Hatian ng pera ng mag-asawa, paano nga ba dapat ayon sa batas?
Hatian ng pera ng mag-asawa na nanalo sa lotto
Sa Thailand, ito ang naging ugat ng pagtatalo sa pagitan ng isang mag-asawa ng sila ay manalo sa lotto.
Ayon sa report, Nov.16 ng manalo sa lotto ang tinayaang ticket ni Pornthida Chamnanwet, 23-anyos. Ang kaniyang napanalunan ay ang first prize ng lottery draw. At ang premyo ay nagkakahalaga ng 6 milyong baht sa kanilang pera o mahigit 10 milyong piso
Kasama ang kaniyang asawa na si Wijak Wannaprasit, 34-anyos ay nagpunta sila agad sa police station sa Bangkok. Ito ay para i-record ang kanilang pagkapanalo. Patunay nito ang mga larawan at dokumentong pirmado ng mag-asawa. Pantay din umano ang napagkasunduang hatian ng pera ng mag-asawa. Ito ay base sa pahayag ni Pornthida.
Hanggang sa kinabukasan ay tila nabago ang ihip ng hangin. At bigla nalang daw sinabi ng asawa ni Pornthida na si Wijak 2 million baht nalang ang mapupunta sa kaniya. Dito nagsimula ang pagtatalo sa pagitan nilang dalawa. At naging dahilan para mag-walkout sa kanilang nirerentahang bahay ang asawa niyang si Wijak na dala ang nanalong lottery ticket.
Dahil sa nagyari, agad na nag-file si Pornthida ng report sa mga pulis upang mapigilan ang kaniyang asawa sa pagkuha ng napanalunang pera sa lotto. Kumalat naman agad ang balita sa Thai media na naging dahilan naman ng pagbabalik ni Wijak sa kaniyang asawa. At ayon sa kaniya ay hindi parin naman daw niya nakukuha ang perang napanalunan.
Ayon sa isang Thai lawyer, base sa kanilang batas sa Thailand, kung sakaling tinakbo ni Wijak ang nanalong ticket at hindi naging pantay ang hatian ng pera ng mag-asawa ay maaring makulong ito ng hanggang tatlong taon. Mabuti nalang at bumalik ito sa kaniyang asawa. At sila ay nagkasundong muli na sabay na kunin ang napanalunang pera.
Hatian ng pera ng mag-asawa sa Pilipinas
Dito sa Pilipinas, ang anumang property o kayamanang nakuha ng isang mag-asawa bago o habang sila ay kasal ay itinuturing na conjugal o pag-aari nilang mag-asawa. Ito ay dapat pantay na hinahati sa pagitan nila lalo na kung sila ay nagdesisyong maghiwalay o mag-file ng legal separation. Base ito sa Executive Code No. 209, o ang Family Code of the Philippines na pinirmahan ni President Corazon Aquino noong July 6, 1987. At ito ay kilala sa tawag na Absolute Community of Property. Ang tanging exempted lang sa absolute community of property ng isang mag-asawa ay ang mga ari-ariang minana, iniregalo o idinonate sa isa sa kanila.
Pre-nuptial agreement
Ngunit, ang mga ari-arian at kayamanan ng isang mag-asawa bago at habang sila ay kasal ay maaring manatiling pag-aari lang ng bawat isa o hindi maging conjugal kung mayroon silang napirmahang pre-nuptial agreement o pre-nup. Ang pre-nup ay ang dokumentong kailangang pirmahan ng mag-asawa bago maikasal. Ito ay ang kasunduan na pumapayag silang manatiling magkahiwalay ang kanilang pag-aari kahit sila ay maikasal na o kaya naman ay mag-desisyong maghiwalay bilang mag-asawa.
Isa nga sa kilalang Filipino couples na may pre-nuptial agreement ay ang aktres na si Heart Evangelista at asawa nitong si Sorsogon Governor Chiz Escudero.
Pagdating naman sa hatian ng pera ng mag-asawa sa pangaraw-araw na gastusin sa loob ng bahay, dapat ito ay maging pantay rin. Dahil tulad ng napagkasunduan ng sila ay makasal ay kailangan nilang magtulungan at magsama sa hirap man o ginhawa.
Source: AsiaOne, Chan Robles Law, Lawyer Philippines
Photo: Freepik
Basahin: Sino nga ba dapat ang humawak sa pera ng mag-asawa, alamin ang sagot ng mga eksperto
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!