Sa pag-aaral ng mga eksperto, nalaman nilang ang high blood sa bata ay posible at hindi lang adult ang maaaring magkaroon nito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- 5 ways para maiwasan ang high blood sa bata
- Mga iba pang dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng high blood ang bata
5 ways para maiwasan ang high blood sa bata
Tumutukoy ang high blood pressure o hypertension sa pressure ng pagdaloy ng dugo sa ugat ng isang tao na tinatawag na arteries. Itinuturing na normal sa blood pressure ang bilang na 120 over 80. Isa ito sa dahilan kung bakit nakakaranas ng stroke ang isang tao. Kadalasang nangyayari ito sa mga adult pero napag-alaman ng experts na maaari rin palang magkaroon ng high blood pressure ang mga bata.
Base sa research ng mga heart health experts na nai-publish sa European Heart Journal, nakita nila na ang unhealthy lifestyle sa bata ang maaaring dahilan para magkaroon ng high blood ang bata. Tiningnan nila ito sa mga batang may edad 6 hanggang 16 taong gulang.
Napag-alaman nila na malaki ang role ng parents para ma-promote ang health behavior ng mga bata ito ay ayon sa first author na Professor Giovanni de Simore mula sa University of Naples Federico II.
“Parents are significant agents of change in the promotion of children’s health behaviors.”
Maaaring dahilan daw ng pagkakaroon ng high blood pressure ang pagmana nito sa pamilya pero maiiwasan daw ito kung healthy ang pamumuhay ng pamilya.
“Very often, high blood pressure and/or obesity coexist in the same family. But even when this is not the case, it is desirable that lifestyle modifications involve all family members.”
Importanteng nata-track din daw ang progress ng bata lalo pagdating sa timbang.
“Recording weight, eating habits and exercise over time — but without becoming obsessive — can help young people and their families to track progress towards their goals.”
Nakita rin daw nila sa pag-aaral na tumataas ang bilang mga batang mayroong hypertension. Malaking rason daw dito ang labis na timbang o obesity.
“The rise in childhood hypertension is of great concern as it is associated with persistence of hypertension and other cardiovascular problems during adulthood.”
Causes
Marami ang maaaring dahilan kung bakit nagkakaroon ng high blood at tao o bata. Narito ang ilan sa kanila:
- Family history. Gaya ng nabanggit, malaki ang posibilidad na magkaroon na ng high blood ang anak mo kung sa pamilya ay may history ng ganitong kondisyon.
- Birth weight. Kung si baby ay over weight o hindi normal ang timbang pagkapanganak pa lamang, pwede rin na magkaroon siya ng hypertension.
- Salt intake. Bumubuo ng labis na tubig ang pagkain ng maalat na tubig. Ang tubig na ito ay tumutulong upang maging maayos ang pressure sa dugo sa ugat ng isang tao.
- Leisure activities. Malaking ambag din ang activities ng bata sa pang-araw-araw.
Ilan sa maaring senyales para malaman kung high blood ang bata ay pagkakaroon ng nosebleeds, vertigo, pananakit ng ulo, hirap sa paghinga, pamumutla, at palpitations.
Pagkakaroon ng strict na diet.
Pag-eehersisyo ng regular.
Hindi lang adult ang kinakailangan ng ehersisyo, importante rin ito para sa mga bata. Para sa experts, kailangan daw ng at least one hour na moderate to vigorous na physical activity araw-araw. Kasama na diyan ang pagda-jogging, cycling, o kaya naman ay swimming.
Pagmomonitor sa activities.
Need din ng dobleng oras para ma-monitor ang mga bata sa kanilang daily activities. Hindi dapat gumugol ng sobrang oras ang mga bata sa panonoood ng TV, paglalaro ng smartphones, at iba pang activities na hindi masyadong gumagalaw ang katawan.
I-check from time to time ang blood pressure.
Kung ang lahat ng ito ay ginagawa niyo, kailangan din na chinecheck ang blood pressure nila. Dapat ay napapanatili ang normal na blood pressure nito.
Bantayan palagi ang sintomas.
Ilan sa maaring senyales para malaman kung high blood ang bata ay pagkakaroon ng nosebleeds, vertigo, pananakit ng ulo, hirap sa paghinga, pamumutla, at palpitations.