TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

4 praktikal na rason kung bakit hindi kailangan ng engrandeng party ni baby

4 min read
4 praktikal na rason kung bakit hindi kailangan ng engrandeng party ni baby

Narito ang mga dahilan kung bakit hindi kailangan ng engrandeng party sa 1st birthday ni baby.

Ang pag-iisip ng handa sa birthday ng iyong anak lalo na sa kaniyang unang kaarawan ang isa sa pinaka nakakaexcite at minsan din ay nakakastress na parte ng pagiging magulang.

handa sa birthday

Image from unsplash.com

Ang mga birthdays nga daw lalo na ang 1st birthday ng isang bata ay isa sa mga milestones ng kaniyang buhay na dapat may handa sa birthday. Karamihan nga sa mga magulang ay nag-o-organize pa ng malaking party kasama ang mga kamag-anak at kaibigan para makisaya sa espesyal na araw na ito ng mga bata.

Ngunit minsan sa sitwasyon ng ibang magulang, hindi naisasakatuparan ang pag handa sa birthday dahil sa ilang dahilan gaya ng kakulangan sa budget at oras para asikasuhin ito. Pero ang hindi pag-o-organize ng isang party lalo na ang engrande sa 1st birthday ni baby ay hindi naman nangangahulugan na hindi mo na ito pinahalagahan at ipinagdidiwang.

Kaya mommy kung feeling mo ay isa kang failure dahil hindi mo kayang bigyan ng isang malaking birthday party si baby, hindi iyan totoo!

Hindi mo kailangang gumastos ng malaki para maiparamdam kay baby ang iyong saya sa kaniyang first birthday. Dahil may iba namang paraan para maiparamdam at mai-celebrate ang special na araw na ito na kasama siya.

At practically speaking, may ilang rason din kung bakit hindi naman kailangan ni baby ng isang malaking handa sa birthday niya para mai-celebrate ang kaniyang unang kaarawan. Ito ay ang sumusunod:

4 na rason kung bakit hindi kailangang maging bongga ang handa sa birthday ni baby

1. Ito ay magastos.

Ang pag-oorganize ng isang party ay magastos mula sa invitations, venue, food, decorations at kung ano-ano pa. Sabihin man nating dapat ito ay pinaglalaanan ng pera ngunit sa murang edad ni baby mas priority nating mga parents ang mga important needs niya gaya ng gatas, diapers, vitamins at iba pa.

Ang pag-gastos sa isang malaking party ay hindi praktikal lalo na kung short na talaga sa budget at may mas importanteng financial needs ang kailangang punan. May ibang paraan naman kung paano ma-icecelebrate ang birthday ni baby ng simple lang at hindi na kailangang gumastos ng malaki.

2. Hindi pa nila ito matatandaan.

Ang isang malaking birthday party sa kanilang first birthday ay hindi pa nila matatandaan. Oo nga’t magiging cute ang mga pictures na maaring makuha sa isang birthday party pero hindi pa naman ito tatatak sa isip nila. Dahil sila ay napakabata pa hindi parin naman sila magtatampo kung hindi mo sila mabibigyan ng isang bonggang handaan at party sa birthday nila.

Mas mabuti pang magbigay ka ng oras o quality time sa iyong baby at gumawa ng mga bagay o activities kasama siya. Wala ng mas sasaya pa na marinig ang mga tawa niya habang nag-eenjoy sa bawat oras sa espesyal na araw kasama ka at ang buong pamilya.

3. Nakaka-stress mag-organize ng party.

Dahil sa dami ng kailangang isipin at ayusin ang pag-oorganize ng isang party ay nakakastress. Tulad ng paghahanap ng supplier para sa mga party needs, venue kung saan gaganapin ang party at marami pang iba.

Kaya kesa mai-stress sa pag-oorganize ng isang party ay mas mabuting mag-organize nalang ng isang intimate na gathering sa inyong bahay o sa isang lugar na kung saan ieenjoy niyo lang ang araw ng magkasama at hindi na kailangan ang pag-oorganize at pakikipag-coordinate sa ibang tao pa.

Maaring magset-up ng isang special dinner sa bahay o sa favorite restaurant ng inyong pamilya. Sa ganitong paraan, hindi mo na kailangang maghanap at kumontak ng kung sino-sino sa espesyal na araw na ito. Mas makakakuha pa kayo ng pictures ng candid at special moments kasama ang buong pamilya.

4. Mas maganda paring mag-spend ng special time sa iyong baby sa kaniyang first birthday.

Maliban sa gastos, walang oras, stress at hindi pa nila ito matatandaan mas mabuting i-celebrate ang first birthday ni baby na kung saan may exclusive time siya sayo o sa buong family. Dahil ang una niyang kaarawan ay selebrasyon din ng matagumpay na isang taong pagiging magulang mo sa kaniya.

Kaya naman hindi tulad ng usual na araw na pinapadede at pinapalitan ang diapers niya mas mabuting gumawa kayo ng isang activity na mas magpapatibay at mas magbibigay kahulugan sa bonding ninyo bilang mag-ama o mag-ina.

Dahil ang pagpaparamdam ng iyong pagmamahal ay hindi lang dapat sa materyal na bagay. Wala ng mas hihigit pa sa oras na ilalaan mo sa kaniya at wala ring mas sasarap pa sa pakiramdam ng isang magulang na makitang masaya ang kaniyang anak habang kalaro at kasama siya.

 

Source: EverydayFamily

Basahin: #TipidTips: Paano maka-menos sa gastos sa first birthday ni baby

Partner Stories
Innovations And Latest Developments In Stem Cells Therapy
Innovations And Latest Developments In Stem Cells Therapy
Moms' Superpower of Care
Moms' Superpower of Care
James Cameron’s Global Phenomenon “AVATAR: The Way Of Water” To Debut June 7 On Disney+
James Cameron’s Global Phenomenon “AVATAR: The Way Of Water” To Debut June 7 On Disney+
May pera sa basura: The circular economy of plastics 
May pera sa basura: The circular economy of plastics 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Okasyon ng pamilya
  • /
  • 4 praktikal na rason kung bakit hindi kailangan ng engrandeng party ni baby
Share:
  • 10 tanong na dapat pagnilayan ng buong pamilya ngayong Mahal Na Araw

    10 tanong na dapat pagnilayan ng buong pamilya ngayong Mahal Na Araw

  • 10 pamahiin ng mga Pilipino tungkol sa kasal

    10 pamahiin ng mga Pilipino tungkol sa kasal

  • 10 Chinese New Year practices that bring in "suwerte"

    10 Chinese New Year practices that bring in "suwerte"

  • 10 tanong na dapat pagnilayan ng buong pamilya ngayong Mahal Na Araw

    10 tanong na dapat pagnilayan ng buong pamilya ngayong Mahal Na Araw

  • 10 pamahiin ng mga Pilipino tungkol sa kasal

    10 pamahiin ng mga Pilipino tungkol sa kasal

  • 10 Chinese New Year practices that bring in "suwerte"

    10 Chinese New Year practices that bring in "suwerte"

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko