Mister hindi kasundo ang biyenan na lalaki? Ito ang mga posibleng dahilan at mga dapat gawin para maging maayos ang relasyon nila.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga dahilan kung bakit si mister ay hindi kasundo ang biyenan na lalaki.
- Mga puwedeng gawin para maging maayos ang relasyon ni mister at kaniyang father-in-law.
Hindi kasundo ang biyenan na lalaki?
Sa mundo ng pag-aasawa, isa sa madalas na pinagmumulan ng gulo o problema ay ang relasyon ng mga manugang at biyenan. Madalas, ito ay sa pagitan ng biyenan at manugang na babae.
Pero may mga kaso ring ang father-in-law o biyenan na lalaki naman ang may hindi magandang relasyon sa kaniyang son-in-law. Sa tulong ng pag-aaral na ginawa ng mga professors at book authors na sina Michael Woolley at Geoffrey Greif ay nagawa nga nilang malaman ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi kasundo ni mister ang biyenan na lalaki.
Ito ay kanilang nagawa matapos i-survey at interbyuhin ang kulang-kulang sa 300 na father-in-laws.
Base sa ginawang pag-aaral, ay ito ang mga dahilan kung bakit hindi nagkakasundo o nagkakaroon ng problema sa relasyon ng biyenan at manugang na lalaki. At ito ay mula mismo sa pinagsama-samang sagot ng mga father-in-laws na naging mga participant ng ginawang pag-aaral.
Mga dahilan ng problema sa relasyon ng father-in-law at son-in-law
1. Natatakot sila sa magiging future ng kanilang anak.
Isa sa pangunahing dahilan kung bakit umano, sa una ay hindi nagiging maayos ang relasyon ng manungang at biyenan na lalaki ay dahil sa pag-aalala ng father-in-law sa magiging kinabukasan ng kaniyang anak na babae.
Nariyan siyempre na natatakot siya na baka saktan lang ito ng kaniyang son-in-law. O kaya naman ay hindi maibigay nito ang maayos na kinabukasan para sa kaniyang anak at sa kaniyang mga apo.
Photo by Cleyder Duque from Pexels
2. Nag-aalala sila sa kung sino ang mag-aalaga sa kanila kapag sila ay matanda na.
Dahil siyempre sila’y tumatanda na, isa pa sa inaalala ng mga father-in-laws ay ang nagkakaroon na sila ng kalaban o kahati sa atensyon ng kanilang anak.
Kaugnay rin nito ang pag-aalala na baka hindi na sila maalagaan ng kanilang anak na babae dahil sa ito ay may asawa at pamilya na.
3. Wala pa silang apo.
Base sa ginawang pag-aaral, dumadagdag sa dahilan ng hindi pagkakasundo ng father-in-law at son-in-law ang hindi pagkakaroon ng anak ng mag-asawa.
Dahil ayon sa mga father-in-laws na kabilang sa pag-aaral ay naging close sila ng kanilang son-in-law noong sila ay magkaapo na. Ito kasi ang panahon kung saan nakita nila kung paano ito bilang isang haligi ng tahanan.
Ganun din ang responsableng ama sa kaniyang pamilya. Pero kung kabaligtaran ang ipinapakita nito ay mas nagiging mainit ang tension sa pagitan nilang dalawa.
4. Hindi kinakausap ng son-in-law ng deretso ang kaniyang father-in-law at pinapadaan pa ang sasabihan niya sa kaniyang asawa.
Para sa mga father-in-laws, tanda ng kawalan ng respeto ng mga son-in-laws ang hindi deretsahang pakikipag-usap sa kanila. Ibig sabihin ay imbis na sila ang mismong kausapin ay ipinadaan pa ng mga ito ang kanilang sasabihin sa kanilang misis. Mas magulo umano ito at mas nagdudulot ng gusot sa pagitan ng kanilang relasyon.
Sa katunayan, base pa rin sa ginawang pag-aaral, may mga father-in-laws ang nakapagsabi na mas strong ang relationship nila ng kanilang son-in-law dahil sila’y may direct communication. Sapagkat mas naiitindihan nila ang isa’t isa at nagma-match ang mga ugali nila.
Photo by Pavel Danilyuk from Pexels
5. Nakadepende rin ang relasyon ng father-in-law sa kanilang son-in-law sa ugali ng anak na babae.
Ang kanilang anak o asawa ng kanilang son-in-law ay may mahalagang papel rin na ginagampanan sa kanilang father-in-law relationship.
Dahil ito ang magdi-discourage o mag-iencourage na mag-spend ng time ang dalawang lalaki. Kung paano niya tratuhin ang kaniyang ama ay siya ring maaring maging trato ng mister nito sa kaniyang father-in-law.
Kaya naman kung nais niyang maging maayos ang relasyon ng dalawang lalaki sa buhay niya ay dapat maging maayos rin ang relasyon niya sa mga ito.
BASAHIN:
Paano pakikisamahan ang mga in-laws na laging may nasasabing hindi maganda sa ‘yo?
10 paraan para mapabuti ang relasyon sa in-laws
4 na senyales na hindi ka gusto ng biyenan mo
Ano ang maaaring gawin ni misis para sa maayos na father-in-law relationship ni mister at kaniyang ama
Photo by Kampus Production from Pexels
Para matulungang maging maayos ang relasyon ni mister at ng kaniyang father-in-law, ito ang ilan sa maaring gawin ni misis.
- Palaging bisitahin ang mga magulang at hayaang mag-spend ng quality time ang dalawang lalaki.
- Parehas silang itrato ng maayos at i-encourage silang kilalanin ang isa’t-isa.
- Huwag magkukuwento ng pangit o negatibo tungkol sa dalawang lalaki. Kung may mga pagkakataon ay iangat ang iyong mister. Purihin siya sa harap ng iyong ama sa mga nagagawa niyang maganda at kahanga-hanga. Ganoon rin ang gawin sa iyong ama, ipaalam sa iyong mister ang mga kahanga-hanga nitong nagagawa.
- Ugaliing bigyan ng oras ang iyong mga magulang na makasama ng iyong mga anak. Huwag iparamdam na pinagdadamutan mo sila ng oras na makasama ang mga apo nila.
- I-encourage ang iyong mister na deretsong makipag-usap sa iyong ama kung may gusto itong sabihin. At huwag makialam sa mga issues nila lalo na kung hindi naman kinakailangan.
- Kahit na may asawa na ay iparamdam parin sa iyong ama ang iyong pagmamahal. Bigyan sila ng oras at atensyon. Pati na ang kasiguraduhan na kahit anong oras ay nandyan ka parin para sa kanila bilang isang anak na hindi sila pababayaan.
Source:
Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!