Robin Padilla kinumpirma ang paghihiwalay ni Aljur at Kylie, sinabing may "third party"

Robin Padilla, nais pa rin na maayos nina Kylie at Aljur ang kanilang relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hiwalayan ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla kinumpirma ni Robin Padilla. Kuwento ng aktor mayroon daw third party sa hiwalayan ng dalawa ngunit umaasa pa rin siyang magkakabalikan ang kaniyang anak at ang kaniyang son-in-law.

Sa artikulong ito ay mababasa ang sumusunod:

  • Hiwalayan ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla
  • Mga pananaw ni Robin Padilla sa naging hiwalayan ng ni Aljur at anak na si Kylie.

Isyung hiwalayan ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla, Robin nagsalita na

Sa isang exclusive interview ng showbiz reporter na si Ogie Diaz kay Robin Padilla ay kinumpirma ng aktor na hiwalay na nga ang anak niyang si Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica. Nang matanong nga siya, kung may third party ba, ang sagot niya ay oo, iyon ang pagkaalam niya.

“Meron daw, e. Imposible ba ‘yon? Hindi imposible ‘yan! Iyan ang sinasabi ko kay Kylie, lalaki ‘yan,” sagot ng aktor.

Dagdag pa niya na naiintindihan niya na malakas talaga ang temptation na mangaliwa, lalo na’t nasa showbiz sila.

Base sa pag-uusap nila ng anak, si Kylie ang nakipag-hiwalay kay Aljur.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Una, walang sinasabi ‘yong anak ko. Kasi ‘yon naman, noon pa, lagi kong ‘tinatanong si Kylie, agrabyado ka ba? Hindi naman daw, ‘Okay lang ako, Pa.’ Ito, tinanong ko rin siya ulit, ‘Anak, agrabyado ka ba?’ ‘Hindi, Pa, ako nakipaghiwalay, e.”

Ito ang pahayag pa ng aktor.

Kuwento pa niya, tinatawagan rin siya ni Aljur tungkol sa nangyari. Ngunit hindi niya sinasagot ito. Nagparating lamang siya ng mensahe.

“Tumatawag sa akin si Aljur, e. Hindi ko sinasagot, minessage ko lang siya. Sabi ko, ‘Isa lang ang gusto ko, tumigil kayo sa social media, nakakahiya ‘yan.'”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinayuhan niya ang mag-asawa na huwag magparinigan sa social media para sa kapakanan ng mga bata.

“Isipin ninyo mga anak ninyo. Balang araw makikita ng mga anak ninyo yan.”

Robin hindi nakikialam sa away at hiwalayan ng mag-asawa

Image from Aljur Abrenica’s Facebook account

Hindi rin naman daw kailangang mag-sorry ni Aljur sa mga nangyari. Dahil ang isyu ng pambababae ay maituturing niya na natural lang. Maliban nalang kung sasaktan niyang pisikal si Kylie na ibang usapan na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi na kailangan. Mag-sorry ka kung sinaktan niya ng pisikal kasi iba yun. Huhintingin kita Aljur. Huwag na huwag mong gagawin sa anak ko iyon. Hindi ko sinaktan ‘yang bata na ‘yan. Wag mong gagawin ‘yon, Pare.”

Dagdag nito nang pabiro, “Pero ‘yang mga ganyang pambabae, natatawa pa ako d’yan.”

Hindi lingid sa karamihan na naging lapitin si Robin sa mga babae noong kaniyang kabataan. Kaya naman daw wala siya sa posisyon upang pagsabihan si Aljur.

Sabi pa ni Robin, ayaw niyang makialam sa away ng mag-asawa.

Bagamat masakit para sa amang tulad niya na makita ang pinagdadaanan ng anak. Sa pahayag niyang ito ay kinumpirma niya rin na ang kaniyang mga apo ay naiwan sa pangangalaga ng anak niyang si Kylie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Wala naman papel ang tatay ‘don. Hindi ka dapat makialam. Away ng mag-asawa ‘yon, e, may mga anak pa. Masakit siyempre, sa akin. ‘Tsaka sa akin ang remembrance, e. Iyong mga apo nasa nanay.”

