X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

STUDY: Hindi pa "adult" ang mga tao hanggang 30 anyos

3 min read
STUDY: Hindi pa "adult" ang mga tao hanggang 30 anyosSTUDY: Hindi pa "adult" ang mga tao hanggang 30 anyos

Huwag magtaka kung sakaling sinasabihan kang para ka pa ring bata kung kumilos at mag-isip kahit 30 taong gulang ka na.

Naranasan mo na bang sabihan ng mga salitang "para kang bata" o "isip-bata ka pa rin" kahit na ang edad mo ay 30 na? Marahil tama sila sa sinabi nila dahil ayon sa mga eksperto, hindi pa adult na maituturing ang mga tao hanggang edad na 30.

hindi pa adult

Bakit hindi pa adult ang mga tao hanggang 30 taong gulang

Karaniwang itinuturing ng halos lahat ng bansa sa mundo ang edad na 18 bilang legal age dahil itinuturing bilang mature na may kakayahang mag-isip ng wasto at maging responsable sa kanyang desisyon ang mga tao sa edad na ito.

Ayon sa mga siyentipiko na nangasiwa sa pag-aaral, ang utak at nervous system ng mga adulto ay magkakaiba sa bawat isa. Ipinahihiwatig ng pag-aaral na ang mga taong tumuntong sa legal age na 18 ay tuluy-tuloy pa ring nagdedevelop ang utak at nakakaapekto ang mga pagbabagong ito sa pag-uugali nila.

May malaking epekto ang patuloy na pag-develop ng utak ng tao kaya maituturing na vulnerable stage pa rin at hindi pa adult ang edad na 18 pagdating sa mga mental health disorders.

"What we're really saying is that to have a definition of when you move from childhood to adulthood looks increasingly absurd," sabi ni Professor Peter Jones ng Cambridge University.

"It's a much more nuanced transition that takes place over three decades. I guess systems like the education system, the health system and the legal system make it convenient for themselves by having definitions," dagdag niya.

hindi pa adult

Kaibahan ng pagiging adult sa edad at maturity ng utak

Maraming advantages na nakukuha ang isang tao sa pagtuntong niya ng legal age na 18. Maaari na siyang makabili ng alak at sigarilyo, makapag-apply ng trabaho, makakuha ng benefits mula sa gobyerno at makaboto sa eleksyon.

Kaakibat din nito ay ang pagturing sa iyo ng batas at mga tagapagpatupad nito bilang adulto at maaaring litisin sa korte gaya ng karamihan kapag napaharap sa isang krimen.

Sa kabila nito, naniniwala si Professor Jones na ang mga batikang hukom ay kinikilala ang pagkakaiba ng pag-iisip ng mga 18 taong gulang na nasasakdal sa mga 30 taong gulang na "halang ang bituka" na akusado sa isang krimen.

"I think the judicial system is adapting to what's hiding in plain sight, that people don't like (the idea of) a caterpillar turning into a butterfly," aniya.

Dagdag niya: "There isn't a childhood and then an adulthood. People are on a pathway, they're on a trajectory."

Mauunawaan sa pag-aaral na ito na hindi edad ang nagdedetermina ng pagiging adulto ng isang tao, bagkus ay ang pagkakaroon nito ng maturity ng pag-iisip at pag-uugali.

Ngayon ay mas naiintindihan na natin kung bakit may mga batang tila matanda na kung mag-isip at may mga matatandang isip-bata pa rin at hindi pa adult kung kumilos.

 

Source: BBC

Images: Shutterstock

BASAHIN: Pagkakaroon ng mataas na sahod nakadepende raw sa pag-uugali habang bata

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • STUDY: Hindi pa "adult" ang mga tao hanggang 30 anyos
Share:
  • Babae, hindi na tinuloy ang pagpapakasal, tinawag pang "pangit" ang boyfriend

    Babae, hindi na tinuloy ang pagpapakasal, tinawag pang "pangit" ang boyfriend

  • Mga dapat malaman ng mga ina tungkol sa pagbubuntis sa edad na 30

    Mga dapat malaman ng mga ina tungkol sa pagbubuntis sa edad na 30

  • Heartbroken mom shares how her baby suffocated on soft toys in her sleep

    Heartbroken mom shares how her baby suffocated on soft toys in her sleep

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

app info
get app banner
  • Babae, hindi na tinuloy ang pagpapakasal, tinawag pang "pangit" ang boyfriend

    Babae, hindi na tinuloy ang pagpapakasal, tinawag pang "pangit" ang boyfriend

  • Mga dapat malaman ng mga ina tungkol sa pagbubuntis sa edad na 30

    Mga dapat malaman ng mga ina tungkol sa pagbubuntis sa edad na 30

  • Heartbroken mom shares how her baby suffocated on soft toys in her sleep

    Heartbroken mom shares how her baby suffocated on soft toys in her sleep

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.