12 Halamang gamot sa sipon na maaari mong subukan

Mahilig ka sa mga halaman? Maaring meron ka nang gamot sa sipon sa iyong bakuran. Alamin dito ang iba-ibang halamang gamot sa sipon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Plantita ka ba? Usung-uso sa panahon ngayon ang pag-aalaga ng mga halaman. Bukod sa nakakaganda ito ng ating tahanan, mayroon pa itong kakayahan para tayo ay ma-relax kapag tinitingnan natin sila. Mayroon ding mga halaman na lumilinis ng hangin ng ating paligid, na kailangang-kailangan natin ngayon. Pero alam mo ba na may mga halaman din na pwedeng makatulong sa mga sakit? Alamin dito ang sari-saring halamang gamot sa sipon.

Halamang gamot sa sipon

Isa sa mga karaniwang sakit mapa-bata man o matanda ay ang sipon. Ang sipon ay isang nakakahawang impeksyon na tumatama sa ating upper respiratory tract, at nagsisimula sa ating ilong at lalamunan.

Banayad lang ito sa umpisa pero maaari itong lumala kapag hindi agad nalunasan.

Ilan sa mga sintomas ng sipon ay ang madalas na pagbahing, paglalabas ng mucus sa ilong at pagbabara ng ilong. Maaaring humantong ito sa pananakit ng lalamunan, ubo na may plema at lagnat.

Ang sipon ay maaari ring maging sintomas ng isang mas malubhang sakit o pwede ring allergy.

Bagama’t nakakairita ang pagkakaroon ng sipon (lalo na sa mga bata). Kadalasan ay hindi naman ito nagtatagal ng mahigit isang linggo.

Mga sanhi ng sipon

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Woman photo created by pressfoto – www.freepik.com

Maaaring magkasipon ang isang tao dahil sa pagbabago ng panahon. Pero ang pinakakaraniwang sanhi ng sipon lalo na sa mga bata ay ang mga rhinoviruses.

Rhinoviruses ang tawag sa mga virus na na maaaring pumasok sa ating mata, ilong at bibig. Halimbawa, kung bumahing o umubo ang isang tao at wala siyang suot na mask, maaaring pumasok ang droplets sa mata, ilong o bibig ng mga tao sa paligid niya at mahahawa na sila ng sipon.

Gayundin, maaari ring maipasa ang virus sa pamamagitan ng hand-to-hand contact. Kapag humawak ka sa isang bagay na mayroon droplets ng virus at hinawakan mo ang iyong mata, ilong o bibig, maaari ka ring mahawa ng sipon.

Ang mga batang may edad na 6 pababa, mga taong naninigarilyo at may mababang immune system. Sila ang kadalasang kinakapitan ng virus na nagdadala ng sipon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga halamang gamot sa sipon

Sapagkat ang sipon ay isang karaniwang sakit o sintomas ng iba pang sakit. Marami nang gamot at lunas ang naimbento para labanan ito. Pero hindi rin naman nirerekomenda ang pag-inom agad ng gamot dahil mayroon ding kaakibat na side effects ang mga ito, lalo na sa mga bata.

Kaya bago tayo bumili ng gamot sa botika, minsan ay sinusubukan muna nating humanap ng mga alternatibo mula sa sarili nating bahay.

Pero may isang paraan nang paggamot sa sipon ang matagal nang ginagamit ng mga matatanda – ang mga halamang gamot.

Noong unang panahon pa man ay mayroon nang mga halaman na pinagkakatiwalaan ng ating mga ninuno para maging lunas sa iba’t ibang klase ng sakit. Kahit walang sapat na data o impormasyon para makumpirma ang bisa ng mga ito, marami pa ring nagsasabi na nakakatulong ang mga halamang ito laban sa kanilang mga sakit.

Bago ka pumunta sa botika, tumingin ka muna sa iyong bakuran. Narito ang ilang mga halamang gamot sa sipon na maaari mong subukan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Echinacea

May mga pag-aaral na nagsabing ang pag-inom ng tsaa gawa sa halamang ito ay nakakapagpabilis ng paggaling mula sa sipon sa loob ng isang araw. Mas mainam kung iinumin ito agad kapag nakapansin ka ng sintomas ng sipon o anumang impeksyon.

  • Halamang gamot sa sipon: Eucalyptus

Ang mabangong dahon nito ay kadalasang ginagawang sangkap sa mga pamahid na nag-aalis ng sipon o ubo. Pero bakit ka pa bibili ng pamahid kung maaari mo namang pakuluan lang ang mga dahon nito at langhapin ang usok? Siguradong luluwag ang iyong dibdib, mawawala ang pagbabara ng ilong at giginhawa ang iyong pakiramdam.

Hindi nawawala sa ating kusina ang gulay na ito na hilig nating isangkap sa pagkain. Pero ang pagkain ng bawang o paghigop ng katas nito ay nakakapagpalakas din ng ating immune system, at nakakatulong para mabilis tayong gumaling sa sakit tulad ng sipon.

Madalas pinapakuluyan ang luya at ginagawang salabat o minumumog para gumaling ang sa sakit ng lalamunan. Maaari ring inumin ang tsaa para bumaba ang lagnat ng isang tao.

  • Halamang gamot sa sipon: Malunggay

Isa sa mga halamang gamot na napakaraming nakukuhang ginhawa. Alam ng marami na nakakatulong ang pagkain ng malunggay sa nagpapadedeng ina, pero alam niyo ba na mayaman rin ito sa Vitamin C na nakakatulong para tumibay ang iyong immune system at labanan ang mga sakit tulad ng ubo at sipon?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang prutas ng halamang ito ay mayaman sa Vitamin C na lumalaban sa impeksyon at nagpapalakas ng immune system. Pero maaari ring gamitin ang mga dahon bilang tsaa na sinasabing mabisa laban sa sipon.

  • Tanglad

Tinatawag itong lemongrass sa Ingles, pero hindi ito pareho sa sinundang halaman. Noon pa man ay gumagamit na umano ang matatanda ng pinakuluang dahon ng tanglad bilang gamot sa lagnat, ubo at sipon.

Isa ito sa mga halaman na napakaraming nagagamot. Bukod sa kabag at pananakit ng puson, nakakatulong din kung gagawa ng tsaa mula sa mga dahon at iinumin ito para mailabas ang plema na dala ng ubo at sipon.

  • Rosemary

Madalas gawing pampalasa sa mga ulam, o kaya essential oil, maaari rin itong pakuluin at langhapin ang usok para lumuwag ang paghinga at mawala ang bara sa iyong ilong.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Halamang gamot sa sipon: Sambong

Kilala rin sa tawag na sage, maaaring pakuluan ang mga dahon para gawing tsaa o pang-mumog. Makakatulong ito na madaling mailabas ang plema sa iyong lalamunan na dala ng sipon.

  • Spearmint

Ang napakabangong dahon na ito ay kadalasang ginagawang essential oil at ipinapahid sa katawan para mawala ang hilo, sakit ng ulo at sore throat. Pero maaari rin itong pakuluan at gawing tsaa, o kaya naman hugasan, hiwain at ilagay sa salad.

  • Thyme

Kilala ang thyme bilang sangkap na nagpapadagdag lasa sa mga ulam, pero kapag pinakuluan pala ang mga dahon at ginawang tsaa, makakatulong din ito sa pagtanggal ng sipon at pagbabara ng ilong.

Larawan mula sa Freepik

BASAHIN:

#AskDok: Bakit nagkakasipon kapag naulanan?

Herbal na gamot sa ubo ng baby: Rekomendasyon ng isang ina

#AskDok: Ano ang gamot para sa baradong ilong ng mga bata dahil sa sipon?

Mga dapat tandaan bago sumubok ng halamang gamot sa sipon

Dapat tandaan na pawang anecdotal evidence lamang at walang sapat na impormasyon o data na nagsasabing epektibo ang mga halamang ito na gamot sa sipon o anumang sakit.

Sabi ng matatanda, wala namang mawawala kung susubukan. Pero ang pag-inom o paggamit ng mga halamang gamot na ito ay maaari pa ring makasama at makadulot ng kumplikasyon.

Laging sumangguni sa iyong doktor bago ka sumubok ng anumang klaseng gamot – natural man ito gaya ng mga halaman o artipisyal.

Tanungin muna ang pediatrician ng iyong anak bago siya painumin ng mga halamang gamot sa sipon, lalo na kung siya ay walang pang isang taong gulang.

Kung ikaw ay buntis o nagpapadede, tanungin din muna ang iyong doktor kung ligtas ang mga halamang gamot na ito.

Para naman sa may mga sakit sa thyroid, kailangan mo munang kumonsulta sa espesyalista bago mo subukan ang lemon balm.

Gaya rin ng ibang gamot, maaari kang makaranas ng allergic reaction mula sa mga halamang gamot. Kung makakaranas ng pangangati ng balat o mata, pagluluha, pag-ubo at paglala ng mga sintomas ng sipon. Itigil ang pag-inom ng halamang gamot at tumawag sa iyong doktor.

Para sa mga eksperto, ang pinakamabisang paraan para gumaling sa sipon ay ang pag-inom ng maraming tubig at pagkakaroon ng sapat na pahinga. Subukan muna ang dalawang bagay na ito bago uminom ng iba’t ibang klaseng gamot.

Iba pang dapat tandaan kung sinisipon

1. Importanteng suminga regularly upang mailabas ang mucus. Ngunit tandaan din na gawin ito nang wasto. Dahan-dahan lang ang gawing pagsinga dahil ang pressure mula sa labis na pagsinga ay maaaring makapagdala ng germ-carrying phlegm pabalik sa iyong ear passages na maaaring magdulot ng pagsakit ng tainga. Ayon sa Web MD, ang pinakamabisang paraan ng pagsinga ay ang pag-press ng daliri sa isang nostril habang sumisinga sa kabilang butas ng ilong.

2. Magpahinga. Mahalaga ang pahinga sa panahon na mayroon kang sipon. Sa pamamagitan nito, natutulungan mo ang iyong katawan na kalabanin ang ano mang sakit na mayroon ka. Kailangan ng pahinga para mapalakas ang immune system.

3. Makatutulong ang pag-inom ng mainit na liquids para hindi maging dehydrated at matulungang ma-loosen ang mucus at lumuwag ang paghinga. Puwedeng uminom ng tsaa o humigop ng chicken soup.

4. Matutulungan kang ma-moisturize ang iyong nasal passages kung maliligo ka sa steamy shower. Puwede ring maglagay ng cool mist vaporizer sa tabi ng iyong higaan upang lumuwag ang paghinga.

Updates by Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Lead image: https://www.istockphoto.com/photo/selection-of-fresh-culinary-herbs-gm1137337969-303259724

Sinulat ni

Camille Eusebio