#TheWeightIsOver: Hidilyn Diaz ikinasal sakto sa anniversary ng Olympic gold medal!

Hidilyn may bagong milestone sa buhay matapos niyang ikasal sa kaniyang coach!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Double celebration ang ipinagdiwang ni Hidilyn Diaz at coach nitong si Julius Naranjo dahil kinasal siya sa mismong anniversary ng kanyang gold medal.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Hidilyn Diaz ikinasal na sa kaniyang coach na si Julius Naranjo
  • Golden love: Hidilyn Diaz and Coach Julius Naranjo love story

Hidilyn Diaz ikinasal na sa kaniyang coach na si Julius Naranjo

Tuloy-tuloy talaga ang mga magkakasalang couple ngayong taon celebrities man 'yan o hindi.  Dumagdag na sa bilang ng #SanaAll couple ang kauna-unahang nakakuha ng gold medal sa Olympics na si Hidilyn Diaz. Ibinigay niya ang kanyang lifelong vows sa isa sa Team HD coach niya na si Julius Naranjo.

Ika-26 ng Hunyo noong nakaraang taon nang bigyan ni Hidilyn Diaz ng pride ang Pilipinas dahil sa pagkapanalo sa Olympics. Ang 31 taong gulang na golden girl na si Hidilyn Diaz ay nag-set ng bagong Olympic record sa kasaysayan ng bansa.

Wala pang isang taon mula nang makuha ang award na ito, ay mayroong panibagong milestone na naman sa buhay ni Hidilyn. Nagulat ang lahat nang isapubliko niya na ikinasal na sila ni Julius nang i-post niya ito sa kanyang Instagram account. Banggit pa ni Hidilyn 'memorable day' raw ito para sa kanya.

"Today marks the first anniversary of our winning the gold medal in the Olympics for the Philippines. And today also will be a memorable day for Julius and [I], we will get married today."

Larawan mula sa Instagram account ng Nice Print Photo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang wedding ng power couple ay ginawa sa St. Ignatius Church sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio, na dinaluhan ng ilang sikat na personalidad bilang kanilang mga sponsors sa wedding.

Marami rin ang bumati sa newly wed couple na mga celebrity na kapwa naging kaibigan nila,

Sa isang video ng dating vice president na si Leni Robredo binanggit niya dito na honored daw siya bilang maging ninang ng dalawa,

"Hi, Julius and Hidilyn! I am so honored to be your ninang sa wedding ninyo."

Sinagot naman ito ni Hidilyn sa caption ng pasasalamat bilang inspirasyon at pag-asa nilang dalawa ni Julius.

Comment naman ni Ryan Agoncillo, "#Relationshipgoals GOLD Standard."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantalang pinuno naman ng puso ng mga artista na sina Marian Rivera at Liz Uy ang comment section ng post ni Hidilyn.

Larawan mula sa Instagram account ng Nice Print Photo

Golden love: Hidilyn and Coach Julius' love story

Bago ang pagpapakasal ng gold medalist na si Hidilyn Diaz, paano nga ba nagsimula ang love story nilang dalawa ni Julius Naranjo? Sa pagkukwento ni Julius, wala raw siyang ideya kung ano ang naipanalo ni Hidilyn noon. Una pa nga raw ay gusto lang talaga makipagkilala ni Julius sa mga kapwa Filipino niya,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"When I first met Hidilyn I didn't know, I really didn't know that she was a silver medalist. She was a fellow Filipino that I can meet 'cause I'm from Guam and I'm half-Filipino. I just thought it was great to meet Filipinos from the Philippines at a competition abroad,"

Hindi raw nagtagal ay nagsimula nang magkakilanlan ang dalawa at magdate nang tuluyan. Hanggang sa naging coach niya rin si Julius.

"So ayun pumasok siya. Sabi niya ako mag-coach. Sabi ko magaling ka ba?"

Ayon kay Hidilyn.

Larawan mula sa Instagram account ng Nice Print Photo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabalik-tanaw pa ni Hidilyn hindi niya raw kaagad binigyan ng tiwala si Julius pagdating sa training kahit pa karelasyon niya na ito.

"Kahit sabihin na exercise science major siya, naging coach siya, hindi ako basta-basta naniniwala kahit boyfriend 'yan. Hindi pwede ganoon. 'Yong trust, it takes time."

Isa pa nga raw sa naging pagsubok ng relasyon nila ang pagiging coach at athlete nilang dalawa. Pinag-aralan daw nila kung paano ise-set aside ang relasyon nila upang mas maging maayos ang kanilang training.

"Alam ko mahirap sa kanya. Nahirapan siya. Sobrang nahirapan siya, Masyado akong focus sa ginagawa ko eh. 'Pag weightlifting, 'pag focus ako sa Olympics, sobrang focus ako sa ginagawa ko."

"Sabi nga niya hindi normal relasyon natin. Syempre coach and athlete. Kailangan i-set aside pagiging boyfriend niya."

Sa kabila nito, nagpapasalamat naman si Hidilyn na si Julius ang kanyang naging boyfriend dahil daw sa pagtulong at pag-intindi nito sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Minsan sobra akong stubborn as an athlete and girlfriend. Siguro swerte ako doon na 'yun 'yung binigay sa ’kin ni God na ’tong taong makakaintindi at tutulungan ako."

Pagkukwento naman ni Julius, agaw atensyon daw talaga para sa kanya si Hidilyn kahit ano pang suotin nito,

Nabanggit din ni Hidilyn ang kagustuhan niyang pagpapakasal sa karelasyon na si Julius at bumuo sila ng pamilya.

Sinulat ni

Ange Villanueva