Papasok nga lang daw siya sa eksena, bilang ama sa oras na sinaktan ng pisikal ang anak niya.

“Ang unang tinanong ko sa kaniya, ‘Sinaktan ka ba?’ Doon lang naman tayo papasok kapag sinaktan ‘yong anak mo. E, wala naman. Mabait naman si Aljur,” sabi pa ni Robin.

Image from Kylie Padilla’s Facebook account

BASAHIN:

Nadine Samonte sa maselang pagbubuntis: “I can say I’m one strong Momma here fighting for my babies”

Hiwalay na? 10 tips para maiparamdam sa bata na may dalawang magulang pa rin siya

6 karaniwang dahilan ng paghihiwalay ng mga mag-asawa

Payo ni Robin kay Kylie at Aljur

Ayon pa sa aktor, bilang lalaki ay naiintindihan niya kung may nagawa mang mali si Aljur. Pero syempre bilang ama, ang kapakanan parin ng anak niya ang iniisip niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi na uso ang martir ngayon. Tanggapin natin ‘yon, wala na tayo do’n. Kasi ako iyon ang unang-una kong sinabi kay Kylie, noong nag-usap kami. Sabi ko, ‘Lalaki ‘yang asawa mo. Pasalamat ka nga alam mong lalaki, e.’ Kaya lang, hindi raw niya kaya.”

Bagaman naiintindihan daw niya na natukso si Aljur, hindi rin naman niya ito ipagtatanggol.

“Hindi kasi naman ako ‘yong tipo na magiging abogado mo ‘ko. Hindi naman. Anak ko iyon, e. Alangan namang maging abogado mo pa ako.”

Dagdag niya pang payo sa mga ito, walang ibang puwedeng mag-ayos ng problema nila kung hindi silang dalawa lang.

“Dalawa lang ang puwedeng mag-ayos niyan, si Kylie lang at si Aljur. Kasi kung makikialam tayo, pipilitin natin ‘yong dalawa. Magsasama ngayon ‘yong dalawa dahil sa atin, e kung magka-pisikalan ‘yan, sinong mag-aaway pagtapos niyan? Tayong dalawa na. Gusto mo ba akong kaaway? Ayoko no’n.”

Robin: “Dapat kahit hiwalay na ay hindi sila maging magkaaway.”

Image from Aljur Abrenica’s Facebook account

Ayon pa nga rin sa kaniya, pinayuhan niya rin ang mga ito na dapat kahit hiwalay na ay hindi sila maging magkaaway. Ito ang paliwanag ng aktor kung bakit.

“Ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkasundo. Hindi kayo dapat maghiwalay ng magkaaway. Bakit? Nagmahalan naman kayo. Nasarapan naman kayo pareho. Bakit kailangan kayong magkaaway? Dahil ‘yong dahilan, dahil nagtaksil ‘yong isa? Tao ka, mangyayari’t mangyayari ‘yan. Hindi ‘yan puwedeng hindi mangyari. Kalokohan ang hindi mangyari lalo na’t nasa showbiz tayo.”

Sa ngayon, kuwento parin ni Robin ay mukha namang maayos ang relasyon ni Kylie at Aljur. Dahil nitong Father’s day ay magkasama ang dalawa at ang kanilang mga anak at maayos na nag-uusap. Pero, hiling ng aktor sana maayos pa ang pagsasama nila at kung magbabalikan sana huwag nang patagalin pa.

“Para sa mga bata, sa mga anak nila. At sana huwag nila patagalin kung magbabalikan naman sila e kaagad. Kasi kapag tumagal yan masyado ng maraming mangyayari.”

Ito ang mga naging pahayag ni Robin Padilla sa hiwalayan ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

 

Photos from Aljur Abrenica’s official Facebook page

Main photo from the couple’s wedding, taken by ProudRad Photography