Heart Evangelista ayaw patahimikin ng mga basher dahil wala pa ring anak

Hindi ito ang unang pagkakataon na sumagot si Heart sa isang basher.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heart Evangelista hindi na naman napigilang hindi pansinin ang isang basher na ipinunto ang hindi niya pa pagkakaroon ng anak.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Sagot ni Heart Evangelista sa basher na pinunto na naman ang hindi niya pagkakaroon ng anak.
  • Iba pang pangba-bash kay Heart na hindi niya pinalampas

Heart Evangelista may sinagot na namang basher sa social media

Image from Heart Evangelista’s Instagram account

Kinaaaliwan ang aktres na si Heart Evangelista sa ngayon dahil sa mga nagagandahang outfit at luxury brands na dinadala niya. Marami ang ginagawang inspiration si Heart at model pagdating sa mga fashion dreams nila.

Habang marami din ang aliw na aliw sa mga nakakatuwang antics ni Heart na kahit simple o nakakatuwang bagay ay nagagawa niya parin ng may class at sosyal.

Pero syempre hindi lahat laging positive ang masasabi. Katulad nalang nitong nakaraang araw sa isa sa mga Instagram post ni Heart na kung saan nagbibigay siya ng fashion ideas at inspirations gamit ang isang plain white top.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ang natuwa kung paano ang mix and match ni Heart ang simpleng damit na naging classy at sosyal sa kaniyang naging pagdadala. Dagdag pa ang mga nakakatawang gestures at reactions ni Heart na lalong nag-entertain ng viewers at followers niya.

“White top and jeans but u make it look so expensive.”

“Heart Evangelista my fashion icon. Legit.”

“love watching you nkakaaliw kahit dko ma-achieve ang OOTD (outfit of the day) mo haha.​”

Ito ang ilan sa nakakatuwa at positibong komento ng netizens sa isang kwelang post ni Heart habang nagbibigay ng mga outfit ideas.

Pero may isang netizen na tila iba ang timpla at sinabihan ang aktres na parang nababaliw. Dagdag pa niya, ito daw ay maaring dahil walang anak si Heart na pinagkakaabalahan.

“Para ka ng nababaliw, wala kasing anak na pagkaabalahan.”

Si Heart hindi pinalampas ang negative comment na ito ng naturang basher. Ito ang may class ngunit may hagupit na sagot ni Heart sa kaniyang basher.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“UL*L. The only word your vocabulary can attain.”

Reaksyon ng mga netizens

Ang mga netizens hindi rin pinalampas ang pagkakataon na ibahagi ang opinyon nila. Kanilang ipinagtanggol si Heart sa tinawag nilang bitter na basher ng kanilang idolo.

“Oh dear. Don’t mind the hater, Ms Heart. Baka may pinagdadaanan sa buhay kaya bitter. Love your looks! I look forward to watching your everyday vid. Coz why not? ”

“Clapback evur. Having a kid is an option not a choice. Ano nalang ipapamana ng isang simpleng juan, ang kanyang employment de ella o kahati pa sa crisis.”

Ito ang ilan sa naging reaksyon ng mga netizens sa naging pagtugon ni Heart sa kaniyang basher.

BASAHIN:

Heart Evangelista sinabihan ang basher na nagtatanong kung bakit ‘di pa siya nabubuntis: “not your uterus”

Heart Evangelista sa bagong bili niyang Hermès bag: “This is declared to my husband and I worked hard for it so wala na siyang magagawa.”

Winwyn Marquez ipinagdiwang ang birthday kasama ang anak: “Having you is the greatest gift of all.”

Iba pang hurtful comments kay Heart at ang sagot niya sa mga ito

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na may nambash kay Heart dahil sa hindi pa nila pagkakaroon ng anak ni Chiz Escudero.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kaniyang YouTube channel kung saan ipinakita niya ang naging mini honeymoon nila ng mister na si Chiz Escudero noong nakaraang taon ay may isang netizen na ito ang naging komento.

“Kahit ilang honeymoon pa yan baog ka pa den di ka na magkakaanak.”

Si Heart agad na sinagot ang basher. Ito ang sabi niya.

“Ul*l — the only word you can understand.”

Sa kaniyang Twitter account ay minsan naring nagbigay si Heart ng statement niya tungkol sa hindi matapos-tapos na komento ng mga netizens sa hindi niya pagkakaroon ng anak.

Ayon sa aktres, nasasaktan siya sa tuwing nakakabasa ng comments tungkol sa pagbubuntis. Sa ngayon ay kontento siya sa buhay niya at ang pagkakalooban ng anak ay bonus nalang.

“Ok na sana lahat stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me. Nobody knows the real struggle.

Also may I add life is good people I love are fine and everything else in between is ok so bonus na lang if I do conceive again. It’s my body.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Heart Evangelista’s Instagram account

Samantala, sa isang panayam ng TV host na si Karen Davila sa mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero ay sinabi ng mga ito ang pagnanais nilang magkaroon ng anak.

Pero naniniwala silang ito ay ibibigay ng Diyos sa tamang panahon. Kaya naman hindi nila pine-pressure ang kanilang sarili lalo pa’t may kaniya-kaniyang career at role silang parehong dapat gampanan.

“Actually we want one. It’s just the pressure we want to get out of that frame na kailangang kailangan. If it happens, it happens and it is God’s gift and it’s not as if we’re not trying to.”

Ito ang sabi ni Chiz sa nasabing panayam.

Matatandaang noong May 2018 ay inanunsyo ni Heart na siya ay buntis sa kambal nilang anak ni Chiz Escudero. Pero makalipas ang isang buwan ay nasundan ito ng malungkot na balita na nakunan ang aktres.

Ang karanasang ito ay nagbigay umano ng “horrible feeling” sa aktres. Ito rin ang isang karanasan umano na nagbigay sa kaniya ng matinding trauma.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement