Magiging makasarili ang bata kung isa kang helicopter parent

Magiging makasarili ang bata kung isa kang helicopter parent

Ano ang epekto ng helicopter parenting?

Helicopter parenting effects, ano nga ba? Bakit sinasabing nakasasama ito para sa isang bata at nagreresulta pa nga na maging narcissist sila?

Helicopter parenting effects

Alam mo ba na malaki ang tendecy na maging makasarili o hambog ang isang bata kapag ikaw ay isang helicopter parent?

Dahil masyado mong ibinibigay ang lahat ng kanyang kailangan at nakatutok ka lang sa mga ginagawa niya, hindi niya matututunan ang kahalagahan ng ibang tao. Hindi niya rin bibigyan ng importansya ang opinyon ng iba dahil sa kanyang pag-iisip ay siya lang ang mahalaga.

ano ang helicopter parenting

Kaya naman sinasabi na may tyansa na maging narcissist ang isang bata kung siya ay masyado mong kinokontrol.

Ano ang Helicopter Parenting?

Ano nga ba ang helicopter parenting? Ito ay isang parenting style kung saan ang isang magulang ay sobra-sobra ang atensiyon na binibigay sa kanyang anak.

Marahil ay wala namang masama dito sa paningin ng marami dahil marami namang naidudulot na mabuti ang pagiging tutok sa iyong anak. Pero kapag sumobra naman ito’y maaari ding makasama.

Ang mga helicopter parents ay ang mga “overprotective” to the point na lagi na nilang sinosolusyonan ang problema ng mga anak nila. Kahit na mabuti ang intensiyon, maaaring hindi na matuto magdesisyon para sa sarili nila ang kanilang anak.

Dahil dito, maaaring napipigilan nilang matuto ang kanilang mga anak na mag-self motivate o maging independent at magdevelop ng sariling pag-iisip.

“Stepping in and doing for a child what the child developmentally should be doing for him or herself, is negative (Ang pagtulong sa bata pagdating sa mga bagay na dapat niyang matutunan ay isang negatibong bagay),” professor Larry Nelson of Brigham Young University, said in a statement. “Regardless of the form of control, it’s harmful at this time period (Ano mang uri ng kontrol, nakakasama ito sa panahong ito.”

Maliban sa negatibong epekto sa pagiging independent ng bata, ang helicopter parenting ay umaapekto sa brain development ng bata.

People discussing geeky woman in library Free Photo

Mga iba pang negatibong epekto ng Helicopter Parenting

1. Anxiety at depression

Ang helicopter parents ay walang “boundaries” at walang konsepto ng privacy. Habang lumalaki ang bata, lalo na kapag nasa pre-teen age, kailangan nilang space para matuto. Siyempre andiyan pa rin ang guidance, pero kinakailangang hayaan silang maging independent.

Ang sobrang controlling na parents ay madalas may unrealistic na expectations sa kanilang anak. Dahild ito, sabi ng isang pagsasaliksik noong 2016, lumalaking sobra ang self-doubt ng bata.

“When parents become too intrusive in their children’s lives, it may signal to the children that what they do is never good enough (Kapag masyadong nangingialam ang magulang sa buhay nila, maaaring maiparamdam sa bata na hindi tama o sapat ang kahit ano mang gawin nila),” sabi ng study leader na si Ryan Hong, an assistant professor in the department of psychology at the National University of Singapore, sa Health.com.

2. Kawalan ng tiwala sa sarili

Ayon sa pag-aaral ng Journal of Emerging Adulthood, ang mga batang may “helicopter parents” ay hindi nag-aaral nang mabuti. Ayon sa mga researchers, mababa ang pagpapahalaga sa sarili at hindi mabuting ugali.

And importante ay bigyan ng space ang mga bata upang matuto, na walang takot, kahit na magkamali sila.

3. Pagiging sobrang dependent sa mga magulang

Ang mga anak ng helicopter parenting ay may tendency na umasa nang sobra kay mommy at daddy.

Pero mahalagang matutunan ng bawat bata kung paano bumangon sa pagkakamali. Kaya importanteng hayaan ang mga batang matuto nang mag-isa, habang nadidiskubre ang mga limitasyon nila.

Oo, lahat ng magulang ay ayaw namang mahirapan ang anak, pero importante ding ma-challenge sila dahil dito sila lubusang matututo.

Kapag naging matiyaga kasi sila, mas magiging independent at matibay sila paglaki.

4. Pagiging magagalitin o pala-away

Angry boy clinching his fist for fighting Free Photo

Ayon sa research, ang mga batang may helicopter parents ay madalas pala-away sa kapwa bata. Pinaniniwalaang reaksyon nila ito sa sobrang kontrol ng mga magulang nila. Nagiging magagalitin sila dahil gusto nilang i-assert ang dominance nila.

Dahil dito, hirap silang makibagay sa kapwa bata. Dahil sa paghahangad nilang maging mas independent, mas maikli ang pasensiya nila sa ibang bata.

 

Source:

Times of India

Basahin:

10 parenting mistakes na nakakaapekto sa self-confidence ng bata

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

Article Stories
app info
get app banner