Lahat ng magulang ay gustong palaging malusog ang kanilang mga anak. Kaya naman ang ibang magulang ay bumibili pa ng mamahaling baby food para sa kanilang mga anak. Ngunit ayon sa isang pagsusuri, kahit ang mga sikat na brand ng baby food ay natagpuang may heavy metals.
Heavy metals sa baby food, posibleng makasama kay baby
Sa imbestigasyon na isinagawa ng Consumer Reports, naalarma sila sa dami ng heavy metals sa mga baby food na ibinebenta sa Amerika. Karamihan pa ng mga baby food na ito ay mga sikat na brands.
Ayon kay James Dickerson, chief scientific officer ng Consumer Reports, 2/3 ng mga pagkain na kanilang binili sa Amerika at sinuri ay mayroong malaking trace ng heavy metal. Kadalasan itong nanggagaling sa pesticide, water at soil pollution, at sa gasolina.
Dagdag niya na hindi agaran ang epekto ng heavy metal sa pagkain. Kadalasan, lumalabas ang masasama nitong epekto matapos ang ilang taon. Ibig sabihin nito ang pagkonsumo ng heavy metal ay puwedeng magdulot ng maraming sakit sa pagtanda.
Sinabi rin ni Dickerson na wala dapat kahit anong heavy metal sa kahit anong uri ng pagkain.
Anu-ano ang mga brands na may heavy metals?
Inilista ng Consumer Reports ang mga pagkain na kanilang natagpuang may heavy metal:
- Earth’s Best Organic Chicken & Brown Rice
- Gerber Carrot, Pear & Blackberry
- Earth’s Best Turkey, Red Beans, and Brown Rice
- Gerber Chicken &Rice
- Gerber Turkey & Rice
- Sprout Organic Baby Food Garden Vegetables Brown Rice with Turkey
- Gerber Lil’ Meals White Turkey Stew with Rice & Vegetables
- Gerber Carrots Peas & Corn with Lil’ Bits
- Plum Organics Just Sweet Potato Organic Baby Food
- Earth’s Best Organic Sweet Potatoes, 1st Stage
- Beech-Nut Classics Sweet Potatoes
- Earth’s Best Organic Whole Grain Rice Cereal
- Earth’s Best Organic Sunny Days Snack Bars, Strawberry
- Happy Baby Organics Superfood Puffs, Apple & Broccoli
- Happy Baby Organics Superfood Puffs, Purple Carrot & Blueberry
Source: flickr.com
Pahayag ng mga brands
Nagbigay ng pahayag ang Gerber at Beech-Nut tungkol sa nilabas na ulat ng Consumer Reports.
Ayon sa Gerber, ang mga produkto nila ay dumaraan sa masusing pagsusuri at kinikilatis ng iba’t ibang regulatory boards.
“All of our foods meet our safety and quality standards, which are among the strictest in the world. Our rigorous standards are developed by evaluating the latest food safety guidance – from sources like the Food and Drug Administration, Environmental Protection Agency, and international health authorities. Gerber also partners with our farmers and our ingredient and packaging suppliers to control, reduce and limit contaminants in all our foods.”
Sinabi ng kumpanya na bagaman ginagawa nila ang lahat upang mapanatili ang kalidad ng kanilang produkto, mayroong “trace amount” ng metals na likas sa ingredients na kanilang ginagamit katulad ng prutas, gulay, at grains.
Ayon naman sa Beech-Nut, sinisiguro nila na ang mga ingredients ng kanilang mga produckto ay galing sa mga “low-risk production zones.”
“We want to reassure parents that Beech-Nut’s real food for babies is healthy, nutritious and safe. Our focus is on the safety and quality of the food we prepare for infants and toddlers. We have high standards and rigorous testing protocols. We established heavy metal testing standards 35 years ago, and we continuously review and strengthen them wherever possible.”
Ito naman ang nilalaman ng statement ng Sprout: “We are a responsible company with high safety standards for our ingredients and our products. We are continuing to work with the fruit and vegetable industry to look for the cleanest sources of ingredients. We fully support the evolution of FDA safety regulations that help ensure the highest levels of food safety standards for babies.”
Ano ang puwedeng gawin ng mga magulang?
Bagaman nakakabahala ang report ng Consumer Reports, dapat tandaan na ibinase ang masamang epekto nito sa kalusugan kapag kinonsumo ang mga nasabing produkto araw-araw.
Ano ang puwedeng gawin ng mga magulang?
Bagaman convenient na bumili ng bottled baby food, mainam din na pakainin si baby ng lutong bahay. Kapag sa bahay mismo na-prepare ng kanilang pagkain, mas makakasiguro na sariwa ang sangkap na ginagamit sa pagkain.
Source: Consumer Reports, Fox News, Fortune
Photo by Tanaphong Toochinda on Unsplash
Basahin: Baby Food 101: Mga kailangan mong malaman sa pagpapakain kay baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!