at sakit katulad ng gestational diabetes.
Kaya naman mas magandang kumain ng meals na mayaman sa protina katulad ng gulay, prutas at iba pa.
5. Isda na may mataas na mercury content
May mga benepisyo sa isang buntis ang pagkain ng isda. Maaari kasi itong matulungan ang isip ng iyong bata lalo na kung ito ay may omega-3 na sangkap. Subalit hindi maitatanggi na may mataas na mercury ang content ang isda na makakasama sa isang pagbubuntis.
Ang partikular na isda ang dapat iwasan ay ang mga malalaking isda, king mackerel o tile fish.
Mga dapat kainin ng buntis
- Whole grains – mayaman sa fiber, vitamin at plant compounds.
- Dairy products – Kailangan ng buntis ang protina at calcium. Ang pagkain ng cheese, yougurt, gatas at iba pa ay makakatulong sa health ni mommy at baby.
- Kamote – Naglalaman din ang kamote ng beta carotene, fiber at Vitamin A na kailangan ni baby sa kaniyang development.
- Eggs – Isa sa tinuturing na go to food ang itlog. Ang isang itlog ay naglalaman ng 80 calories at mayroon itong fat, vitamins, minerals na mataas din sa protina.
- Leafy greens – Ang mga gulay na ito ay naglalaman ng calcium, iron, folate, potassium, fiber, vitamin C, vitamin K, vitamin A.
Source:
Mayo Clinic, Healthline
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!