Sa wakas ay isa nang ganap na tatay ang sikat na YouTuber na si Hungry Syrian Wanderer matapos manganak ang kaniyang girlfriend!
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Hungry Syrian Wanderer sinalubong ang kaniyang first child
- How to prepare for fatherhood
Hungry Syrian Wanderer sinalubong ang kaniyang first child with his girlfriend
Masayang ibinahagi ni Basel Manadil, o mas kilala bilang si Hungry Syrian Wanderer, na sa wakas ay isa na siyang father.
Sa vlog ni Hungry Syrian Wanderer, makikita ang naging journey ni Basel at kaniyang girlfriend sa kanilang birthing experience.
Sa unang parte ng vlog ay sinabi ni Hungry Syrian Wanderer na nakakaranas na ng contractions ang kaniyang girlfriend. Kaya naman kahit kagagaling lang niya sa trabaho ay nagmaneho na siya patungo sa Asian
“I’m so nervous. Mixed emotions of happiness and nervousness. But it will all go away once we see that little baby. Excited much, mga tao!”
Larawan mula sa YouTube video ni Hungry Syrian Wanderer
Sa Asian Hospital and Medical Center nagtungo si Basel at ang kaniyang girlfriend. Pinalakas ni Hungry Syrian Wanderer ang loob ng kaniyang girlfriend na dumaan sa ilang oras na labor.
Ngunit inabot na hanggang umaga ay hindi pa rin natapos ang labor ng girlfriend ni Basel.
“The labor lasted for a few hours now, still ongoing. I did not have any sleep pero it’s okay. It’s worth it.”
Kaya naman napagdesisyunan na idaan na lang sa caesarean section ang panganganak ng kaniyang partner.
Ipinaliwanag ni Dr. Rebecca Singson, ang OB-GYN nina Basel at kaniyang girlfriend, na mali ang posisyon ng baby sa sinapupunan kaya kailangang gawin ang caesarean section delivery.
“We gave her every chance to labor and deliver. Kaya lang sa start pa lang, ‘di ba 2 cm pa lang siya, ansakit-sakit na. That’s very unusual.”
“It means the baby was in a wrong position because it’s so big, hindi siya maka-turn… It was hitting the spine that’s why she is in so much pain.”
Larawan mula sa YouTube video ni Hungry Syrian Wanderer
Ayon pa kay Dr. Singson, kahit maghintay pa sila hanggang kinabukasan ay hindi lalabas ang baby thru normal delivery kaya mainam na idaan na lang ito sa CS.
Samantala, halo-halong emosyon ang naramdaman ni Hungry Syrian Wanderer habang hinihintay ang panganganak ng kaniyang girlfriend.
“It’s really hard when its your first child. Mixed feelings of emotions — happiness, nervous, stressed and excited my first baby ever!”
Nang handa na ang delivery ay nasa loob na ng operating room si Basel. Pinasilip rin ni Basel ang face ng kaniyang baby boy na ayon sa nagpaanak ay parang pang-one-month old na raw ang timbang ng kaniyang anak.
Ayon kay Basel nasa 3.8 to 3.9 kilos ang timbang ng kaniyang baby boy.
Biro pa nga raw ng doktor sa kaniya, “The doctor said, ‘He doesn’t need milk. He can eat rice na. He’s already so big!'”
Samantala binahagi rin ni Hungry Syrian Wanderer ang total na ginastos niya para sa panganganak ng kaniyang girlfriend sa Asian Hospital and Medical Center.
Ayon kay Basel, nasa P77,350 ang maternity package para sa CS delivery. P56,000 naman para sa normal delivery.
Ang running bill naman nila ay umabot sa P183,710. Sa kabuuan kasama ang professional fees at mga discount, P204,000 ang total na binayaran ni Basel para sa caesarean section delivery ng kaniyang girlfriend.
Larawan mula sa YouTube video ni Hungry Syrian Wanderer
Sa panganganak ng kaniyang girlfriend, na-realize ni Hungry Syrian Wanderer kung gaano ka-special ang mga nanay.
“Today I remembered one thing. Our mothers are everything.”
Masaya rin ang vlogger sa bagong chapter sa kaniyang buhay ngayong isa na siyang daddy.
“Fatherhood is a great challenge but the most profound gift to every husband, You can’t explain it until it happens. Nothing in life will ever make you as happy, as sad, as exhausted, or as incredibly proud as fatherhood.”
How to prepare for fatherhood
Special para sa kahit sinong lalaki ang pangyayari kapag naging isa na silang tatay. Kaya naman marami ang pinaghahandaan ang araw kung kailan isisilang ang kanilang first ever baby.
- Para sa mga magiging first time daddies, hindi ang pwede niyong gawin para makapag-prepare sa pagdating ng inyong anak:
- Ihanda na ang bawat baby furniture sa inyong bahay.
- Kung may sasakyan, kumuha na ng infant car seat.
- Makipag-usap na sa inyong misis tungkol sa division of labor o paghahati ng gawain pagdating kay baby.
- Bumili na ng mga damit para kay baby tulad ng onesies, hats at mga medyas.
- Mag-stock na ng mga diapers.
- Ihanda na rin ang stock ng pagkain dahil posibleng mawalan ng oras sa pagluluto.
- Siguruhing malinis ang bahay sa pagdating ng baby.
- Bayaran na ang lahat ng mga bill sa bahay para hindi na ito makalimutan bago ang due date ng panganganak.
- Kausapin ang mga bibisita kay baby tungkol sa inyong mga rules sa paglapit sa inyong anak lalo’t prone pa ito sa sakit.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!