Ngayong Setyembre at Oktubre magkakaroon ng dalawang convention na tatalakay sa homeschooling—ang Philippine Homeschool Convention 2018 ng Educating for Life at ang 1st Global Homeschool Conference ng Homeschool Global. Layunin ng mga conventions na ito na palawakin ang kaalaman ng mga magulang tungkol sa homeschooling o ang pag-aaral ng bata ng kaniyang mga aralin sa bahay imbis na sa tradisyunal na eskwelahan.
Early bird All Access rate: P1000 per participant
Walk-in All Access rate: P1200 per participant
Expo Only rate: P100 per participant (hindi kasama ang plenary hall at session rooms)
Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa site na ito.
1st Global Homeschool Conference
Ang 1st Global Homeschool Conference ay gaganapin sa October 13 sa SMX Aura, SM Aura Premier, BGC Taguig City. Inimbitahan ang mga speakers na sina Brad Huddleston, consultant at author of Digital Cocaine: A Journey Toward iBalance at The Dark Side of Technology: Restoring Balance in the Digital Age; Debra Bell, homeschool mom at author of the best-selling book The Ultimate Guide to Homeschooling; at Michael Lim Tan, chancellor ng UP Diliman. Mayroon ding mga local homeschooling experts na magbibigay ng talks at magkakaroon din ng performance ang Ben&Ben.
May-ari si Miriam Quiambao at ang asawa nitong si Ardy Roberto ng Homeschool Global hub sa Alabang.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa event, pumunta sa site ng Homeschool Global.
Ano nga ba ang homeschooling?
Magkaiba ang home study at home schooling. Ang Home Study ay pag-aaral na may paggabay ng guro o tutor na pumupunta sa bahay ng estudyante. Ang Home School ay isang sistema na ang magulang ang guro ng kaniyang anak.
Mayroong homeschooling na sinasabing “loosely structured” o maluwag at hindi strikto ang sistema. Kung kayang tapusin ng 2 taon ang Grade 1 hanggang Grade 5, puwede. Kung gusto ng magulang na music lang ang ituro sa bata sa isang taon, desisyon niya ‘yon.
Sa isang banda naman ay ang highly-structured homeschooling, na kumpleto pa ng classroom furniture tulad ng blackboard, mesa, uniform, ID, pati flagpole, na nasa bahay lang din.
Kung sa tingin mo ang ganitong set-up ay para sa iyong pamilya, narito ang artikulo namin tungkol dito: Homeschooling 101: Para sa iyo ba ang sistemang ito?